Case 044: Non-Bailable 👮

122 5 7
                                    

                                "Intruder"

ALEJANDRO
"Inspector n'andito ka na pala." Salubong ni Ivan nang makapasok sa loob sa presinto. Huminga muna ang ng malilim bago sumagot. Nasa likod niya pa rin si Alexis at nangungulit na sumama sa pag-iimbestiga.

"Nasaan na 'yong babae?"

"Nasa loob po, kinakausap pa ni Inspector Sandoval."

Dire-direstsong pumasok sa loob ng interrogation room si Alejandro at hindi na nag-abalang magpasintabi sa inspektor na si Matt, na siyang in-charge sa kaso.

"Alexis kamusta naman 'yong isa pang kaso kanina? 'Yong sa restaurant?" tanong ni Ivan. Wala ito kanina sa presinto kaya naman walang alam sa nangyari.

"Maayos na!" may pagmamalaking balita ng dalaga. She's so proud of herself that she identified how the culprits performed their crime.

"Mabuti naman kung gan'on dahil may bagong kaso na naman," ani ni Kath na bumaling rin sa kanila.

"Anong kaso ba ito?" tanong ulit ni Ivan.

"Someone reported that her cousin using illegal drugs."

"PO1 Cañete tinatawag ka ni Inspector Matt sa loob," ani Niel

Si Kath lang ang tinawag pero lahat sila ay pumasok sa loob.

Nakita nila si Matt, sa harap nito ay may isang babae na nagpapaliwanag, marahil ito ang babae ng tinutukoy ni Ivan.

"PO1 Cañete" baling ni Matt sa kapapasok lang na si Kath." I want you to go with Ms. Enamarie to check the area. Kailangang malaman natin ang pasikot-sikot ng lugar bago tayo sumugod. Just pretend that you're her friend para 'wag makahalata ang suspect. Walang babae sa team ni Matt na pwedeng mangpaggap na kaibigan ng complainant kaya marahil si Kath ang naatasan nito.

"Copy, Inspector."

"Ms. Enamarie hindi namin pwede basta-basta hulihin ang pinsan mo. We have to caught him in the act. Tawangan mo kami sa oras na mismong gumagamit siya."

"Yes, Inspector."

"Ituro mo din kay PO1 Cañete 'yong bahay ng mga sinasabi mong pinagde-deliver-an niya ng drugs."

"Sige po."

Tumalikod na ang babae kasama si Kath. They just have to wait for another day.

•••
The next day they received a call from the same woman who reported the case to their office. Ayon dito, kasalukuyan daw na bumabatak ang pinsan kasama pa ang mga kaibigan nito. This is the moment they're waiting for: to caught the suspect in the act.

Agad silang nagpunta sa address na sinabi ng informant. Ang team ni Matt ang in-charge sa kaso at ang kanyang team naman ang back-up.

Nahuli lang nila ang pinsan nito na kasalukuyang gumagamit ng droga. Pero dahil high na ang mga ito hindi na nakalaban pa nang lagyan nila ng posas. Ilang pakete ng shabu ang narecover nila at agad na dinala sa presinto ang tatlong suspects.

Ngayon nahaharap ang mga ito sa comprehensive drug act of 2002 o paggamit at pagbebenta ng illegal na droga.

"Magkano ba ang bail? Babayaran namin kayo!" mayabang na tanong ng isa sa mga ito.

"I'm sorry Sir, pero base sa dami ng droga na nakuha namin sa inyo, non-bailable ang kaso."

"Ano?!" gulat na balik tanong nito.

Chief Asaytuno gave his underling a signals to put the three suspects inside. Agad naman tumalima ang inutusan.

"Good job Sandoval and Garcia."

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon