<NIA's POV>
Kinabukasan ay hindi ako kinakausap ni tatay,halatang-halata ko pa rin ang tampo niya sa'kin dahil dun sa nangyari. Kaya't hindi ko natiis at nilapitan ko siya.Nasa sofa siya nun at nagbabasa ng diyaryo. "tay,ano po 'yang binabasa niyo?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi niya. "balita tungkol dun sa patayang naganap kailan lang."sagot niya naman sa'kin habang ang mata ay nakatutok parin sa diyaryo. Bumuntong hininga muna ako saka muling nagsalita. "t-tay,sorry po sa nangyari kagabi."malungkot kong sabi sa kanya. "hindi ko lang po talaga nagustuhan yung tabas ng dila ni Tyrone kaya ko nagawa yun,"sabi ko pa. Binaba muna niya ang hawak na diyaryo saka nagsalita. "alam ko naman na nabigla ka sa mga nangyari."malungkot niyang sabi sa'kin "pero alam mo naman kung bakit ako pumayag na ipakasal ka sa anak ni Gardo,yun ay para bigyan ka ng magandang buhay, dahil alam kong hindi ko maibibigay sa'yo ang bagay na yun anak." malungkot pa ring sabi niya sa'kin. "sana 'wag kang magalit sa akin, dahil para rin ito sa kinabukasan mo,kahit ito lang, magandang regalo mo na 'to para sa'kin." pagpapatuloy pa niya. Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita. "opo 'tay,papayag na po akong magpakasal sa anak ng pangulo." malungkot kong sagot kay tatay. Natuwa naman siya sagot ko kaya walang anu-ano'y bigla siyang yumakap sa'kin at nagpasalamat. "meron lang po sana akong hihilingin" bigla namang napabitaw sa pagkakayakap sa'kin si tatay at tinitigan ako. "ano yun?" tanong niya. "kung puwede po sana ay 'wag niyong papayagan na sa isang kuwarto lang kami matulog pagkatapos ng kasal, 19 years old pa lang po kasi ako,at isa pa gusto ko pang makatapos ng pag-aaral ko."pakiusap ko sa kanya. Ngumiti sa'kin si tatay at saka nagsalita. "ikaw pa rin talaga ang anak na pinalaki ko,"sabi niya sa'kin saka muli akong niyakap. Maya-maya pa'y biglang nakatanggap ng tawag si tatay. "hello, oh ikaw pala Gardo napatawag ka?" nakangiting sabi niya. "aba'y oo,asahan mo na makakarating kami."pagkatapos nun ay ibinaba na ni tatay ang cellphone niya. "bakit daw tay?" tanong ko sa kanya. "may lakad tayo. Magpapasukat na daw ng gown mo at pagkatapos ay kakain tayo sa isang restaurant kasama ang buong pamilya ni Tyrone." nakangiting sabi ni tatay sa'kin. Hindi ako natuwa sa ibinalita niyang iyon,alam kong ikakasal na ako next week pero hindi parin talaga siya nag sisync-in sa utak ko.
Doon kami nagkita-kita ng pamilya ng presidente sa isang restaurant sa tagaytay. Napakaganda ng restaurant na iyon. Halatang mayayaman o kilalang tao lang ang may kayang pumasok doon.Doon nila ako pinaupo sa tabi ni Tyrone. Siyempre pa,nakakalokong tingin nanaman ang pinukol niya sa'kin. Pero dahil ayokong sumama nanaman ang loob ng tatay ko sa'kin ay hinayaan ko nalang siya. "so Nia ,I heard that you are a scholar?" tanong sa'kin ng daddy ni Tyrone habang kumakain kami. "opo,"tipid na sagot ko naman sa kanya. "well that's good, kaya pala hindi nahihirapan yung tatay mo sa pagpapaaral sayo."nakangiting sabi niya sa akin. "aba'y may pinagmanahan,matalino naman kasi ang tatay." nakangiti namang sabi sakin ng asawa niya. "ay naku kung hindi lang ako nagbulakbol eh,baka ako pa ang naging presidente ng bansa." biro naman ni tatay sa kanila na naging dahilan para magtawanan silang tatlo. "ibig bang sabihin nun wala na yung scholarship mo kaya naisipan mong magpakasal?" nagulat ako sa sinabeng iyon ni Tyrone. "Tyrone!" saway sa kanya ng kanyang ama. "why? I'm just asking,hindi naman siguro masama kung kikilalanin ko rin ang mapapangasawa ko hindi ba?" si tatay naman ay tahimik lang . "that's not the right thing to ask!" galit namang sabi ng kanyang ina. Pinilit ko pa ring maging kalmado sa kabila ng pagkagigil ko,sa totoo lang ay gusto ko na siyang sikuhin dahil magkatabi lang naman kami,kaya lang ay ayoko nang lumala pa ang sitwasyon.Pinakalma ko muna ang sarili saka humarap sa kanya. "sa totoo niyan,hanggang ngayon scholar parin ako,gusto ko kasing makatapos ng pag-aaral sa sarili kong pagsisikap."nakangiti kong sabe sa kanya. "ikaw ba?saan mo kinukuha yung pinang aaral mo?" pilit ang ngiti paring tanong ko sa kanya. Gumanti rin siya ng nakakalokong ngiti sa'kin pagkatapos ay nagsalita "Well,I don't need to be a scholar inorder for me to go to a University. Afford ko naman kasi siya." sagot niya naman sa'kin. "afford mo ba talaga o afford ng parents mo? " nang-iinsulto kong tanong sa kanya. "ehem! I think we need to hurry na para makapag pasukat kana ng gown mo." nakangiting sabi sa'kin ng president. Pero sa totoo lang ay alam kong sinabi niya lang yun para pigilan ang tensyon na namumuo sa'min ng anak niya. "that's a good idea." nakangiti namang sagot ng asawa niya.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
Любовные романыPaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...