Case 087: Second Chance 👮

139 8 3
                                    

RAYMOND DE VEGA A.K.A. MASTER GEORGE

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng kanyang kaibigan at ang hepe ng pulisya na si Renato Asaytuno. Napansin nito na wala pa siyang balak na iwan ang kabyang trabaho kahit na lampas na sa oraa ng kanyang duty. Ganito talaga siya sa tuwing may hawak na bagong kaso, laging buo ang atensyon niya at hindi na napapansin ang oras.

"Uuwi na rin Chief, kailangan ko lang tapusin itong report."

"Ganoon ba? Kung ganoon at maiwan na kita."

Marahang pagtango lang ang sinagot niya sa hepe bago making itinuon ang atensyon niya sa kanyang ginagawa. Makakipas ang labing-limang minuto at natapos na niya rin naman ito at naghanda na sa kanyang pag-uwi. May ngiti sa labi na nilisan niya ang headquarters. In his line of work, it's always fulfilling to finish a day without a ruckus.

Naabutan niya na nagluluto ng hapunan ang kanyang may-bahay. Dahil abala sa pagluluto, at hindi nito napansin ang pagpasok niya. Nakangiting lumapit siya dito at niyakap into sa beywang.

"Anak ng kabayo...Ay ginulat mo naman ako Raymundo, ba't ba bigla ka na lang sumusulpot d'yan?" kahit Raymond lang naman ang kanyang pangalan, nasanay itong tawangin siyang Raymundo, tanda na rin marahil ng endearment nito sa kanya

Ngumuti lang siya dito. Minsan lang naman siya maglambing dito at naiinis pa ito. "Nasaan ba si Alejandro?" pag-iiba niya ng paksa bago pa tuluyang mainis ang asawa.

"Naroon sa kanyang kwarto. Tawangin mo na at tapos na rin naman itong niluluto ko para sabay-sabay na tayong maghapunan."

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon