Case 025: Tattoo Brothers 👮

141 11 23
                                    

                        "Poisoning"

ALEXIS
Pabalibag na naupo ang nurse. She look so tired and exhausted. Dinaig pa nito ang kriminal kung tanungin ni Alejandro. Kaya naman para itong nakahinga ng maluwag nang tumalikod ang binata.

"Nurse about sa CCTV---"

"Sorry Miss, pero tanong mo na lang sa management, I'm doomed!" Imbes na maiinis ay naiintindihan niya ito. Hindi nga naman biro ang "pinagdaanan" nito kay Alejandro.

Nagpunta siya sa management ng hospital may isang staff naman roon na nagmabuting loob na samahan siya sa IT room at binigay ang hinahanap niya. Sad to say sobrang labo ng footage sa ICU, pero ang nakapagtataka ay malinaw naman ang ibang kuha sa ibang parte ng ospital.

"Ganyan po ba talaga kalabo 'yan?"

Umiling ang kausap na nagtataka rin tulad niya. May kung anong pinindot ito pero malabo pa rin ang kuha. "Wala, malabo po talaga."

Napaisip ang dalaga, mas mabuti na iyon kaysa naman sa wala. "Pwede ba akong makahingi ng kopya?"

"Sure sandali lang," mayamaya pa ay may binigay itong USB sa kanya na naglalaman ng nasabing footage.

Nakangiting tinanggap niya ito at nagpaalam sa lalaki. Bumaba siya sa ground floor at nakita niya roon ang nurse na si Edith, informing her na sinimulan na daw ang autopsy sa katawan ng pasyente.

"Mga kailan kaya lalabas 'yong result?"

Nurse Edith put her hands on her pocket at ngumiti bago sumagot. "Autopsies usually take two to four hours to perform. Preliminary results can be released within 24 hours but the full results of an autopsy may take up to six weeks to prepare."

Ngumiti siya sa nurse at tumango. "Alam n'yo naman 'yong police hotline 'di ba?"

"Opo."

"Paki-inform na lang kami kapag lumabas na kahit 'yong preliminary result lang."

"Sure po Ma'am," sagot nito at bumaling kay Arlene na nasa information desk parin.

"Arlene pakilabas naman ng log book, out na'ko."

"Ay naku buti ka pa Editha!" sagot ni Nurse Arlene na napailing na kinuha ang log book. Napaisip ang dalaga, kung Nurse ang lalaking tinutukoy ni Arlene na pumasok sa ICU dapat ay naka-record sa log book ang pag-in ang out nito.

Kinuha naman ni Edith ang log book. She was about to sign when Alexis interrupted her.

"Pwede patingin?"

"Sure." Tumango ito at bahagyang tinulak ang log book papalapit sa kanya.

"Ilang years ka ng nag-tatrabaho dito?" she asked while skimming on the log book pages.

Edith bit her lower lip. "Siguro mga five years na."

"Kilala mo lahat ng nurses dito?" She lift her head from the log book and look at the nurse in front of her.

Very proud na sumagot ito. "Hindi lang nurses, pati doctors, staff, utility, guards lahat kilala ko, pati nga pangalan ng mga pasyente may listahan ako."

She showed her the log book. "May nakikita ka bang pangalan d'yan na hindi mo kilala?"

Sinuri naman nito ang log book at umiling. "Kilala ko silang lahat."

"Sigurado ka?" Edith nodded in respond, tila siguradong sigurado ito sa sagot.

"Pwede ba kita isama sa IT room?" she asked one more favor from the nurse.

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon