<NIA's POV>
Dahil linggo ngayon, andito ako sa Quiapo para magsimba, gustung-gusto ko talaga ang lugar na ito. Dito kasi kami lagi dinadala ng nanay ko no'ng bata pa ako, kaya naging paborito ko ang simbahan dito. Kaya naman kahit sa Fairview pa ako nakatira,dumadayo parin ako dito para magsimba . Pero hindi naman sa tuwing magsisimba ako ay pumupunta ako dito, kasi minsan wala din akong pamasahe,kaya minsan dun nalang ako sa simbahang malapit sa amin . Tapos na ang misa kaya naisipan kong maglakad-lakad muna bago umuwe,tumitingin-tingin ako ng mga tinitinda lang sa tabi-tabi,pero wait lang ah,tinitignan ko lang,wala akong balak na bumili. Habang naglalakad ako ay isang babae ang tumawag sa akin,nakaupo ito sa may bangketa. "ne halika" anito. Ang weird ng itsura ng babae,nakabelo kasi ito ng itim,tapos nakaitim din na bistida. Tantsa ko nasa 40's na ang edad nito. "bakit po?" tanong ko sa kanya. Pero sa halip na sumagot ay hinawakan nito ang palad ko.Kinabahan naman akong bigla. Maya-maya ay parang tinitrace niya yung mga guhit nito,naweweirduhan talaga ako sa kanya, pero nahiya naman akong bawiin yung kamay ko,ilang sandali pa'y bigla itong nagsalita habang tinitrace parin yung mga guhit sa palad ko, "napakasuwerte mo ineng,"sabi nito. "ha? pa'no niyo naman po nasabi ?" nagtatakang tanong ko dito. "maganda ang sinasabi nang guhit sa palad mo, napili ka para sa isang napaka importanteng misyon!" nakangiting sabi nito. Ano daw,misyon, anong misyon naman kaya yung pinagsasabi nito. "mag-sisimula ito sa isang alok,isang alok mula sa isang napakataas na tao, at wala kang magagawa kundi tanggapin ito,"nakangiti paring sabi niya sa'kin. Pagkasabi nun ay binitawan niya na ang mga palad ko,infairness hindi niya ako binentahan ng kung anu-ano at hiningian ng donasyon. Pero ang weird niya parin,binalewala ko nalang ang mga sinabe niya sa'kin at naghanap na ako ng masasakyan pauwi sa amin tutal naman hindi rin ako mapaniwala sa mga hula.
Nang makarating ako saamin ay naabutan ko naman ang kuya ko,at hindi siya nag-iisa,may kasama kasi siyang babae,nakakandong ito sa kanya at nakapulupot ang braso sa leeg niya. "tol nandito kana pala" nakangiti pang bati niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay,tumingin naman saakin ang babaeng kasama niya at nginitian ako. Ginantihan ko rin siya ng fake na ngiti, alam niyo yun,yung tipong nakangisi ang bibig pero nakasimangot ang mata, "oo nga pala,ito nga pala si Bianca girlfriend ko."pakilala sa kanya nang kuya. "utol ko si Nia." sabi naman ni kuya sa kanya. "hi, Nia" bati niya sa'kin na halatang inartihan pa ang boses. Hindi ako nagsalita,dire-diretso lang akong pumasok sa loob ng kuwarto ko. "pagpasensiyahan mo na yun ah,pinaglihi kasi sa sama ng loob yun eh," narinig ko'ng sabi ni kuya sa babae. Sanay na rin ako sa kapatid kong 'yan, halos linggo-linggo kasi kung magpalit ng girlfriend. Nanonood ako ng tv nang biglang sumulpot si tatay, "oh anak ba't gising kapa, wala kabang pasok bukas?" tanong niya sa'kin. "meron po ,tinatapos ko lang 'tong palabas at matutulog na din ako, kayo ba't ngayon lang kayo?" tanong ko naman sa kanya.Umupo muna siya sa tabi ko bago sagutin ang tanong ko "eh,minamadali na kasi namin ang ginagawa naming bahay at malapit na ang deadline."aniya. Naawa ako sa tatay ko,kasi alam kong pagud na pagod siya sa maghapong kakatrabaho,yung kapatid ko kasing batugan puro lang pambababae ang alam. Marahan kong inakbayan si tatay. "hayaan mo tay,pag nakapagtapos ako,ikaw naman ang tutulungan ko"nakangiti kong sabi sa kanya. "salamat anak."nakangiti namang sabi niya saakin.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomantikPaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...