LXXXI.

846 39 5
                                    

EXT. PARKING — 5 PM

"Gago ka, Yvanna! Ano'ng ginagawa natin dito sa Rockwell!?" mura ko sa kanya nang bumaba kami sa sasakyan.

"Nandito 'yong hitad na si Io. Alam ko kung ano'ng sasakyan niya, nakita ni Adam kanina no'ng nandito sila ni Tita," paliwanag niya bago niya ako inabutan ng metal scrap.

"That's her car," nguso niya sa isang itim na Fiesta. "Kinalmot ka, 'di ba? Gasgasin mo."

"Tang ina! Ayoko! Kung mahuli tayo dito!?" taranta kong sabi.

"I'll distract the guard. Bilisan mo," tulak ni Yvanna at nakita kong lumapit siya sa guard.

"Kuya, gumagana ba CCTV niyo rito sa parking? May nawawala kasi sa sasakyan ko," nagpapanggap niyang sabi habang palapit ako sa sasakyan ng ex ni Zeus.

"Ay, Ma'am! Pasensya na. Hindi po gumagana 'yong CCTV ngayon," paumanhin ng guard. "Ano po ba ang nawala? Mag-file na lang po tayo ng report."

"AH, KUYA! HINDI GUMAGANA 'YONG CCTV!?" malakas na sabi ni Yvanna para marinig ko kaya nagsimula na ako na gasgasan ang sasakyan.

Gumuhit ako ng linya mula sa pinto ng driver's seat hanggang sa dulo ng compartment. I didn't overdo it because a scratch is still a scratch. It's still a damage.

Nag-ipit ako ng note at ilang blue bills sa wiper niya nang matapos ako.

'Never mess with me again. You can always have your stupid car repaired. But what you did to me will always leave a mark. — H"

"Tang ina, ano 'yan!? Ganyan lang, Hera!? Nag-iwan ka pang pera!" inis na sabi ni Yvanna sa akin. Kinuha niya ang scrap na hawak ko at nag-drawing siya ng ahas sa gilid ng sasakyan. "There! Much better!"

"That's enough, Yvanna. Okay na ako. Let's go," satisfied kong sabi. "Ano pala ang sinabi mo sa guard?"

"Sabi ko, misplaced lang pala 'yong gamit ko sa sasakyan. Binigyan ko na lang ng five hundred para sa 'abala' kunwari," tawa niya. "Halika na, Hera."

"You know what, Yvanna? You're the best."

"I know, right?" she giggled. "Anything for my best friend."

Masters of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon