INT. MOON RESIDENCES — 6:26 PM
Putang ina, Yvanna!
Oh, ano?
Nasa SU na raw siya!
Oh, tapos hindi ka pa naliligo? Kumilos ka na!
Ayoko nang makipagkita! Nawala na lahat ng harot ko sa katawan. Okay na hormones ko.
Ang bastos nito! Hoy, gaga! Pinuntahan ka nung tao tapos hindi mo sisiputin? Parang tanga 'to.
Ayoko na nga. Kinakabahan ako!
Hindi naman pangit, ah? May hitsura nga, eh. Ano ba, Hera! Sinasayang mo ang oras niya.
First time ko makikipag-date. Para akong masusuka!
Alam niya ba?
Hindi! Sabi ko may ex ako'ng dalawa. Hindi niya alam na NBSB ako.
Gaga ka talaga!
Make out lang naman habol ko, eh! Siya nag-insist na may dinner pa and all that shit!
Eh, malay mo... baka maayos naman siya? Ewan ko ba kasi sa'yo, ha! Kung bakit ayaw mong subukan. Gusto mo talaga 'yong sinasaktan ka, eh. Ayaw mo ng ganyan. 'Yong mabait sa'yo.
Maayos ba 'yon? Naghahanap nga lang ng hookup sa internet!?
Malay mo nga! Tignan mo, gusto pa ng date.
Ah, basta! Maliligo na nga ako. Sisipot na ako, okay? Nakokonsensya ako sa sinasabi mo.
Dapat lang. Bilisan mo, may naghihintay sa'yo.
Nasa Botanical Garden nga ata siya. Nag-a-aral daw. Sabi ko sa labas ako ng church hintayin, eh. Matatawa talaga ako kapag nasa loob siya mamaya. Sign 'yon. Soulmates!
Tanga ka! Mamaya magkatotoo.
Yvanna, he's a stranger. And this is just a hookup.
Sus! Basta dumaan kayo dito, ha? Gusto kong makita. Kahit sisilipin ko na lang sa lobby kung nahihiya ka.
Idadaan ko dito. Ipapakilala ko sa'yo. Kay Adam ka muna matulog mamaya, ha? Uwi kami dito, eh.
Oo na! Solohin mo 'tong unit mamaya. Text mo ako kapag ninang na ako.
Gross, Yvanna! Knock on wood, please!
Ay? Mapagpanggap? Akala mo walang dumi sa isip?! Hahaha! Joke lang. Sige na, kumilos ka na! Babae'ng 'to talaga!
Oo na, inay!
BINABASA MO ANG
Masters of War
RomanceOf Gods and Mortals II: (Zeus & Hera) Waging wars with their hearts on the line, what will conquer?