LAST PART

8.3K 127 19
                                    

<NARRATOR>

Dumating nga ang araw ng graduation nila. Tuwang-tuwa si Vivianne nang makitang nakasuot ng graduation gown niya si Tyrone. "I'm so proud of you son," aniya dito. "thanks mom," nakangiting sagot niya naman sa ina. "ako rin anak, proud na proud ako sa'yo, kaya naman, kasama mo kaming lahat." napangiti siya sa sinabing iyon ng ama sa kanya. Ilang sandali pa ay tumulak na silang buong pamilya. At dahil hindi pa nagsisimula  ang seremonya ay nagpaalam muna si Tyrone sa mga magulang, sinubukan niyang maglibut-libot, dahil umaasa siyang makikita si Nia. Naisipan niyang pumunta sa dating room nito, tinakbo niya rin ang canteen maging ang cafeteria, umaasang maabutan doon ang babae, pero bigo siya, ni anino nito ay hindi niya nakita.  Bagsak ang mga balikat siyang naglakad pabalik sa kinaroroonan ng mga magulang niya, pero bago pa man siya makarating ay may nakasalubong siya, si Laura. Nagsalubong ang mga mata nila, ilang saglit pa ay marahan itong ngumiti sa kanya. "how are you?" tanong nito.  Hindi siya umimik, tangka sana siyang maglalakad palayo dito pero muli itong nagsalita. "I- I talked to Charles, he told me what's going on with you." bigla siyang napahinto sa sinabi nito at muling lumingon dito. Batid niya ang malungkot na boses nito.  Nakayuko ang dalaga at muling nagsalita. "I know  it was my fault, and I'm sorry," ramdam niya ang sincerity sa boses nito. Tinitigan niya muna ito saglit, ilang sandali pa'y bumuntong hininga muna siya saka nagsalita " I gotta admit na nagalit ako sayo nang malaman ko na ikaw ang dahilan kung bakit umalis si Nia, but then I realized na ,you're also a victim .  Everything that happened was actually my fault." malungkot na sabi niya dito. Napaiyak naman ito sa sinabi niyang iyon. " I'm sorry Laura, but you're the one I'm choosing to let go,  I know that someday,  makakakita ka rin ng taong para talaga sayo, and I'm sorry, because it's not me." tuluyan na ngang nangilid ang luha sa mga mata nito. Pero pilit parin itong ngumiti sa kanya. "it's okay," anito. Niyakap niya ang babae, ilang sandali pa ay kumalas na ito mula sa pagkakayakap niya, saka muling nagsalita. " I know that she will comeback to you, hirap yatang i let go ang ganyang ka guwapong mukha, ako nga nahihirapan eh," natawa na lang siya sa sinabi nito. Pagkatapos nun ay nag paalam na ito sa kanya

<NIA's POV>

"b-bakit po tay?" nakangiting tanong ko kay tatay nang makita ko siyang maluha-luha habang bitbit ang graduation gown ko. "natutuwa lang ako anak, magtatapos ka na kasi. Nagbunga na ang lahat ng pagsisikap mo." nakangiti pang sabi niya sa'kin. "para po  sa inyo 'to tay," nakangiti namang sagot ko sa kanya. "tay nandiyan na po yung sasakyan." ani kuya pagpasok niya sa pinto. "tara na anak!" aniya sabay akay sakin palabas. Nang makarating kami sa university ay bigla akong nakaramdam ng lungkot, namataan ko ang gate, ang dati naming room, ang canteen, maging ang room nina tyrone. Nakita ko ang mga estudyanteng nakasuot na rin ng graduation gown nila. Pagbaba namin ng sasakyan ay dumiretso na kami sa stage kung saan gaganapin ang graduation ceremony. Nang makarating kami dun ay biglang may nahagip ang mga mata ko, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko,pakiramdam ko ay tatalon palabas ang puso ko. Nasa harapan ko kasi ang lalaking inasam kong makita sa loob ng anim na buwan. Nakangiti siya habang kausap ang mga magulang niya. Akma na sana akong tatalikod nang biglang "kuya ate Nia is here!"

<NARRATOR>

Nagulat si Tyrone nang sabihin iyon ng kapatid niya. Dahan-dahan niyang sinundan ang direksyong tinuturo ni Tamara. doon nakita niya ang babaeng naging dahilan ng pangungulila niya. Nakatayo ito ngayon sa harap niya. Nakatitig sa kanya, ilang sandali pa ay tumakbo si Tamara papalapit dito at yumakap. "ate Nia I missed you." narinig niyang sabi nito. "ikaw rin na miss ko" sagot naman nito habang yakap-yakap din ang kapatid niya. Ilang saglit pa ay lumapit din ang mga magulang niya dito, samantalang siya naman ay parang napako  sa kinatatayuan.

My Arranged Marriage With The  President's Son  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon