LXXXV.

923 44 9
                                    

INT. MOON RESIDENCES — 7:30 PM

Ugh... my head hurts...

Hera, you're finally awake. Thank God!

Yvanna, how long was I out of it?

Six hours din. Pagod na pagod kang gaga ka! You should rest more.

Paano ako nakauwi?

Cronos called me and he brought you here. We both checked and over fatigue lang naman. You just need to rest. Still, ano bang kagagahan ang ginagawa mo sa sarili mo? This is clearly not taking care of yourself!

Yvanna, I'm just tired. Wala 'to.

Ano'ng wala!? Pasalamat ka, nasalo ka ni Cronos. Kung hindi, may concussion ka pa siguro!

Hindi pa naman ako mamamatay.

Makikipaghiwalay ka kay Zeus tapos ganyan ka?

Teh, kalma! Bawal na bang malungkot kahit ako nakipaghiwalay? Bawal magmukmok?

Kausapin mo nang maayos. So, you can move forward. Hindi 'yong ganyan ka, para kang namatay na pinipilit pa ring huminga.

'Cause that's what brave people do, Yvanna. They keep going, even though it hurts. Alam mo ba, araw-araw hinahanap ko si Zeus. Para akong mababaliw.

Hera, you have to help yourself get over this.

Alam mo... tuwing matatapos ang klase, lalabas ako ng building, palaging dadapo ang mga mata ko kung saan niya ako hinihintay noon. Kahit ayaw ko. Kasi, masaya ako 'pag alam kong sasalubungin niya ako.

Tapos, mapapayuko ako, makikita ko wala na akong kamay na hawak. Maaalala ko, na ay oo nga, siya ang unang bumitiw. Tapos... ang sakit? May pintig 'yong puso pero hindi para sa paghinga, parang patalim na lang na bumabaon paulit-ulit.

Tuwing mahihiga ako rito sa kama, naaalala ko kung paano niya ako niyayakap. Kasi mula noong nawala si Daddy, mabigat pati pagtulog. Pero ang gaan-gaan kapag si Zeus 'yong nandito sa tabi ko. Kasi alam kong hindi niya ako iiwan.

Yvanna, ang gusto ko lang naman, 'yong tao na paulit-ulit akong pipiliin kahit mali. Ipinaramdam sa akin ni Zeus 'yon. Na... na.. akala ko, lalaban din siya para manatali.

Pero alam mo ang masakit dito? 'Yong nawala siya sa akin hindi dahil kinuha siya ng mundo. Wala siya dahil... pinili niyang talikuran ako no'ng gabi na kailangan ko nang kakapitan. I needed an assurance. I needed to feel safe. Pero binaliwala niya lahat ng 'yon sa isang salita: leave.

He asked me to leave when all I wanted was to stay. To understand. Pero ipinagdamot niya lahat 'yon. Kaya siguro tama ka, baka pinipilit ko na lang huminga. Sa ngayon kasi... 'yon lang kaya kong gawin para sa sarili ko. Ang huminga kahit masakit.

Ang sakit-sakit na, Yvanna. I just want this to go away...

Masters of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon