Case 055: Positive 👮

110 6 2
                                    

                                 "Big Fish"

ALEJANDRO
They went to the address indicated on the paper that the suspect gave to them.  According to the suspect, doon daw nakatira ang pinsan nito na kinuhanan nito ng droga.

Nagtanong-tanong sila pero wala silang nahanap na Albert Alberto. Ayon sa mismong magulang ng suspect ay wala naman daw itong pinsan na Albert ang pangalan.

"Nagsinungaling siya," sabi ni Ivan na halatang napagod sa paglilibot nila.

"Kung walang Albert Alberto, kanino siya kumukuha ng droga?" tanong ni Kath.

Palaisipan din ito sa kanya. The prison lied, obviously he's covering up someone.

"There are really someone big behind all of these Inspector," komento ni Niel na tila nahulaan ang nasa isip n'ya. "'Yong Batista na 'yon mukhang kinatatakutan siya nila, siguro dapat tayong mag-focus sa kanya. Tirso said he get the drugs from Rustom, and Rustom confessed that Batista supplies him...maaaring natatakot lang si Jaime that's why he fabricated story but the truth is... si Batista rin ang nagsusupply sa kanya. We better attack the main source first, so this things will stop."

"Tama ka SPO1 Ty,  we need to talk to him," he agreed.

"Sige tara na ako na ang magda-drive." Ivan excitedly hopped in the police car at pumuwesto sa driver seat.

Hindi naman gaanong trapik kaya narating agad nila ang Sittio Ibarra but the shocking news welcomed them as they entered the jail.

Batista's lifeless body was lying on the tiled floor inside his jail. He was showering with his own blood. Beside him was a crumpled paper na natuluan na rin ng dugo.

Nagmadali siyang buksan ang selda at tinanong ang mga kasamahan nitong preso.

"Anong nagyari dito?" tanong niya kay Warden Corpus na sumalubong sa kanila.

"Nagulat na din po kami Inspector nang bigla niyang saksakin ang sarili niya," sagot ng warden.

Kinuha niya ang papel nito at binasa ang nakasulat doon.

Wala kayong makukuhang sagot sa'kin!

"This is not a small case I sense that they are trying to cover up big fish kaya ginawa niya 'yon," komento ulit ni Niel na nakibasa sa papel na hawak niya.

"Anong gagawin natin Inspector? Hindi na natin siya makakausap?" tanong ni Ivan na nakatingin sa walang buhay na katawan ni Batista.

He heaved a sigh. Ano pa bang magagawa nila—wala na!

"SPO1 Ty, PO1 Tiñio and PO1 Cañete maiwan kayo dito. Kausapin n'yo si warden at asikasuhin n'yo 'yong bangkay. Ipaalam n'yo na din sa pamilya niya ang nangyari. Bantayan n'yo din 'yong ibang suspect. Babalik kami ni PO2 de Jesus sa presinto at may kailagan lang akong tapusin.

"Yes, Inspector!"  Sumaludo pa sa kanya ang tatlo.

"PO2 de Jesus follow me," aniya at nagpatiuna nang lumabas.

Pinuntahan niya ang selda ng presong nahuli ni Tobby na si Jaime Alberto.

"Inspector?" gulat na gulat ito nang makita s'ya.

"You lied to us! wala kang pinsan na Albert Alberto ang pangalan." He balled his fist and took a deep breath to prevent himself from punching the liar in front of him. "Patay na si Batista kaya umamin ka na, sa kanya ka ba kumukuha ng droga?!"

"Inspector---"

"Umamin ka na!" hindi na niya napigilan pang magtaas ng boses.

"Opo sa kanya po ako bumibili ng droga. Pero hindi ko po alam kung saan siya kumukuha basta bumibili lang ako sa kanya."

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon