<NIA's POV>
Sobrang traffic ngayon sa Commonwealth, halos hindi umuusad ang mga sasakyan,sinara kasi yung Northbound lane mula Ever Gotesco Commonwealth hanggang sa Sandigang Bayan.Puro pulis at tambak ng taong nagrarally ngayon, may mga reporters din akong namataan. May SONA kasi. Magbibigay ang Presidente ng kanyang ulat tungkol sa kalagayan ng bansa. Ako naman,ito struggle sa pag-uwe. Kakagaling ko lang kasi sa bahay ng kaklase ko,grinab kasi namin ang chance na walang pasok para tapusin ang group project na inassign sa amin. Plus nawilli pa ako sa pakikipag kuwentuhan sa kanila kaya yun, hapon na ako nakauwe at ito nga stuck ako sa traffic . Pero hindi nag-tagal ay nakarating din ako sa bahay namin. "oh anak nandiyan kana pala" bati sa'kin ng tatay ko. Nilapitan ko naman siya at nagmano ako sa kanya. Kasalukuyan siyang nanonood ng balita,inaabangan niya kasi ang SONA. "ang tagal naman mag-umpisa " reklamo niya. Kasama niyang nanonood ang mga kasamahan niya sa trabaho. Pero ang totoo niyan,ang inaabangan niya lang naman talaga eh makita ang idol niya,yun ay walang iba kundi ang presidente ng Pilipinas. Sa totoo nga niyan hilig niyang ipag-yabang na dati niya raw close yung pangulo,naging classmate niya daw kasi ito nung highschool sila. Edgardo dela Torre ang pangalan ng kasalukuyang Presidente,pero madalas niyang i quote ito as Gardo.As if naman close talaga sila. Hindi lang iyon,pinagyayabang niya pa ito sa mga kaibigan niya. Kaya tuloy ako nalang ang nahihiya para sa kanya. "oh anak kumain ka na ba? may itinabi akong ulam diyan para sa'yo" sabi niya saakin. "tapos na po tay," sagot ko naman sa kanya. Dumiretso lang ako sa kuwarto, third year college na ako sa kursong Bachelor of Science in Business Administration,proud akong sabihin na isa akong scholar. Nagsisikap talaga akong i maintain ang grades ko para hindi mawala sa'kin ang scholarship ko, ayoko kasing mahirapan si tatay dahil hindi naman kalakihan ang kinikita niya bilang isang karpintero. Mag-isa nalang din siya sa pagtataguyod sa amin ng kuya ko, anim na taon pa lang kasi ako nang iwan kami ni nanay,ang kuya ko naman walong taon lang. Sumama kasi si nanay sa ibang lalaki at mag mula nga no'n,wala na kaming naging balita pa sa kanya. Pero kahit ganun,pinilit ni tatay na itaguyod kaming magkapatid.
"ayan na nag-uumpisa na ang SONA" tuwang-tuwang sabi ni tatay sa mga kasama niya. "alam niyo ba 'yang si Gardo, aba'y nung kabataan namin napakapayat niyan,hindi ko nga akalain na magiging ganyan kaganda ang katawan niyan eh" eto nanaman siya,napailing nalang ko nang marinig ko ang sinabi niya. Minsan tuloy nagdududa na ako dito sa tatay ko eh.
<NARRATOR>
Enjoy na enjoy si Tyrone kasama ang mga kaibigan niya sa isang bar na madalas nilang pagtambayan. Nakakandong pa sa kanya ang girlfriend na si Laura at ang mga braso nito ay nakapulupot sa leeg niya. Nasa ganoon siyang position nang biglang dumating ang Kaibigan niyang si Charles "Tyrone! bakit nandito ka?diba dapat nasa SONA ka ngayon?"tanong nito sa kanya. "ano namang gagawin ko dun ipag cheer siya?" sarkastikong sagot niya dito na ang tinutukoy ay ang kanyang ama, habang kandung-kandong ang girlfriend . "C'mon have a seat, mag-enjoy nalang tayo dito. " dagdag niya pa. Ang bar na ito ay pag-aari ng pamilya ni Rig ang isa pa nilang barkada ,at ang mismong spot kung saan sila nakapuwesto ay talagang nakareserve lang para sa kanila. "alam mo pare hindi ko maintindihan kung bakit mula nang maging Presidente 'yang tatay mo eh hindi mo talaga siya sinuportahan . Tatlong taon na mula nang mahalal siya bilang presidente ng Pilipinas ah,"sabi uli ni Charles sa kanya nang makaupo na ito . Humithit muna siya ng sigarilyo bago nagsalita. "wala lang,naboboring lang ako sa pinagagagawa niya." sagot niya sa kaibigan. "Mas nag-eenjoy lang akong kasama 'tong babae sa tabi ko,di ba babe?" aniya sabay halik kay Laura.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomancePaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...