Yvanna Sy
Active nowTHU 1:29 AM
Yvanna Sy
HERALAINE, SAAN KA NAGPUNTA!? ALA UNA NG MADALING ARAW, UTANG NA LOOB! NAKITA KO POST MO SA FACEBOOK. UMUWI KA NA, DITO KA UMIYAK!Hera Imperial
Sa daddy. Natutulog ka kaya hindi na ako nakapagpaalam.Yvanna Sy
Nakakaloka ka! Baka mamaya, mapaano ka! May tao pa ba sa sementeryo ng ganitong oras!?Hera Imperial
Kalma, Yvanna. Private cemetery 'to. May guard. Tapos ni-lock ko gate ng mausoleum ni Papa.Yvanna Sy
Sira ulo ka talagang babae ka! I'm sure Tito will understand kung mamaya ka na lang nagpunta.Hera Imperial
Yvanna, my dad never had the concept of time. Alam mo ba, noong buhay pa siya tapos ayaw niya kaming payagan mag-dorm ng mga kapatid ko, kahit madaling araw ako umuwi... papasok ako ng bahay, makikita ko siya nanunuod ng tv, naghihintay sa akin.Kaya sa palagay mo, iisipin ko pa ba ang konsepto ng oras ngayong wala na siya? Kung delikado, hindi ko na maiisip. Kasi ang gusto ko, makita ko 'yong tatay ko kahit ano'ng oras siya hanapin ng puso ko.
Yvanna Sy
Hera, naiintindihan ko naman 'yon. Nag-a-alala lang ako sa'yo. Gusto mo sunduin kita? O kaya, sasamahan na lang kita.Hera Imperial
Kaya ko, don't worry. Nagyoyosi lang naman ako dito. Mag-bo-book ako 'pag uuwi na ako. Sorry, nag-alala ka pa sa akin. Matulog ka na.Yvanna Sy
Tanga. Bakit hindi ako mag-a-alala sa'yo? Hindi lang ako expressive pero mahal kita kahit gaga ka. Umuwi ka, ha. Update mo ako.Hera Imperial
I love you, Yvanna. Sorry, ikaw lahat nakakakita ng mga kagaguhan ko.Yvanna Sy
Gusto ko lang, maging okay ka. Hindi man ngayon pero sana...Hera Imperial
I will be fine.Yvanna Sy
I hope you'll be, Hera. ❤️ Sorry, nagising ko pala si Adam kasi tumawag ako. Nag-panic ako na hindi kita nakita sa tabi ko no'ng naalimpungatan ako. Gusto kang sunduin. Nag-a-alala sa'yo.Hera Imperial
He texted me. Susunduin niyo nga raw ako. Sabi ko, 'wag na. Haha. Okay lang ako, promise. Hindi naman ako pupunta rito kung alam kong mapapahamak ako.Yvanna Sy
Papunta siya rito sa unit. Stand by na lang daw kami in case kailangan mo ng sundo.Hera Imperial
Sige. Thank you. Sorry, naabala ko pa kayo.Yvanna Sy
Mas okay ako na ganito. At least, alam namin kung nasaan ka. Mag-ingat ka d'yan.Hera Imperial
Thank you, inay. Kaya ko na 'to.
Mamaya, okay na ulit ako. Parang walang nangyari.😘
BINABASA MO ANG
Masters of War
RomanceOf Gods and Mortals II: (Zeus & Hera) Waging wars with their hearts on the line, what will conquer?