Case 039: Cybecrime 👮

119 6 16
                                    

                               "Operation"

ALEXIS
Nakabukod siya ng kwarto sa ibang babae dahil sa nangyari kahapon. Bukod sa nakakulong siyang mag-isa ay nakagapos din ang paa't kamay niya.

Nakaramdam na rin siya ng gutom at pagkahilo. Pilit niya itong nilalabanan hindi siya pwedeng magtalo kailangan niyang maka-isip ng paraan kung paano makatakas.

Kinalampag niya ang lamesa sa tabi ng upuang pinagtatalian niya. Kailangan niyang nakuha ang atensyon ni Bartolome na siguradong nagbabantay sa labas.

Nakailang ulit siya sa pagkalampag nag bumukas ang pinto. Naiinis na mukha ni Bartolome ang bumungad sa kanya.

"Ano ba? Kaaga-aga ang ingay-ingay mo!" bulyaw nito sabay hithit sa sigarilyong hawak. Ipinilig niya ang ulo upang hindi malanghap ang usok na binuga nito.

"Kalagan mo ako!" utos niya.

"At bakit naman kita kakalagan?"tanong nito habang patuloy pa rin sa paghithit-buga ng hawak na sigarilyo. Tila nang-aasar pa nitong binuga ang usok sa mukha niya, sa pagkakatong iyon at hindi siya nakailag. Pinigil niya ang hininga upang hindi malanghap ang usok. She hates the smell of cigarette lalo na kung mula iyon sa isang tao na mukhang hindi man lang nagsisipilyo.

Kahit pinigil niya ang huminga ay naamoy niya pa rin ang mabahong hininga nito na amoy pinagsamang alak at sigarilyo.

"Nadudumi ako!" hindi papatinag na sagot niya.

"Tumigil ka, alam 'kong nagbabalak ka lang makatakas," anito at tumalikod na sa kanya.

"Nadudumi nga ako!" nakipaglabanan siya ng sigawan dito.

"Alam mo bang ikaw ang pinakamakulit at pinakamareklamo sa mga babae dito?"

Hindi na siya nagulat sa tinuran nito. Nahahalata na rin siyang malapit ng maubusan ng pasensya ito.

"Sige na kalangan mo na ako," pakiusap niya dito. This time sa mababang tono.

"Manahimik ka!" anito at sinarado na ang pinto.

"Sige kung gusto mo dito na ang ako dudumi, aaah!" nilakasan niya ang pagsigaw upang masiguradong narinig nito iyon sa labas.

"Bahala ka ikaw din ang maglilinis nito," patuloy niya pa ngunit wala siyang naririnig na tugon dito.

"Hindi ka ba talaga titigil?" sigaw nito at pabalibag ng binuksan ang pinto.

"Eh nadudumi ako eh!" reklamo niya. "Gusto mo bang mangamoy tayo dito?"

"Nadudumi ka ba talaga?" may dudang tanong ng lalaki.

"Oo nga pero 'di bale na dito na ako---aaah!" kunwaring pag-ire niya at sinabayan niya pa ng pagkunot ng noo. Her drama can win an Oscar awards.

"Oh sige, pero sasamahan kita."

"Ano?!"

"Alangan namang hayaan kitang makatakas."

"Sige para makasigurado ka pero hanggang sa labas ka lang!" paninigurado niya dito.

"Malamang, sino naman gustong makaamoy ng tae mo?"

If she's not in this situation, she would laugh hard with Bartolomeo's humor. Kinalangan siya nito at 'di binitiwan ang kamay niya hanggang makarating sila sa banyo.

"Bilisan mo lang ha?"

"Oo!"

Nagpalinga-linga ang tingin sa paligid at naghanap ng bagay na maaring gamitin.

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon