EXT. SAN MARTIN BLDG. — 1:26 PM
Lumabas ako ng building dala ang mabigat na kopya ng mga notes at reviewers sa kamay ko. Nakaikot naman sa leeg ko ang itim na stethoscope habang suot ko pa rin ang white gown na gamit ko sa ospital kanina.
"Hello, miss!" rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses. Agad akong lumingon at halos patakbo siyang lumapit sa akin.
"Let me get that for you," he volunteered before holding out a small bouquet of pink lilies in front of me. "Hold this one for me instead?" he even grinned.
I scrunched my nose and just looked at the bouquet that he's still holding. "Nu 'yan? Ba't may ganyan? Sino'ng namatay?"
"Ako, patay na patay sa'yo," tawa niya bago niya mabilis na kinuha sa kamay ko ang mga notes at bag na dala ko. "I'll carry these for you."
"Ang corny mo na! Saan na 'yong conyo na una kong nakilala?" biro ko pagkatapos kong amuyin ang mga bulaklak na tinanggap ko rin naman mula sa kanya. "These are lovely. Thank you."
"Well, I thought you hated that side of me," he answered before winking. "You're always welcome, doktora."
Sasabihin ko pa sana na 'wag niya muna akong tawagin sa title na 'yon nang sabay kaming mapalingon dahil may tumawag sa pangalan ko.
"Hera!"
Kumunot agad ang noo ni Zeus. Nakatingin lang siya kay Cronos na naglalakad palapit sa aming dalawa. May kasama siyang dalawang brods na sina Darren at Simon.
"Hey..." I greeted them casually.
"Pakilala mo naman kami sa kasama mo," biro ni Darren sa akin. Ayaw ko sana pero nagsalita na agad si Zeus sa tabi ko.
"I'm Zeus," pakilala niya at isa-isa niyang kinamayan ang mga brods ko. "Hera's..."
He looked at me, like he's expecting for me to finish the sentence for him. Maybe he doesn't want to sound assuming if he is going to say something that I may deny. Ayaw ko rin sana maglagay ng label dahil baka ako naman ang maging assuming kaya hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin.
"...suitor," duktong na lang niya nang wala akong sinabi.
"Sis, may manliligaw ka na pala. Ba't ngayon mo lang ipinakilala sa amin?" ngisi ni Simon sa akin pagkatapos nilang magpakilala kay Zeus.
"Ah, eh... uhm, kakasimula pa lang naman," utal kong sagot.
"Hindi na pala makakaporma si Cronos?" tanong ni Darren at nagkibit-balikat lang ako.
"Nanliligaw pa lang naman," casual na sabi ni Cronos. "It will still be up to, Hera."
Zeus faked a cough. I plastered a fake smile and grab a hold of his free hand. "Actually, Cronos, you're right. It's up to me. And right now, I've decided to make me and Zeus exclusive."
Nagtiim-bagang si Cronos nang marinig ang sinabi ko. Ngumisi naman nang malaki si Zeus. Of course, I'd rather choose him than Cronos to save my pride.
"It's nice to meet all of you. Now if you will excuse us, I still have to take my girl out for a late lunch," Zeus beamed. "Let's go, Hera."
BINABASA MO ANG
Masters of War
Storie d'amoreOf Gods and Mortals II: (Zeus & Hera) Waging wars with their hearts on the line, what will conquer?