<NIA's POV>
Umaga na nang magising ako, napansin kong tila may nakahawak sa mga kamay ko, nang dahan dahan kong lingunin ay nakita ko si Tyrone, nakayuko itong natutulog sa gilid ng kama ko. Nang tignan ko'y nakahawak siya sa mga kamay ko. Nang maramdaman niyang bahagya akong gumalaw ay bigla niyang iniangat ang ulo niya. "are you okay?" halata ko ang pag-aalala sa mukha niya ng itanong niya sa'kin iyon. Iling lang ang isinagot ko sa kanya. Pagkatapos nun ay pinakiramdaman niya ng likod ng palad niya ang leeg at noo ko. "I'm glad at bumaba na ang lagnat mo." nakangiti niyang sabi sa'kin. Noon ko lang siya nakitang ganun sa'kin, malayo sa Tyrone na una kong nakilala, malayo sa lalaking lagi akong inaaway. Maya-maya pa'y biglang may narinig akong kumatok. Babangon sana ako pero sa Tyrone na ang nagrekomenda na bumukas ng pinto. "hi pre" narinig kong bati ng boses lalaki sa kanya. Nakilala ko agad ang boses ng kumatok na iyon, walang iba kundi si Charles.
<NARRATOR>
Nakita ni Tyrone na may dala pang flowers at fruits si Charles. Nakangiti ito sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya nagustuhan ang presence ng kaibigan. "Charles ! ikaw pala, halika tuloy ka." sabi naman ni Nia dito. Ilang saglit pa'y nakita niya itong bumangon "huh! Dumating lang si Charles lumakas agad siya ah." sa isip-isip niya. "I brought you flowers and fruits, narinig ko kasi na may sakit ka daw." nakangiti pang sabi nito sa kanya. "wow ang ganda" ani Nia sabay abot sa flower at inamoy-amoy pa ito. "she didn't even tell me na gusto niya ng flower." bulong niya. Dahil sa inis ay naisipan niya na lang na lumabas sa kwartong iyon. Naisipan niyang umupo nalang sa sala at manood ng tv. Pero may mga pagkakataon na sumisilip-silip siya sa kwarto ng asawa. Para siyang undercover agent kung makapag masid sa mga ito. Nakikita niya pang masayang nag-uusap ang dalawa.
"it's more than an hour already, yet hindi parin sila tapos mag-usap? This is crazy!" inis niyang sabi. Nang hindi na siya makatiis ay bumalik na siya sa kwarto ni Nia. "Charles, may talk to you for a minute?" aniya dito. "sure!" sagot naman nito. "I'll be back" baling naman nito kay Nia. Naglakad sila ni Charles tungo sa sala. "so what do you want to talk about?" tanong nito sa kanya nang makaupo na sila. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at sinabi na dito ang dahilan. "I broke up with Laura." kumunot naman ang noo nito sa sinabi niyang iyon. "why? I thought you love Laura?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "I thought so too, but I guess hindi pala." sagot niya naman dito. "I would like to cancel our deal" aniya dito na ang tinutukoy ay ang kasunduan nila na paibigin nito si Nia. "really? Why?" tanong naman nito sa kanya. "because I guess I'm- I'm in love with her." lakas loob na pag-amin niya dito. Tumawa lang ito sa sinabi niyang iyon. "I knew it,napansin ko na rin 'yan sa bar palang" sagot naman nito sa kanya. "but I'm sorry pre, I can't anymore." nagulat siya sa sinabi nitong iyon sa kanya. "b-but why?" kunot noong tanong niya dito. "because I'm also in love with her, just like you" walang patubaling sagot nito. "I'm sorry?" hindi naman makapaniwalang tanong niya. "What I'm saying is, I already love her." sagot naman nito sa kanya. "are you forgetting that she's my wife?" galit nang sabi niya dito. "I remember it perfectly! But you should know the consequences nung nakiusap ka sa'kin. And this is the result of it, I can't stop myself for falling in love with her anymore." sagot nito sa kanya. Napa tiim bagang siya sa sinabi ng kaibigan. " I warn you, if you value our friendship you should stop this nonsense now!" nagbabantang sabi niya dito. "sorry, but I can't" pagkasabi nun ay tinalikuran na siya nito saka tumayo at pagkatapos ay bumalik muna sa kuwarto ni Nia. "Nia I think I should go, see you at school nalang." nakangiti niyang sabi dito. "okay, thank you ulit ha?" nakangiti namang sabi ni Nia sa kanya. Pagkatapos nun ay umalis na ito. Naikuyom nalang ni Tyrone ang kamao sa labis na pagkainis.
<NIA's POV>
Kinahapunan ay gumaang-gaan narin ang pakiramdam ko kaya naisipan ko nang lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Tamara sa sala na gumagawa ng project niya. Kalat-kalat ang mga gamit nito. Makikita ang mga cartolina, crayons pati water color. "hi Ate Nia, how are you na?" nakangiting bati niya sa'kin. "okay na ako, kamusta na yung project mo tapos mo na ba?" tanong ko sa kanya. "hindi pa nga eh, can you help me?" pakiusap niya sakin. "oo naman." Habang tinutulungan ko siya sa paggawa ng project niya ay bigla namang sumulpot si Tyrone. "what is this mess!" reklamo nito ng makita ang mga kalat. "sorry sir ah, gumagawa kasi kami ng project ng kapatid mo!" inis ko namang sabi sa kanya. "ano ba 'yang ginagawa ninyo," anito sabay tingin sa project. "kuya can you please help us? Kailangan ko na kasi itong matapos or else mapapagalitan ako ng teacher ko, sige na please." pakiusap sa kanya ni Tamara. Wala na siyang nagawa kundi tulungan ito. Nang matapos ang project niya ay nangulit nanaman itong manood ng horror movie. "nanaman, eh hindi nanaman tayo makakatulog niyan" sabi ko naman sa kanya. "well kuya will join us naman eh" sabi niya naman. Napatingin naman sa kanya si Tyrone. Ako na ang sumagot para sa kanya dahil alam ko naman na tatanggi siya. "ayaw niyan ng horror." pero nagulat ako sa naging response ni Tyrone nang sabihin ko iyon. Bumaling ito kay Tamara saka nagsalita. "well, I love horror. Kung gusto niyo dito tayong tatlo sa sala matulog. I'll go get the bed." aniya. "yey," tuwang-tuwa namang sagot ni Tamara sa kanya. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon. Kinagabihan nga ay magkakasama kaming tatlo na nanood ng horror,tulad ng dati, napuno nanaman ng sigawan ang bahay. Pagkatapos ay mahimbing nang nakatulog si Tamara. Nakapagitna siya sa amin ni Tyrone. Samantalang ako naman ay hindi pa rin makatulog. "are you still awake?" narinig kong tanong sa'kin ni Tyrone. Maging siya pala ay hindi pa rin tulog. "hindi ako makatulog eh," sagot ko sa kanya. "why? thinking about Charles?" nagulat ako sa tanong niyang iyon. "ha? Pa'no naman napunta kay Charles ang usapan?" takang tanong ko sa kanya. "well, I just noticed na sobrang close niyo kasi, what's the score between you two?" tanong niya pa. "ano ka ba friends lang kami nun," sagot ko naman sa kanya. "ano bang tingin mo kay Charles?" tanong niya na itinukod pa ang kamay sa ulo at tumitig sa akin. "uhmm, sweet siya, guwapo, saka mabait." nakangiti namang sagot ko sa kanya. Pero napansin kong biglang nag-iba yung timpla ng mukha niya sa sinabi kong iyon. "wow, so you're captivated by him huh?" parang naiinis pang sabi niya sa'kin. "parang ganun na nga,siguro kung hindi ako kasal sa'yo, baka nagka gusto na ako sa kanya."nakangiti kong sabi kanya, sa totoo lang sinasadya kong sabihin s kanya yun para malaman ang reaksiyon niya. "wow! Sorry ha, don't worry pag graduate natin ididivorce kita para sumaya kana sa piling niya." inis niyang sabi sakin, pagkatapos ay tumalikod na. Hindi nalang ako umimik sa sinabi niyang iyon. "as if naman ayaw mo akong idivorce" bulong ko pa.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
Roman d'amourPaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...