EXT. SAN MARTIN BLDG. — 4:32 PM
Isang linggo na rin ang nakalipas, pero hindi ko talaga mahanap ang estranghero na 'yon. Hindi rin approved ang post ko sa freedom wall nila kasi bawal pala'ng mag-submit ng pictures for privacy sabi sa akin ng admin.
Hinayaan ko na lang din. Baka gano'n lang talaga, may makikilala tayong tao na isang beses lang dadaan sa buhay natin tapos wala na.
Hindi ko rin nga alam bakit ang drama ko, nagtikiman lang naman kami. Pero siguro, nanghihinayang lang ako sa mga posibilidad. Puñeta kasi 'yong si Yvanna, kung anu-anong ilusyon ang ipinapasok sa isip ko.
Ara! Sissy!
Uy, kanina pa kita hinahanap! Ito na ang ticket mo para sa party natin this Saturday.
Thanks! Sabay na kami ni Yvanna na pupunta. Marami bang gwapo ro'n?
Marami! Ipapakilala kita. Para tigilan mo na si Cronos.
Uy, wala na! One week ko na siyang hindi kinukulit. 'Di ba nga, may hinahanap akong Athenean.
Ay, sis! Malay mo, makita mo sa Saturday.
Eh, 'di ba, law students ang tie-up natin para sa med and law party this Saturday? Masters ang kinukuha niya, sis. Business.
Open for all naman. If wala, ipapakilala kita sa tie-up natin na frat. Maraming okay do'n.
Sige, sissy. Thank you ulit dito sa ticket. May class pa 'ko. See you sa Sat!
Ang sorority kasi namin, may mga tie-ups sa iba't ibang universities. Usually, medicine rin para share sa resources pero itong law frat, for connections din tsaka kapag may party.
Masaya naman tapos marami kang makikila kaya lang, hindi ako nakikipaglandian sa tie-ups. Reputation din kasi namin ang kawawa if the flirting goes out of hand.
Unless, seseryosohin ka. Ibang usapan na 'yon. So siguro, maglalasing na lang ako sa Saturday. O makikipagkilala sa ibang lalaki.
Ayoko nang magmukmok kay Cronos o kay Sky (kung sino man siya). Marami pang iba.
Makakahanap pa ako ng iba.
BINABASA MO ANG
Masters of War
RomanceOf Gods and Mortals II: (Zeus & Hera) Waging wars with their hearts on the line, what will conquer?