XXXIV.

988 42 5
                                        

INT. MOON RESIDENCES — 8 PM

You're warming up to Zeus, I see.

Hindi naman. Makulit lang kasi talaga. Isa pa, siya naman ang may gusto na puntahan ako kanina sa sementeryo.

But you allowed him to see the vulnerable you, Hera. That's unlikely of you.

That doesn't mean I'm letting him in. Isang gabi lang naman 'yon, Yvanna.

Isang gabi... na naman. Hanggang sa hindi mo namamalayan, buo na ng ng mga gabi ang linggo o buwan. You'll just be shocked na parte na pala ng buhay mo si Zeus.

At least, he's trying. Give him a chance.

Gusto mo talaga siya, 'no?

Alam mo kasi, napaisip lang ako. Noong umalis ka kaninang madaling araw. Naisip ko lang na... you deserve someone who'll take care of you. Who'll go an extra mile.

Ikaw na rin naman ang nagsabi sa akin, his girlfriend cheated. So, problematic naman talaga ang relationship nila. Mali lang siguro siya ng ginawa dahil hindi agad tinapos pero that doesn't have to define him. Malay mo, with you, he can be better.

Hoy, kailan ka pa naging Zeus advocate?

Sira! Hindi ako Zeus advocate! I'm not campaigning for him. I am doing this for you to be happy.

Ayokong masaktan, Yvanna. No more risks, I want to feel assured. Na hindi na ulit ako masasaktan.

Lahat ng bagay, may sakit na kasama. Pero if he'll make the pain worthwhile, then it's worth giving a shot. Kung hindi naman, at least matututo ka.

Isa pa, sino bang naging masaya sa comfort zones nila?

Well... right now, it's enough that I'm okay. Kahit hindi masaya, basta okay ako.

I wish you'd stop lying to yourself. Lahat ng tao gustong maging masaya, kahit sandali.

Kinukuha lang din naman sa akin ng mundo lahat ng nagpapasaya sa akin. Kukunin lang din nito si Zeus sa akin. Hindi bale na lang.

Masters of WarMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon