Case 045: Drug Raid 👮

144 8 12
                                    

                                   "Lead"

Dalawang linggo ang makapalipas nang mangyari ang isang malagim na krimen sa kanyang pamilya ay isang malaking balita ang gumimbal sa kanya. Isang malaking paggawaan ng droga ang nahuli ng pulisya. Matagal nang tinutugis ng mga pulis ang nasabing pagawaan, naalala niya pang kasama ang kanyang ama sa pagtugis sa naturang factory. Ngunit kung nakailang subok ang mga ito ay ganoon din ang bilang ng pakabigo ng mga ito.

Sobrang mailap ang may-ari ng paggawaan. Walang nakakakila dito kahit pa ang mga ka-transakyon nito sa pagbebenta ng droga.

Kung kailan wala na ama niya ay tiyaka naman natugis ng mga pulis ang factory ngunit ang gumulat sa binata ay nakapangalan sa ama niya ang nasabing paggawaan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ay nangangalang Raymond de Vega ang may ari ng factory. Nagawa man ng mga ito na mahuli at mapatigil ang operasyon ng nasabing factory, hindi naman nila nahuli ang mismong may-ari nito. Na ayon nga sa mga pulis ay isang pulis na tumiwalag sa serbisyo at nangangalang Raymond de Vega.

Ang tinutukoy ng mga ito ay walang iba kundi ang kanyang ama.

Ngunit hindi naniniwala ang binata sa naturang balita. Alam niyang ginagamit ng mga ito ang pangalan ng kanyang ama para makalusot. Pinalabas ng mga ito na ang ama niya ang may-ari ng paggawaan. Hindi lang pinatay ng mga ito ang ama niya; pati ang iniingatang nitong pangalan ay winalanghiya ng mga ito.

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon