EXT. SAN MARTIN BLDG. — 2 PM
"Hera," hinarang agad niya ang nilalakaran ko palabas ng building. Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago nag-angat ng tingin sa kanya.
"What do you want, Zeus?" I asked. Yakap ko ang mabibigat kong libro habang nasa balikat ko ang shoulder bag na madalas niyang buhatin noon.
"Let's talk," diretso niyang sabi at sinubukan niyang kuhanin ang mga gamit na dala ko. "Let me—"
Itinaas ko ang kamay ko para putulin ang sasabihin niya. Bumaling ako kay Yvanna na bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Una ka na," sabi ko sa kanya at sumimangot siya sa harap ni Zeus bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
"Are you sure?" she asked and I nodded.
"I'll be fine, Yvanna."
Tumango siya at bumaling ng tingin kay Zeus. "I am watching you, Malvar," she even warned before kissing my cheek. "Uwi na ako sa unit natin, Hera. Text me if something comes up."
"I will."
Binalingan ko ng tingin si Zeus pagkatapos umalis ni Yvanna. "Fine, we'll talk but I'll carry these for myself," mariin kong sabi. "Where?"
"Do you want to eat first? Where do you—"
"No. We'll talk in your car."
"Okay. D'yan lang ako sa gilid nag-park," sabi niya naman at tahimik akong sumunod sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako sa shotgun. Sumunod din siya papunta sa driver's seat at nanatili kaming tahimik ng ilang minuto bago siya nagsalita.
"Mahal kita," diretso niyang pag-amin. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero nanatili ang tingin ko sa harap, sa mga dumadaang tao.
"Ako rin," mahina kong sabi. "Mahal kita."
Huminga ako nang malalim bago matagal na tumitig sa kanya. "Ako rin, Zeus. Mahal kita," pag-ulit ko.
"I'm sorry. I should've... I should've..." bumaba ang tingin niya sa mga sugat ko sa braso na ngayon pa lang natutuyo. "Fuck! You were hurt, Hera."
"I still am," pag-amin ko bago ko tahimik na itinuro ang kaliwang dibdib ko kung nasaan ang puso. "Sugat lang 'yan. Gagaling 'yan. Dito mas masakit, Zeus."
"I'm sorry for making you feel unwanted. I should've chosen you that night," nakayuko niyang sabi.
"You should've... but you didn't," malungkot kong ngiti. Itiningala ko ang ulo ko para pigilan ang mga luha na kanina pa gustong bumagsak. "I... I don't understand. I was wrong for losing my temper but you didn't even try to defend me. Io insulted me in front of you. Hindi kita inoobliga pero sana... sana, inilaban mo ako," pumiyok ako sa huling salita at naramdaman ko ang unti-unting pag-agos ng luha sa pisngi ko.
"Zeus, inilaban kita. Hindi ako nanunumbat pero inilaban kita. Sa mundo, kay Cronos..." pagpapatuloy ko. "Pero ikaw ang nagpatalo sa akin."
"Alam ko na pareho nating hindi inakala na magiging seryoso tayo sa isa't isa. We met on an app and only for convenience. Isang gabi. Pampawala ng libog. Pero minahal kita ng totoo. Inilaban kita sa paraang alam ko dahil gusto kita sa buhay ko. Pero bakit parang mali? Bakit ako 'yong kailangan umalis?"
"Let me explain," pakiusap niya at marahan akong tumango. "I needed to talk with Io that night. I needed to set her straight."
"Privately? But you never had that decency with me? Zeus, ipinahiya mo ako sa harap niya. Kung ipinaliwanag mo, aalis naman ako. Maghihintay ako sa'yo. Pero pinagmukha mo akong tanga. 'Yon 'yung masakit, eh. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip mo. Kung bakit pinabayaan mo ako."
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at marahan niyang pinunasan ang mga luha ko. "Nagkamali ako, Hera. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi kita mahal."
"Alam kong mahal mo ako. Araw-araw, ipinaramdam mo sa akin 'yon," sagot ko. "Pero takot na ako, Zeus. Takot at pagod na ako magtanong. Paano kung sa susunod, hindi na naman ako ang piliin mo? And you know how vulnerable I am. Takot akong maiwan. Mawalan. Lalo na no'ng nawala ang daddy ko. Kaya noong gabing pinaalis mo ako, hindi ako makahinga. Kasi iniwan mo ako no'ng sinabi mong umalis ako. Oo, ako 'yong tumalikod noon para maglakad palabas ng unit mo pero ang totoo, ikaw ang unang tumalikod. Nauna ka."
"Kasi akala ko..."
"Kasi akala mo ano?" tumawa ako ng mapakla. "Kasi akala mo, 'pag inayos mo na si Io, may babalikan ka pa sa akin?"
Nanatili siyang tahimik. Ibinaba niya ang kamay niya mula sa pisngi ko at napailing ako.
"You lost me that night, Zeus. Please stop trying to get me back. Wala na akong ibibigay. Ubos na ubos na ako," pakiusap ko bago ako bumaba ng sasakyan niya.
Hindi na ako muling lumingon.
Hindi na rin niya ako hinabol.
![](https://img.wattpad.com/cover/159422690-288-k993543.jpg)
BINABASA MO ANG
Masters of War
RomanceOf Gods and Mortals II: (Zeus & Hera) Waging wars with their hearts on the line, what will conquer?