EXT. HERA'S BALCONY -- 10:18 PM
Alam ko na kung bakit ka hinahabol-habol ni Cronos.
Dahil sira ulo siya?
Tanga, sis! Hindi!
Then what, Marga?
Well... sis, hot topic ka sa mga brods ngayon. They are head over heels with your new look. Hindi ba, nagsimula ka nang mag-ayos ng sarili mo noong lumabas kayo ni Zeus?
Pero noong sumunod ka sa inuman last time, hindi ka na masyadong fresh dahil napalaban ka nga no'n, 'di ba? So, lately lang nila napapansin na blooming ka.
Maganda naman talaga ako, sis?
Sis, oo nga, maganda ka. Pero ano ang magagawa natin kung ngayon lang nila napapansin? Hindi ka naman kasi nag-a-ayos kapag pumapasok ka sa school.
Sino pa bang magkakaro'n ng oras mag-ayos sa med school, sis? Tsaka, inulugay ko lang naman ang buhok ko at naglagay ng lip tint. 'Yon lang naman ang bago.
Uy, totoo naman nga kasi. Iba ang pagiging blooming mo lately. After sex glow ba 'yan?
Gaga! Paano naman mangyayari 'yon!? I'm still a virgin, remember?
Makeout glow, then? Or touch of an Athenean glow?
Gaga! Baliw ka talaga!
But no, seriously, sis! Ito pa, the brods are suggesting for Cronos to pursue you. If ever, papayag ka naman ba?
Really? Ang kakapal ng mukha rin, ano? After calling me creepy and a stalker of Cronos, now they want him to pursue me? Mga gago!
To be honest, Cronos never said anything about you with regard to that issue. Mga brods lang naman ang mahilig mang-asar.
Sometimes, silence is just as bad! Wala siyang ginawa. He just let them. Hinayaan niya na pagtawanan ako at magmukhang tanga.
So, what are you going to do about it?
I'll turn it down. Lahat sila gusto lang ako'ng gamitin. For what? For their own satisfaction. Fucking asses!
Paano si Zeus? Mukhang seryoso naman sa'yo ang isang 'yon.
Mukha lang, mukha ring lolokohin ako.
I know you, Hera. You'll eventually fall for one of them... again. It's just a matter of who and when.
Then may the best jerk wins.
BINABASA MO ANG
Masters of War
RomanceOf Gods and Mortals II: (Zeus & Hera) Waging wars with their hearts on the line, what will conquer?