Case 049: Drug Raid 👮

107 5 14
                                    

                             "Wrong Move"

ALEXIS
"Alexis," she snapped back to reality when she heard someone call her. Her eyes that were fixed to RDV was transferred to Matt.

"I'm sorry nabigla lang ako kanina."

She heaved a sigh of relief. "Okay lang Inspector, naiintindihan ko po." 

"Alexis delikado kasi...alam mo naman 'di ba? I failed to save you last time at ayaw 'kong mangyari ulit iyon," sabi pa nito na may himig paumanhin.

"Kalimutan mo na rin 'yon Inspector," sagot naman niya. Kahit 'di niya nakita at sigurado naman siya na gumawa ito ng paraan para iligtas siya.

"Salamat Alexis."

"Wala na 'yon Inspector." Ngumiti siya dito.

"Well, I know you're rooting to solve this case, kaya sige magtulungan tayo."

"Talaga po?" she was surprise to hear that words from him.

Tumango ito bago sumagot. "By the way I have one request to you Alexis." He took a deep breath bago nagpatuloy. "Don't leave my side okay? Kung nasaan ako dapat naroon ka rin. I want to make sure you're safe."

"Kaya ko ang sarili ko Inspector, pero kung iyan ang gusto n'yo sige po susundin ko," nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa'yo Alexis," he said looking directly on her eyes.

She look away and averted his gaze. Hindi siya kumportable sa pagtitig nito.

"Ahm wag po kayong mag-alala, jojombagin ko sila pag sinaktan nila ako." pagbibiro niya dahil hindi niya alam kung anong isasagot dito.

"Please let me protect you, Alexis?"

Unable to muttered anything, she just nodded in respond.

Ngayon lang ulit ang unang beses na naramdaman niyang may isang taong nagpahalaga sa kanya. Isang taong handang mamatay para sa kanya. Ngayon lang ulit simula nang mawala si Leandro. Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya muna dapat isipin si Leandro at kung ano ang nangyari rito. It will distract her for sure.  Narito siya ngayong upang singilin ang taong kumitil sa buhay nito.

ALEJANDRO
On the other hand, Alejandro was busy watching. His eyes were fixed to the monitor. Hindi na siya nagulat nang makita si Alexis sa screen, tulad nila alam niya naroon ito para mag-imbestiga. What shocked him is when Matt held her hand. He saw the burning desire in Matt eyes. He known him for a long time pero ngayon lang niya nakita na ganoon si Matt sa isang babae. Na para bang gusto nitong bakuran ang kaharap. He averted his gaze to the screen. He can't stand to watch that "romantic scene" between Matt and Alexis.

"May problema ba Inspector?" tanong ni Niel nang mapansin siya nito.

"Wala napuwing lang ako," he denied, at muling binalik ang atensyon sa monitor ng computer.

"Ahem...." Kath, on his side let out a fake cough. Alam niya ang nais nitong ipahiwatig kaya pineke ang pag-ubo.

"Cañete!?"

"Wala Inspector, nasamid lang ako," Kath answered sarcastically.

He didn't commented and look back on the screen. Bumalik ang atensyon niya sa lalaking pumasok sa bar. Base sa itsura at kilos nito, alam niyang ito na ang hinahanap nila. Nakasuot ito ng kalahating maskara at natatakpan ang kalahating bahagi ng mukha at kaliwang mata. May tatlong bodyguard na panay ang sunod sa bawat galaw nito.

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon