Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na kami sa reception. Bilang bahagi ng seremonya ay nagsubuan pa kami ng cake at wine. Nang nakaupo na kami sa isang table, isa-isa namang nagbigay ng message nila sa'min ang tatay ko at mga magulang ni Tyrone. Nang matapos iyon ay nagkaron ng masayang kuwentuhan ang mga bisita at mga magulang namin,habang kami ni Tyrone ay tahimik lang na nanonood sa kanila. Sa buong okasyon na yun, ipinakita namin sa lahat na okay lang kami,kahit ang totoo pa'y hindi naman talaga. Sabay-sabay na kaming kumakain sa isang lamesa,nang isa sa mga bisita ang nagtanong. "saan naman ang honeymoon ng dalawang iyan?" kamuntik na akong mabulunan sa narinig,maging si Tyrone na tahimik lang ay biglang nanlaki ang mga mata sa gulat. "ahhh,napag-isip isip kasi namin na mga bata pa naman sila at nag-aaral pa kaya pinagpaliban muna namin,but we'll grant them a great honeymoon pag nasa tamang edad na sila." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabing iyon ng tatay ni Tyrone. "why not?were married na naman ah." gulat na gulat ako sa sagot na yun ni Tyrone. "a-anong pinagsasabi mo diyan?" nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya. Halata ko ring maging si tatay at ang mga magulang niya ay nagulat sa sinabi niyang iyon. Maya-maya'y bigla siyang lumingon sa akin,at pagkatapos ay nakakalokong ngumiti. "what do you think of marriage, game? we're not playing jack & poys here." nang-aasar pang sabi niya sa'kin. "Aba! lokoto ah" sa isip-isip ko. "besides,kasal na kaming dalawa,kaya pag-aari ko na siya,ako lang dapat ang magdedesisyon para sa asawa ko. " anito na binalewala lang ako. "ah,eh hijo,alam naman namin yun,kaso lang ay nag-aaral pa kayong pareho." paliwanag naman ng tatay ko. "well,okay lang yun,there are a lot of ways for birth control." sagot naman nito sa tatay ko. Namula ang mukha ko. Hiyang-hiya ako sa sinabi niya. "Tyrone!" singhal sa kanya ng mommy niya pagkatapos ay pinandilatan na siya nito. Natahimik ang lahat sa sinabi niya, ako naman ay gigil na gigil. gustung-gusto ko talagang ingud-ngod sa sa pagkain niya ang pagmumukha niya. Kundi lang nakakahiya, kanina ko pa ginawa iyon sa kanya. Maya-maya ay bigla itong tumawa. "look I was just kidding."anito sa pagitan ng pagtawa . "hindi nakakatawa!" inis na sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya sa'kin saka bumulong. "don't worry your not attractive at all" anito. "ba, demonyo 'to ah." sa isip-isip ko.
Maya-may pa'y dumako na ang usapan sa pag-aaral ko. "any way Nia,we decided na magtatransfer ka sa university na pinapasukan ni Tyrone" anang Presidente sa'kin. "po?" "what?" sabay naming bulalas ni Tyrone. Nagkatinginan kaming dalawa sabay bumaling akong muli sa Presidente at nagsalita. "h-hindi po pwede,mawawala yung scholarship ko." sagot ko sa kanya. "that's fine,kami nalang ang sasagot sa pag-aaral mo,besides available din naman yung course na tinitake mo dun" anito. "but, dad why does she has to transfer there?" nag-aalalang tanong ni Tyrone. Pero alam ko kung bakit ito nagkakaganun,doon din kasi nag-aaral ang girlfriend nito. "why not? you are already married,dapat lagi kayong magkasama." sagot naman ng daddy niya. Halatang nainis si Tyrone sa sinabing iyon ng daddy niya. "I don't think that's necessary, besides we'll be living in the same roof." tutol niya sa ama. "Tyrone, I don't want to discuss this matter now,let's talk about it at home later." sagot nalang ng tatay niya sa kanya.
<NIA's POV>
Pagkatapos namin sa reception ay doon kami dumiretso sa bahay nina Tyrone. Kasama ko ang mommy niya. Sinamahan niya ako sa magiging kwarto ko. "you ready?" nakangiting sabi niya sa'kin habang hawak-hawak ang door knob ng naka saradong pinto ng kwarto. . Ngumiti naman ako sa kanya. Dahan-dahan niya itong binuksan. Pagkatapos ay tumambad sa akin ang napakagandang disenyo nito. Kumpleto na ito sa gamit at may sarili pang cr,mayroon ding malaking closet at malaking kama na sa tantsa ko ay kasya ang apat na tao. "a-akin po to?" hindi makapaniwala na tanong ko. "yes" inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. "Naku,sobrang laki po nito,eh mas malaki pa yata 'to sa bahay namin eh," manghang-mangha paring sabi ko sa kanya. "pansamantala lang naman 'to hija. Once na naka graduate na kayo ni Tyrone ay sa isang bed nalang kayo matutulog." nakangiti paring sabi niya sakin pagkatapos ay inakbayan ako. "Yung katapat na kuwarto nito ay kay Tyrone ,ang sa tabi mo naman ay ang kwarto ni Tamara." dugtong pa nito. Pero hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya dahil namula ako sa sinabi niya ng pagdating ng araw ay sa isang kwarto nalang kami matutulog ng anak niya.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomancePaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...