XXXII.

972 41 5
                                    

INT. MANILA CEMETERY ⁠— 2:15 AM

Lumingon ako nang may narinig ako'ng sasakyan na huminto sa tapat ng mausoleum. It's a black City and I know that it's Zeus' car. Isang beses pa lang naman ako'ng nakasakay sa sasakyan niya pero tanda ko pa rin kung ano ang gamit niya.

"Zeus..." mahinang sambit ko nang bumaba siya mula sa sasakyan. Ngumiti siya at itinaas ang coffee holder na hawak niya.

"Coffee, miss?"

"I told you, I'm safe here," sabi ko naman nang binuksan ko ang gate. "Come in."

"And I told you, I'll be coming to get you. Sorry, ang tagal ko. Galing pa ako'ng Makati," paliwanag niya nang maupo siya sa marmol na upuan sa gilid.

"It's fine. I wasn't expecting you anyway," I answered as I took a sit beside him. Umiwas ako ng tingin nang sinubukan niyang tumitig sa mga mata ko.

"Mugto mata mo," puna niya. "Bakit ka ba nandito? In this ungodly hour?" curious niya pang tanong.

"Gusto ko lang," kibit-balikat kong sagot.

"Importante ba⁠—oh... I.. shit, I'm sorry," nahihiya at napamura niyang sabi nang sinundan niya ang tingin ko sa itim na lapida. "Saturnino Imperial... is he your dad?" he uttered in a low voice.

"Yes."

"I'm really sorry," mahina niyang sabi bago inabot ang kape sa akin. "Gusto mo?"

"It's okay," I assured him before taking the coffee from his hand. "Thank you for this."

"You... uhm, look like your dad," dagdag niya habang nakatingin sa litrato na nasa lapida.

"I get that a lot. Noon, ayaw ko kapag sinasabi na magkamukha kami. Inaasar ko siya palagi," pilit akong ngumiti habang nagkukuwento. "Ngayon... parang kahit ano na lang, anything to remind me of him, tatanggapin ko."

"Kamukha mo talaga. And I'm not saying that to make you feel better," ngiti niya. "Palagi ka bang nandito ng ganitong oras?"

"Minsan lang. 'Pag sobrang malungkot, gano'n."

"Hindi ka ba natatakot?"

"Alam mo ba ang greatest fear ko noon, mawala ang daddy ko," pag-amin ko habang nakatingin ng diretso sa kawalan. "That's why I stopped being scared when I lost him. Parang... sinagad ka na ng mundo."

"The universe doesn't owe us any favor," balik niya.

"Pero may mga bagay na sana, hindi ganito kasakit."

"I'm sorry you had to go through this hurt," mahina niyang sabi at marahan niyang inabot ang kamay ko. "Sorry, I'm bad with words and I don't know how to make it better. Pero kung.. uh... if ever you want to go here again at an ungodly hour, please call me."

"Why?" kunot-noong tanong ko.

"I just want you safe," diretso niyang sagot. "If you need privacy, sa sasakyan ako maghihintay. If you think that I'm overstepping—"

"No, it's okay," ngiti ko. "Don't worry, I will keep that in mind."

Tumayo ako at tinapik ko siya sa balikat niya. "Let's go. Babalik na lang ako sa susunod. Yvanna's getting worried."

"Hera?" habol niya naman sa akin kaya muli akong lumingon.

"Hm?"

"Nang ma-in love ako sayo'y kala ko'y pag-ibig mo ay tunay..." panimula niya na parang tumutula imbis na kumakanta. Medyo nabubulol pa pero pwede na rin. At least, he tried.

"Tang ina? HAHAHA!" tawa ko sa pagkabigla dahil ang seryoso namin kani tapos kumanta na lang siya bigla. "Mukha kang tanga."

Ngumisi siya. He doesn't seem offended. "Anything to make you smile."

"It worked," I nodded. "Thank you, Zeus."

Masters of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon