<NIA's POV>
Naisipan ko munang mag-lakad lakad sa tabing dagat. Ang ganda kasing pakinggan ng hampas ng alon na tumatama sa mga batuhan. Ang aliwalas ng gabi, at ramdam ko ang katahimikan ng paligid. Naupo ako sa may buhanginan doon ay tahimik kong pinakiramdaman ang lamig ng hangin, kumuha ako ng maliit na bato at ibinato ito sa dagat. Ilang sandali pa ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko, nang lingunin ko kung sino iyon, ay walang iba kundi si Tyrone. Bigla ay bumilis ang tibok ng dibdib ko. Ganun lagi ang impact sa'kin tuwing nakikita siya. "bat gising ka pa?" tanong niya sakin sabay pulot din ng bato at ibinato ito sa dagat. "hindi kasi ako makatulog eh," sagot ko naman sa kanya. "are you still thinking about what our parents were talking about earlier?" tanong niya sakin na ang tinutukoy ay ang pag-uusap tungkol sa pagkakaroon namin ng anak. Hindi ako umimik. "don't worry about it. Wala din naman akong plano. Besides,pag nakagraduate tayo, we'll be having our rights to decide kung ano ba talaga ang gusto nating gawin in the future." aniya sa'kin. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko na malungkot ang mukha niya. Alam ko naman na pagdating ng araw na yun , may lakas na siya ng loob na ipaglaban ang taong mahal niya, at alam ko na hindi ako yun.
Makalipas ang ilang araw ay natapos na ang bakasyon namin. Balik nanaman sa normal ang buhay namin at ito nga, nasa may tapat na kami ng gate ng university na pinapasukan namin. Siyempre tulad ng dati ay sabay nanaman kami ni Tyrone. Pero hindi kagaya ng dati na lagi kaming nagtatalo ngayon mas okay na kami nakakausap ko na siya ng maayos. Pagpasok namin sa gate ay hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Bigla nalang sumulpot sa harapan namin sa Laura at walang patubaling ipinulupot niya ang braso dito. "hi babe, I missed you" anito sabay halik sa mga labi niya. "I missed you too," sagot naman niya dito. Para namang kinukurot ang puso ko sa eksenang nasaksihan. Walang-anu ano ay tumalikod na lang ako at naglakad palayo. Nang makapasok ako sa room namin ay masaya naman akong binati ni Melanie. "oy, na miss kita" na kangiti niyang bati sa'kin.Matipid na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya "m-may problema ba?" nag-aalala namang tanong niya sa'kin. Habang nakatitig ako sa kanya ay hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng mga luha ko. "si Tyrone nanaman no?" aniya. Marahan akong tumango bilang tugon sa kanya. Niyakap niya naman ako. "oy Nia buti nakabalik ka na," dali-dali akong nagpahid ng luha ng marinig si charles. "kamusta." pilit ang ngiti kong baling sa kanya. "ito okay lang." nakangiti paring sabi niya sa'kin. Ilang saglit pa'y dumating na rin ang professor namin at nag-umpisa na ang discussion sa klase. Nung break time namin ay niyaya ko sina Charles at Melanie na sa ibang kainan nalang pumunta sa halip na sa canteen, idinahilan ko sa kanilang nagsasawa na ako sa mga pagkain doon, kahit ang totoo ay ayoko lang talagang makita sina Tyrone at Laura na magkasama.
<NARRATOR>
"Hi babe," nagulat si Tyrone nang pag labas niya ng room nila ay sinalubong agad siya ni Laura. "o babe, ang aga niyo naman yata nag break." aniya "oo,saglit lang kasi yung discussion ng prof. Namin eh, ano tara sa canteen?" aya nito. "let's go" aniya sabay akbay dito. Pero bigla siyang matigilan ng sa di kalayuan ay makita niya si Nia kasama si Charles na naglalakad, pero sa halip na sa canteen ay sa cafeteria ang tungo ng mga ito. Sinundan niya ng tingin ang dalawa. "babe!" para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng tawagin siya ni Laura. Lingid sa kaalaman niya'y nakita din nito kung sino ang tinitignan niya. "s-sorry" aniya saka akay dito papunta sa canteen. Kahit nasa isang table na sila sa loob ng canteen ay hindi pa rin talaga siya mapakali. Panay ang sulyap niya sa labas, umaasa na makitang dumaan sina Nia. "Tyrone are you okay?" tawag sa kanya ni Laura nang mapansin nito na tila ba hindi siya mapakali. "y-yeah," sagot niya naman dito. "I don't think you're okay, is there something bothering you ba?" parang naiinis na tanong pa nito sa kanya. "of course not, na miss ko lang kasing kasabay si Charles, madalang na kasi natin siyang nakakasabay." dahilan niya dito. "well, he's doing what you asked him to do, so don't worry makakasabay din natin siya after he finished his task" nakangiti namang sagot nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ng kasintahan.
<NIA's POV>
"mas masarap pala yung mga pagkain dun sa cafeteriang kinainan natin kanina kumpara dun sa usual na pinupuntahan natin eh," sabi ko kay Charles habang naglalakad kami palabas ng gate. "oo, kaso lang nasanay na kasi ako dun sa canteen dahil dun yung tambayan namin nina Tyrone at Rig." sagot niya naman sa'kin. "ahh, ganun ba"sabi ko naman sa kanya. Ilang hakbang pa ay namataan na namin si Tyrone na nag-aabang sa labas ng kotse nito. "hi pare kamusta" bati sa kanya ni Charles. Pero sa halip na sumagot dito'y bumaling siya sa'kin. Tila galit at hindi maipinta ang mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang reaksyon niya. "sakay na!" sabi niya pa na hindi man lang pinapansin si Charles. "s-sige Charles una na ako, bukas nalang ulit." paalam ko naman dito. Ngumiti lang ito bilang tugon sa sinabi ko. Pagkasakay ni Tyrone ay bigla nitong pinaharurot ng takbo ang kotse.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomancePaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...