Case 050: Drug Raid 👮

99 5 20
                                    

                             "Operation"

ALEJANDRO
Ipinarada niya ang kanyang motor ilang metro ang layo sa restau-bar. Pinili niya ang medyo madilim ma lugar. Mahirap nang may makakita sa kanya. Hindi siya pwedeng makita ng hepe niya na mariing nagbilin na maiwan siya siya sa presinto para magbantay. Mahigpit ang hawak niya sa tablet at tahimik na pinanood at pinag-aralan ang galaw ng kalaban maging ng mga kasamahan niyang pulis.

"Matt, anong ginagawa mo! Kumilos ka gumawa ka ng paraan para makatakas sa kanya!" halos sumigaw na siya pero hindi kumikilos si Matt. Kung tutuusin ay hindi naman ganoon kahigpit ang pag-kakahawak ni RDV sa kwelyo ng jacket nito. Marahil at natatakot ito sa baril na nakaamba sa sintido nito.

Walang habas na binaril ni RDV sina Khalel at Von na nag-aabang sa labas. Agad na bumagsak ang dalawa at hindi na nakahabol sa mga kalaban.

"Where's Inspector Santiago?" He used his tablet to watch on the field and his phone to connect to the police at the headquarters. "SPO1 Ty, nakikita n'yo ba si Chief at Tobby?"

[Yes Inspector, nakita ko ang kotse nila sa likod ng bar.] The SPO1 answered at the other line.

"Utusan mo silang pumalibot sa paligid. Bumagsak na ang dalawang pulis na kasama ni Inspector Sandoval."

[Copy Inspector]

Nagawa man ni Alexis na patumbahin ang tatlong guard ni RDV, pero alam niyang marami pa itong kasama sa labas. Hindi na siya nagkakamali nang may lumitaw sa screen ang limang armadong lalaki. Mabuti na lamang ay nakaabang na rin ang mga tao ni Tobby.

Inilipat niya ang tingin kay RDV na walang tigil sa paghahanap ng labasan. Nakapaikot sa mga ito ang mga pulis kabilang na ang Chief nila.

["Sumuko ka na!"] anang baritonong boses ni Chief Asaytuno.

His eyes was fixed on the screen. Ramdam niya ang tibok ng dibdib. Patuloy sa pag-agos ang butil ng pawis sa kaniyang noo.

Ito na ba? Tanong niya sa sarili. Mahuhuli na ba nila ang lalaking pumatay sa kanyang ama?

[It's too to see you again Asaytuno, but you know what will happen to those people who block my way. Hindi na sila nasisikatan ng araw alam mo 'yan!] anito at ngumisi. Mas lalong humigpit ang paghawak nito sa kwelyo ni Matt at itinutok pang lalo sa sintido nito ang baril. [Umalis kayong lahat kung gusto n'yo pang makitang buhay ang binatang ito.]

Ngunit ni isa ay walang natinag. They're all pointing a gun at RDV. Wala ni isa ang nagpakita ng takot dito. Maging si Matt na siyang hostage nito.

[Bibilang ako ng tatlo... Isa," muli ay walang tuminag sa mga pulis.

[Ibaba n'yo ang mga baril n'yo!" sigaw pa nito.]

"Matt naririnig mo ba ako?" sinadya niyang hinaan ang boses mahirap nang marinig siya ng suspek. "Matt attack him, sikuhin mo ang sikmura niya you can do it!" Kung gagawin iyon ni Matt ay posibleng mabitiwan ni RDV ang hawak nitong baril.

"Matt winked your left eye if you hear me?"

But Matt didn't show any respond. "Matt...Matt, naririnig mo ba ako? Attack him please Matt listen to me."

Again Matt didn't do anything. As if he's accepting what's happening to him.

[Baka sira na ang device n'ya Inspector?"] dinig niyang komento ni Ivan sa kabilang linya.

Marahil nga ay nasira na kaya hindi s'ya nito marinig. Nakipambuno ito kanina laban sa tatlong bodyguard ni RDV at nakita niya ang pagbasak nito sa sahig. Kung hindi nga ito tinulungan ni Alexis ay hindi pa ito makakatayo.

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon