Part 24

5.1K 88 0
                                    


"base sa report, maraming problema ang bansa na hindi pa rin nalulutas hanggang ngayon,"ani Gardo. Kasalukuyan siyang nasa meeting kasama ang mga miyembro ng kanyang gabinete. "one problem na sa tingin ko'y walang pagbabago eh yung pagtaas ng mga bilihin, paano ba natin masosolusyunan ito?"

"well sir, primary reason naman kasi ng pagtaas ng mga bilihin ay ang pagtaas din ng presyo ng petrolyo." sagot naman ng isa sa mga cabinet members niya. "so ano ba ang dapat nating gawin para mapigilan ang pagtaas nito?" tanong naman ng isa pa "pinakamaganda nating gawin ay taasan ang suweldo ng mga mamayan."aniya"we can't actually avoid yung pagtaas o pag baba ng presyo ng petrolyo dahil na rin sa demand nito. But still we can do something," dugtong pa niya"we need to increase the salary of the workers so that they can catch up with inflation." aniya sa mga ito.

Pansin ni Vivianne ang pagiging tahimik ni Gardo. Nasa loob lang ito ng kuwarto at tahimik na nakahiga habang ang braso ay nakapatong sa noo nito. "has there any problem?" nag-aalalang tanong niya dito. "is it about the cabinet meeting earlier?" dagdag niya pa. "yes, I've been a president for over three years now, yet parang wala parin akong naitutulong sa bansa." malungkot nitong sagot sa kanya. "ano ka ba, marami ka nang nagawa, that's why people trusted you. Because you've done everything you possibly could," pang-aalo niya dito. Hindi naman ito umimik.

<NIA's POV>

Masaya kaming nanonood ni Tamara ng T.V nang biglang sumulpot si Tyrone at kunin ang remote na nakapatong sa maliit na table sa harap namin. Pagkatapos ay bigla niya na lang nilipat ang palabas sa sports channel. "kuya naman eh, can't you see we're watching?" reklamo naman ni Tamara sa kanya. "mamaya na kayo manood may inaabangan ako eh," sagot naman nito sa kanya. "ano ka ba! nakita mong nanonood ang kapatid mo, para ka namang bata!" inis kong sabi sa kanya. "whatever!" sagot niya lang sa'kin "amin na nga yung remote," sabi ko naman sa kanya. "no!" aniya sabay tago nang remote sa likod niya. "ibibigay mo hindi?" naghahamon kong sabi sa kanya. "hindi!"sagot niya naman sa'kin. Pinilit kong agawin sa kanya ang remote pero sapilitan niya parin itong itinatago sa likod niya. Inakay ko nalang si Tamara papunta sa kusina "but ate Nia, I want to watch tv." reklamo niya. "alam ko." sagot ko naman sa kanya. "you want revenge?" pilya ang ngiting tanong ko sa kanya. " I would love too" nakangiti namang sagot niya sa'kin. "we're gonna have our revenge then." Sabi ko naman sa kanya.Pagkatapos ay binuksan ko ang cabinet kung saan nakatago ang mga spray na gamit pandilig ng halaman. Kumuha ako ng dalawa nito at ibinigay kay Tamara ang isa,nilagyan ko ito ng tubig "I don't think this is a good idea." nag aalala niyang sabi sa'kin. "it is ,trust me," sabi ko parin sa kanya,pagkatapos ay sinenyasan ko siya na lumapit sa kinaroroonan ni Tyrone. Paglapit namin sa kanya ay walang anu-ano kong inispray sa kanya ang tubig "WHAT THE HELL!" galit na sigaw niya sa'sa amin nang makita ang basang damit. "bleh,bagay lang sa'yo 'yan, epal ka kasi." sagot ko naman sa kanya. "you're dead!" aniya pagkatapos ay tumayo din papunta sa kusina. Nakipag apir naman sa'kin si Tamara sa sobrang tuwa niya. Pero ilang sandali pa'y nagulat kami nang pagbalik niya'y mayroon din siyang dalang spray na may tubig. "AAHHH" sabay na sigaw namin ni Tamara sabay takbo palabas.

<NARRATOR>

Gigil na gigil si Tyrone kay Nia at kay Tamara dahil sa ginawa ng mga ito na pambabasa sa kanya. "you think you can escape from me !" aniya habang hinahabol ang dalawa. Ilang sandali pa'y naabutan niya na ang mga ito. Para silang mga bata na nagbabasaan ng tubig. Habulan padoon at padito ang nangyari.Hindi niya namamalayan na nag-eenjoy na pala siya sa ginagawa nila. Napuno ng tawanan nila ang buong bahay. Ilang saglit pa ay napalabas si Vivianne para tingnan kung anong nangyayari. Nakita niya ang ginagawa ng tatlo. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang pinanood ang mga ito. "what's going on there?" maya-maya pa'y tawag niya sa mga ito. Tumigil naman ang mga ito nang makita siya. "kasi mommy si kuya, nanonood kami ng tv nilipat niya." parang batang sumbong naman ni Tamara sa kanya. "well I guess you need tochange your clothes na baka magkasakit pa kayo." anito. Pagkatapos ay sumunod naman si Tamara dito habang si Nia at Tyrone naman ay naiwan sa labas. Ilang sandali pa'y biglang lumipat ang tingin ni Tyrone kay Nia. Nagkasalubong ang tingin nilang dalawa. Doon niya lang natitigan ng husto ang babae, napansin niya agad ang ganda ng mga mata nito, pati ang magandang hubog ng katawang bumabakat sa basa nitong damit. Ilang sandali pa'y bigla siya nitong tinaasan ng kilay at pagkatapos ay inirapan saka tumalikod sa kanya at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.

"I'm very happy today, binasa kasi namin ni ate Nia si kuya, bad niya kasi nilipat niya yung channel ng pinapanood namin. Buti nalang ate Nia helped me......

Nasa kalagitanaan na ng pagsusulat niya si Tamara sa diary nang marinig niya ang mahinang  katok. Pagbukas niya ng pinto ay muli niya nanamang nabungaran ang mommy niya. "hi mom" nakangiting bati niya dito. "hello darling, mukhang happy ka ngayon ah" nakangiting sabi nito sa kanya. "syempre, this is the best day of my life, nakasama ko kasi ulit maglaro si kuya," aniya. "you know mommy when ate Nia comes, sobrang saya ko na, kanina habang naglalaro kami nakita kong tumatawa sa kuya. It's been three years din since the last time I saw him laugh, but today is really different." masayang sabi niya sa ina. "that's good to hear anak." nakangiting sagot niya naman dito.

<NIA's POV>

Abala ako sa pagrereview nang isang mahinang katok ang narinig ko. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang mommy ni Tyrone bitbit ang tray na may lamang juice at cake. "mommy kayo po pala." bati ko sa kanya sabay bukas ng pinto. "dinalhan kita ng miryenda." Aniya sabay lapag ng tray sa desk ko. "naku thank you po" nakangiti ko namang sabi sa kanya. Naupo muna ito sa sofa ko saka nagsalita. "you know what, napakasaya ni Tamara ngayon," nakangiti niyang sabi sakin. "ngayon ko lang siya ulit nakitang masaya mula nang hindi na nag-uusap yung kuya niya at ang daddy niya."malungkot na sabi nito sa kanya. Pero ilang sandali pa ay muli itong ngumiti. "thank you Nia, for bringing that smile back to her, and even Tyrone,kahit papano ay meron nang nakasakay sa pagiging bugnutin niya" nakangiting sabi niya sakin. "g-ganun po ba talaga si Tyrone, mainitin ang ulo?" hindi ko na natiis na tanong sa kanya. "hindi, nag simula lang yan three years ago ,nang maging pangulo na ng bansa ang daddy niya. Sobrang idol niya kasi talaga ang daddy niya, the two of them were best friends,halos hindi mo nga sila mapaghiwalay. But then suddenly halos wala nang time ang daddy niya sa pamilya at nawalan na rin ng time sa kanya, dahil sa laki ng responsibilidad na nakaatang sa balikat niya.Kaya ganun nalang kasama ang loob niya ngayon" habang nagsasalita siya'y nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "I'm sorry," malungkot kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin at pagkatapos ay muling nagsalita. "it's okay, I'm confident naman na everything is gonna be okay soon." aniya. "anyway, I have to go check Tamara." paalam niya sa'kin . "sige po, thank you po ulit." sabi ko naman sa kanya. Naiwan akong nag-iisip tungkol sa ikinuwento niya, kahit pala mayaman at kumpleto ang pamilya dumadaan parin sa matinding problema. 

My Arranged Marriage With The  President's Son  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon