Part 7

5.7K 109 0
                                    

<NIA's POV>

"wow tol congrats!" tuwang tuwang sabi sa'kin ni kuya nang ibalita sa kanya ni tatay ang nangyari habang kumakain kami .  Yung itsura niyang dinaig pa ang nanalo sa lotto. "pwede ba,tumahimik ka nga,hindi ako natutuwa." pairap kong sabi sa kanya. "tay,ayoko pong magpakasal, pwede po ba iurong nalang natin yun?" pagmamakaawa ko kay tatay. "hindi pwede anak, napag planuhan na namin iyon ng presidente,nakakahiya naman kung iuurong ko pa." sagot naman sa'kin ni tatay. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa na kumbinsihin si tatay na iurong na ang kasal ko,kaya ayoko man aminin sa kanya ang tungkol sa nangyari sa bar ay napilitan akong  sabihin ito sa kanya. " tay,hindi po ako magpapakasal sa impaktong anak ng kaibigan niyo kahit pa sabihing pangulo pa siya ng bansa." kumunot naman ang noo ni tatay at halatang nagtataka."bakit nagkita naba kayo ng anak niya?" tanong niya sa'kin "opo,at sa totoo po niyan hindi naging  maganda ang pagkikita namin" sabi ko pa. Tahimik lang na nakikinig sa'kin si tatay,hinihintay niya ang susunod kong sasabihin. Bumuntong hininga muna ako bago muling nagsalita. "sa totoo po niyan,sangkot po ako sa gulo dun sa bar na binalita kelan lang." halata kong nagulat si tatay sa sinabe  ko. Kinakabahan na ako kasi alam kong katakut-takot na sermon ang maririnig ko sa kanya,pero nagpatuloy parin ako sa pag-sasalita. "pumasok kasi siya sa cr ng mga babae,nagkataon na nasa loob ako,kaya yun kinompronta ko siya. Kaso lang nag panting yung tainga ko nung tinawag niya akong cheap, kaya sinampal ko siya, tapos dumating yung boyfriend ni Amy at naabutan siyang inaawat si Tyrone,akala sinasaktan niya si Amy kaya dun na nag-umpisa yung gulo." paliwanag ko kay tatay. Hindi makapaniwala si tatay sa mga sinabi ko. Yung titig niyang gulat na gulat. "ano ka ba namang bata ka, bakit mo yun ginawa?" yun na,umpisa na ng paninermon niya. "kaya nga iurong na natin yung kasunduan,kasi hindi rin ako magugustuhan nun,magkaaway kami nun,saka pag-nalaman nun na ipapakasal siya sa'kin ng tatay niya siguradong katapusan na ng mundo ko" paliwanag ko kay tatay. Saglit na natahimik si tatay at halata kong parang napapaisip siya, yes! siguro naman this time napag-isip isip niya na na i urong yung kasal. "pag dating ng pamilya nila Gardo dito,sasabihin natin ang nangyari,para  maipalam sa kanila at nang maayos ang anumang gusot bago ang araw ng kasal mo"ano daw?bakit ganun, hindi parin talaga siya sumusuko,"p-pero tay,di ba dapat iurong nalang natin ang kasal?" pilit ko.Tinignan lang ako ni tatay, seryoso ang mukha niya,na para bang sinasabi niyang sumunod nalang ako, tapos maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita. "manahimik ka Epifania, magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo,para ito sa kinabukasan mo!" nagulat ako sa sinabing iyon ni tatay. "oo nga,ayaw mo yun,pag kinasal ka sa anak ng presidente e di instant first daughter in-law kana." sagot naman ng damuho kong kuya. Sa sobrang inis ko ay tumayo na ako at dire-diretsong pumasok sa kwarto  kahit hindi pa tapos ang kinakain ko. 

Kung ano ang bigat ng nararamdaman ko ay doble naman nun ang kay Tyrone. Hindi niya parin matanggap ang desisyon ng tatay niya na ipakasal siya sa taong hindi niya naman kilala. Mamamanhikan siya sa isang taong ni hindi niya pa alam kung anong itsura.  Nasa loob lang siya ng kwarto niya nang mga oras na  yun,sinusubukang tawagan ang mga kaibigan. "hello charles,"aniya. "oh pare napatawag ka,hindi ka ba pupunta sa bar ngayon?" tanong nito, rinig niya rin sa background  ng kausap ang malakas na tugtog. "is Laura there?" tanong niya dito. "yes,she's already here ,kanina ka pa nga hinihintay eh," sabi nito sa kanya. "you wanna talk to her?" tanong pa ng nasa kabilang linya." no! lumayo ka muna sa kanila,I need to tell you something. " aniya. "sure," anito. "guys,labas lang muna ako ah," narinig niya'ng paalam pa nito sa mga kasama. "what is it pre?" tanong nito sa kanya. "I can't go there right now,bantay sarado ako ng mga body guard ni daddy, and guess what, he's planning to arrange a marriage for me." inis na sabi niya dito "what! with whom?" gulat na tanong naman ni Charles sa kanya.  "I don't know,  I don't even have any idea who that f***king b**ch is."nanggalaiti pang sabi niya dito. "but what about Laura?" tanong pa nito sa kanya. "well, dad expects me to dump her." sagot niya naman dito. "what! that's too much,"bulalas ng kausap niya. "I tried to tell him that I would marry her instead but he refused. ""so what's your plan now?" "I don't know, dad threatened me na pag hindi ako sumunod sa gusto niya,he'll kick me out." "that's a terrible news, then I'll tell Laura for you" anito "no,please don't tell her yet. Ako na ang gagawa ng paraan para sabihin sa kanya. " pigil niya dito. "okay if that's what you want" sabi naman ng nasa kabilang linya. "please,just don't tell anyone yet." pakiusap niya pa sa kaibigan "okay, " sabi nito.Maya-maya pa'y nagpaalam na siya dito. Nang makabalik si Charles sa pwesto ng mga kaibigan ay agad naman itong tinanong ni Laura. "ano'ng oras daw makakarating si Tyrone? he didn't even bother to call me" inis na tanong nito sa kanya. "hindi daw muna siya makakarating,my problem daw sa bahay nila eh,malaki." anito.  Nang matapos nang kausapin ni Tyrone si Charles ay napahiga nalang siya sa kama niya. Doon ay tahimik siyang nag-isip. Maya-maya pa'y tumayo siya at binuksan ang kanyang cabinet. Kinuha niya ang kahon na nakatago dito at nang buksan niya ito ay tumambad sa kanya ang isang lumang-lumang saranggola,malungkot niya itong tinitigan. 

My Arranged Marriage With The  President's Son  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon