Case 046: Drug Raid 👮

119 5 7
                                    

                         "Sabotage Plan"

ALEXIS
Another missing case was reported to their office. The daughter of the multi-millionare businessman Eddie Chua was found missing this morning.

Mismong si Mr. Chua ang dumulog sa tanggapan nila para i-report ang balita. Ayon dito, pinatawag daw nito ang anak sa kanilang kasambahay para mag-agahan. Pero nang umakyat sa taas ang kasambahay ay malaman nitong wala ito sa kanyang silid. Hinanap daw ng mga ito ang anak sa buong kabahayan pero wala ito roon.

"Sir, why don't you report it to the police?" she asked. Hindi naman sa tinatanggihan niya ang kaso pero nagtataka lang siya kung bakit sa kanila ito lumapit at hindi sa mga pulis.

"As much as possible, I don't want the police to be involve with this. May hinala akong kusang naglayas ang anak 'ko. Exposing it to thepublic will only cause ruckus," 

Ang mayayaman nga naman, uunahin pang isipin ang kahihiyan kaysa sa kaligtasan.

"Gan'on po ba?" naisagot na lamang niya sa gitna ng pagkadismaya. "May away or tampo po ba siya sa inyo?"

"Sa totoo n'yan hindi naman talaga kami magkasundo. Hindi niya maiintindihan na busy ako sa trabaho. Lagi niyang sinasabi na mas inuuna ko pa ang pagpapayaman."

She nodded. Typical na mga batang kulang sa atensyon ng magulang. Mga magulang na tulad nga ng sinabi ng kaharap ay walang alam na gawin kundi ang magpayaman.

"Nitong nagdaang araw sir, may alitan ba kayong dalawa?"

Napatungo ito at napakamot sa ang batok. "Hindi ko siya pinayagan na sumama sa outing ng mga barkada niya."

Things are clearer to her now, marahil ay may tampo nga ito sa ama kaya posibleng naglayas?

"By the way, we found a note under her table. Kaya lang hindi ko naman maiintindihan kung ano 'to?" ani ng matanda at inabot sa kanya ang note.

G J X F Z M

6 4 3 7 8 5 2

She bit her lower lip, this is not her expertise. Alaganing ngumiti siya sa lalaki bago sumagot. "This is definitely a code po Mr. Chua, ang mga bata kasi ngayon nahihilig na sa mga ganitong bagay dala ng pagbabasa at panonood ng mga mystery thriller stories," paliwanag niya.

"Gan'on ba?" Napatango ito. "Pero paano natin mamalaman kung anong ibig-sabihin ng code na 'yan?"

"Patay! Paano nga ba?" She smiled to cover up her uneasiness. Hindi maaring mahalata ng kaharap na hindi niya alam ang sagot sa tanong nito.

"To tell you honestly sir, I'm also not familiar with this code but don't worry may friend ako, actually co-worker, she's expert with this. I assure you sir, I will give the right answer for this."

"Thank you."

"One thing sir, did you find something strange on her room aside from this note?"

"Ah...oo nga pala, nakita ko ang pagkakaayos ng unan sa kama niya. 'Yong para bang nakalapat at pinagmukang taong tulog."

Naiintindihan niya ang ibig-sabihin nito. Marami na siyang napanood na ganoon sa telebisyon. Nasubukan na rin niya ang ganoong strategy sa tuwing tumatakas siya sa gabi kay Master George noong panahon nasa poder pa siya nito.

"Alam ko na po ang ibig n'yong sabihin sir, just give me some time at masisiguro ko pong mahahanap ko ang anak niyo."

She started to brows to the internet to find the answer of the code in her hand.

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon