Special Chapter (Case from the Past) 👮

149 4 3
                                    

ALEXIS
Sa tulong ng Philospy at ni Master George nagawa muli ni Alexandra o mas kilala na sa tawag na Alexis na bumangon mula sa mapait na nakaraan.

Kasabay ng paglutas ng mga kaso sa kanilang ahensya ay muli niyang pinag-aralan ang pagkamatay ng kasintahan.

"Mau, anong balita d'yan at sa San Simon?" Mula nang makatakas sa kulungan ay muli siyang naghanap ng paraan para makontak ang kasamahan sa trabaho at kaibigan na si Mau. Ito ng naging impormante niya at mata sa dating lugar na pinagtatrabahuhan.

"Ang dinig ko pinasa na raw sa SCBI ang lahat ng record sa kaso ni Leandro."

"Dito sa Capitol?"

"Yes Alexan---"

"Alexis, Mau... it's Alexis."

"Okay...Alexis, ayon ang pagkakadinig ko sa usapan nila dito."

"Kanino raw pinasa ang kaso?"

"Hindi ko alam kung sino mismo ang humawak pero ang alam ko isang baguhang inspector sa Capitol."

"Baguhang inspector?"

"Oo Alexis, nand'yan ka sa Capitol 'di ba?"

"Oo,"

"Bakit di mo subukang bumisita sa Capitol Police District?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot. Kung pwede nga lang gawin iyon at ginawa na niya. "Hindi naman ako pwedeng bastang bumisita sa SCBI at magtanong kung sino ang may hawak sa kaso ni Leandro."

"So, anong plano mo?"

"RDV."

"What! Alexis are you insane? RDV is so dangerous! Please don't involve yourself with him. You can re-open Leandro's case without involving yourself with that criminal!" she imagine how horrible Mau look right now while saying those words. Alam naman niyang nag-aalala ito para sa kanya.

"No, don't worry Mau, I'll just use his cases para magkaroon ng koneksyon sa SCBI"

"Anong ibig mong sabihin?"

"He's the no. 1 on SCBI drug list. Kung hahawakan ko ang kaso niya baka sakaling mag-krus ang landas namin ng inspector na may hawak sa kaso ni Leandro," she explained.

"Oh, I see...but be careful Alexis."

"Yes, don't worry and please trust me."

Huminga siya ng malalim mamalim bago ibinaba ang telepono. Muli niyang pinagmasdan ang larawan ng kasintahan na hanggang ngayon at lagi niya pa ring tangan-tangan.

•••
Ilang araw niyang minanmanan ang presinto at pinag-aralan ang galaw ng mga tao bago siya naglakas loob na pumasok doon at mag-imbestiga. Kinakabahan din siya na mahuli ng mga pulis at nalaman ang totoong pakay pero desperada na siya. Pinangako niya sa bangkay ni Leandro na lahat ay gagawin niya para matunton kung sino ang pumatay dito pati na rin ang mga taong may kinalaman sa pagkawala nito.

Nagpanggap siyang magtatanong lang ng direksyon sa isang pulis at pinaunlakan naman siya nito. "Sir, saan po ba ang sakayan papunta sa Moriarty City?" tanong niya, ngunit ang atensyon at wala sa kaharap kundi sa buong paligid. Nilibot niya ang paningin sa buong presinto sa pagbabakasakaling makahanap ng clue.

Nakita niya ang listahan ng mga pangalan ng mga pulis na nakapaskil sa board. Ang mga litarato nito at ilan taon sa serbisyo ay nakasulat roon, pati ng mga pangalan at ranggo nito.

"Nakikita mo ba 'yong toda na 'yon?" turo nito sa mga nakaparadang tricycle sa harap ng presinto. "Sumakay ka d'on ay sabihin mo ibaba ka sa Adler, mula sa Adler sumakay ka ng jeep at diretso na 'yon sa Moriarty."

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon