EXT. MOON RES, BALCONY — 11 PM
Ang tanga mo?
Ilang beses mo pa uulitin, teh? Kulang na lang, gawin kong pulutan 'yang pagiging tanga ko sa inuman natin.
Eh, kasi... totoo naman! You could have a shot with Sky more than Cronos!
Stop calling him that. Feeling ko, fake name lang niya 'yon.
But still! Tignan mo, ano bang napala mo? Napahiya ka lang, eh. Nagsuka ka lang. Ni hindi nga pinansin 'yang kiss mark mo!
Gusto ko ngang pagselosin sana.
Girl? Ilusyon mo lang 'yan! Magseselos ba ang tao na wala namang pakialam sa'yo?
Yvanna naman! Dahan-dahan! Ang sakit, eh!
Oh, bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo. You know that I won't sugarcoat things for you.
Mabait naman kasi sa akin noon si Cronos. Nilandi niya rin naman ako ng slight, ah?
Gaga! Syempre, neophyte siya noon. Gusto niyang pumasok sa frat at nautusan lang siya ng mga brods kasi nga bet mo siya, 'di ba?
Pero tapos na ang service niya ngayon, wala na siyang kailangang sundin at patunayan. Tignan mo, hindi na mabait sa'yo. Sinabihan ka pa ngang creepy!
Oo nga, eh. Alam ko naman, okay? Tinitiis ko lang kasi bet ko talaga siya. Tsaka sa creepy na part, kasalanan ko bang doon din sila nagyoyosi kung saan tayo laging tambay?
See! Pero sige ka pa rin nang sige! Sino ba ang may sabi sa'yong pagtiisan mo 'yon!?
Ayaw ko na nga! Ito na nga, pinaparusahan na ako ng langit. Hindi ko mahanap 'yang Athenean na 'yan.
Sino ba kasi ang may sabi'ng burahin mo number niya?
Siya! Kasi ang usapan naman talaga, hookup lang. Ngayon ko nga lang naisip na gusto ko pa pala siya. Isa pa. One more tikim. Pero, hindi ko na ma-recover ang number niya.
Alam mo, feel ko, badtrip sa'yo 'yon. You could've convinced Sky if he stayed a little longer. Feel ko, papayag naman 'yon na maulit pa. Kaya lang, pinaalis mo.
Kaya nga, eh! Alam mo, pwede siyang jowa material. Tsaka sa loob ng simbahan ko siya nakita. Soulmate ko ata 'yon!
Ang tanga mo kasi. Ewan ko, Hera! Ang hilig-hilig mo sa mga tao na alam mong sasaktan ka lang. Gusto mo ba ng challenge na pinagmumukha kang tanga? O sadyang masokista ka lang talaga?
Hindi ko nga rin alam, Yvanna. Parang gusto ko yata na ako ang naghahabol.
Kaya ayan, hinahabol mo naman ngayon 'yang Athenean kasi pinakawalan mo?
Tang ina, ano, mag-po-post ba ako sa freedom wall nila? May na-save akong picture niya, eh.
Mag-post ka na! Hanapin mo! Malay mo, siya na talaga. Tigilan mo na si Cronos. Walang kwenta. Nagsasayang ka lang ng oras sa lalaki na 'yon!
Hahanapin ko siya, Yvanna.
Sige. Magtatanong-tanong din ako sa mga kaibigan ko sa Athenas University. Baka kilala nila.
That is... kung magpapahanap siya.
BINABASA MO ANG
Masters of War
RomansaOf Gods and Mortals II: (Zeus & Hera) Waging wars with their hearts on the line, what will conquer?