<NIA's POV>
Gulat na gulat si tatay nang makita ako. "oh anak, bat nandito ka gabi na ah," aniya sa'kin. "tay," sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya, pagkatapos ay humagulgol na ako ng iyak. "b-bakit anak may problema ba?" nag-aalala niyang tanong sa'kin habang yakap yakap ako. "tay, pwede po bang lumayo muna tayo, umuwe muna tayo sa probinsya." pakiusap ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak. Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sakin. "b-bakit anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong sa'kin. "ilayo mo ako kay Tyrone, gusto kong makalimot" sabi ko naman sa kanya. "bakit sinaktan ka ba niya?"nag-aalalang tanong niya sa'kin. "oo tay,dito" sabi ko sabay turo sa dibdib ko. "nagmamakaawa ako sayo, kahit ngayon lang pagbigyan mo ako, ako naman tay."pakiusap ko sa kanya. Niyakap muli ako ni tatay bilang tugon sa pakiusap ko sa kanya. Nang sumunod na araw ay tumulak kami ni tatay at kuya sa probinsya namin,dun kami nakituloy sa bahay ng kapatid niya sa Cebu. dinisable ko rin ang GPS ng cellphone ko para siguraduhing hindi ako mahanap ni Tyrone. Mabuti nalang at nag ooffer ng online study sa university na pinapasukan namin ni Tyrone kaya kahit malayo ako ay nakapag-aral parin ako. Balak kong bumalik doon sa graduation na. Na magaganap anim na buwan mula ngayon. Sa totoo lang ayoko na sanag umattend dun, kaso lang gusto ko pa rin na masaksihan ni tatay ang pagtatapos ko. Buti nalang at fully paid na ako sa eskwelahan.
<NARRATOR>
Nag-aalala si Gardo sa anak niyang si Tyrone kaya hindi siya makatulog. Isang buwan na kasi mula ng umalis si Nia sa kanila, mula noon ay lagi na itong wala. Madalas ay umuuwe itong lasing, o di naman kaya ay nagkukulong lang sa kwarto nito. Sinubukan niyang katukin ito sa kwarto nito, pero wala nanaman ito doon, nakalimutan pa nitong I lock ang kuwarto niya. Nang pumasok siya sa loob nito, isang kahon ang umagaw sa kanyang pansin. Nang buksan niya ito'y tumambad sa kanya ang isang lumang saranggola. Kilala niya ang saranggolang ito, ito kasi ang saranggolang ginawa niya kay Tyrone nung 15th birthday nito. Napaiyak siya ng makita iyon, hindi niya alam na tinatago pala ito ng anak niya all this years. Nakkaatuwa namang matino parin ito kahit luma na. "d-dad" nagulat siya nang maabutan siya ni Tyrone na hawak hawak ang saranggola nito. Ngumiti lang siya dito saka nagsalita. "I didn't know that you kept this all this years." aniya dito na pinilit paring ngumiti sa kabila ng pagluha. "I'm so sorry anak, masyado kong ginugol ang sarili ko sa trabaho, nakalimutan kita." umiiyak paring sabi niya dito. "it's okay dad, I know how important your job is, I already understand it now" mangiyak-ngiyak ding sagot nito sa kanya. Hindi niya na matiis kaya nilapitan niya na ang anak at mahigpit na niyakap. Maluha-luha naman si Vivianne habang pinanonood ang mag-ama niya.
Nang sumunod na araw ay isang bagay ang naisipan ni Gardong gawin para mapasaya ang anak, naggugol siya ng oras para dito, magkasama nilang muling pinalipad ang saranggolang iningatan ni Tyrone ng ilang taon. Ilang araw pagkatapos nun ay isang hindi inaasahang desisyon ang kanyang ginawa. Naglabas siya ng public announcement tungkol sa pagbaba niya sa pwesto. Nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa kanya sa loob ng apat na taon niyang pagsisilbi sa bayan. Sinabi niyang panahon na para pamilya naman ang asikasuhin niya. "dad, bakit po kayo bumaba sa pwesto?" tanong niya dito. "because you need me," nakangiting sagot niya sa anak. "but you're the father of this country ," bumuntong hininga muna siya bago sumagot dito. "anak, bago ako naging ama ng bansa, naging ama mo muna ako. At yun ang gusto kong ituloy ngayon, ang igugol ang buhay ko bilang ama mo at ni Tamara." anito sa kanya. Niyakap niya ang ama sa sobrang saya. "thank you dad,"aniya dito."ano kamusta na nga pala ang paghahanap mo kay Nia?" walang anu-ano'y biglang tanong niya sa anak. "wala paring balita, I hired a private investigator to find her but she didn't leave any trace, I guess she really hates me that much." malungkot namang sagot nito sa kanya . "anak, don't lose hope, I know you'll find her soon, because she loves you. Inamin niya sakin yun." napangiti ito sa sinabi niyang iyon .
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomansPaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...