Part 8

5.5K 106 3
                                    

<NIA's POV>

Hindi ako makapaniwala,isang linggo na ang nakakalipas mula nang sabihin sa'kin na ikakasal na ako, sa totoo lang may pasok dapat ako ngayon,pero binilinan ako ni tatay na umabsent daw muna ako,bakit? dahil ngayon inaasahang darating ang  pamilya ng presidente. Punong abala si tatay sa paghahanda sa kusina. Hindi pa man isinasa publiko ang magaganap na kasalan,marami nang nakabantay na pulis sa labas. Ito ay para siguraduhin na safe ang pangulo. Pero ansama parin talaga ng loob ko,hindi ko naman magawang sumuway kay tatay dahil ayokong sumama ang loob niya sa'kin,ayoko ring i spoil ang kasiyahang nararamdaman niya. Wala pang public announcement tungkol sa kasalan,pero plano itong gawin ng president. Isa kasi ito sa napag-usapan nila ng tatay ko.  "wow, tol excited na akong makita ang magiging bayaw ko,siguradong marami akong ma bibingwit na chicks nito." tuwang-tuwa pang sabi nang kuya  sa akin habang tahimik lang akong nakaupo sa sofa. Tinignan ko siya ng masama,yung tipong parang kakainin ko siya ng buhay. "hoy ,Ricky tantanan mo na nga iyang kapatid mo at tulungan mo ako dito sa kusina." saway naman ni tatay kay kuya. Napansin naman ni tatay na tahimik lang akong nakaupo at nagmumukmok,nilapitan niya ako at umupo  sa tabi ko. "anak,alam kong masama ang loob mo sa'kin dahil dito,"malungkot na sabi niya sa'kin,unti-unti nang pumapatak ang luha sa mga mata ko habang nagsasalita siya,pero hindi parin ako umiimik. "pero sa maniwala ka't sa hindi,kinabukasan mo rin lang ang iniisip ko. Matanda na ako anak,darating ang panahon at hindi na kakayanin ng katawan ko ang pag tatrabaho, kaya gusto kong makasigurado na  bago dumating ang araw na iyon ay nasa mabuti kang kalagayan." malungkot niyang sabi sa'kin. Hindi parin ako umimik, dahil sobrang sama  talaga ng loob ko.

<NARRATOR>

Naghahanda na ang pamilya ni Tyrone sa pag-alis. Bihis na bihis na ang kanyang mommy at daddy pati ang kapatid na si Tamara. Mistula siyang preso nang mga oras na yun,sunud-sunuran sa gusto ng daddy niya. Bumili pa nga ito ng mga regalo,sa totoo lang clueless parin talaga siya kung sino ang babaeng planong ipakasal sa kanya ng tatay niya,pero sa isip-isip niya,kung sino man ang babaeng iyon ay pag-babayarin niya dahil sa pagnanakaw nito ng kalayaan niya. Mula  sa Cavite ay lumuwas sila  pa Maynila,narinig niyang sa Fairview raw nakatira ang babaeng pakakasalan niya. Matapos nga ang ilang oras na biyahe ay narating na nila ang tinutuluyan nito. Napakaraming pulis na nakabantay,at may mga tao ring nakatingin sa kanila "huh! politics" singhal niya. Ilang sandali pa ay narating na ng sinasakyan nila ang harap ng bahay nina  Nia.

<NIA's POV>

  "oh nandiyan na sila," excited na sabi ng tatay ko nang marinig ang kumakatok. Umayos na ako ng upo.Unang pumasok ang presidente,sumunod naman ang asawa at anak na babae nito. Maya-maya pa ay nakita ko na si Tyrone. Tumayo ako upang magbigay galang sa pangulo.Nang makita ako ni Tyrone ay nanlaki ang mga mata niya. Halatang gulat na gulat at hindi siya makapaniwala. "upo po muna kayo,pasensiya na kayo sa bahay namin at hindi kalakihan."anang tatay sa kanila. "naku ano kaba Carding wala lang yun, para namang hindi ako nanggaling sa ganitong buhay dati." sagot naman ng presidente. "aba'y ito na ba si Vivianne,napakaganda parin,parang walang pinagbago." baling naman ni tatay sa asawa nito. "ikaw naman,bolero ka parin hanggang ngayon." nakangiti naman nitong sagot kay tatay. Umupo si tatay sa tabi ko,sa gawing kaliwa ko siya pumuwesto at si kuya naman ay umupo sa gawi'ng kanan ko. Sa katapat naman na sofa umupo ang presidente at ang pamilya niya siyempre kasama si Tyrone. Sa gitna namin ay isang maliit na lamesa. Tumayo muna saglit si tatay para kumuha ng juice pagkatapos ay muling bumalik sa pag-upo sa tabi ko. "ikaw na ba si Tyrone? aba'y napakaguwapong bata mo na ah." sabi ng tatay ko sa kanya. Alam kong kanina niya pa ako tinititigan na para bang nanunuya. Pero kahit ganun ay ngumiti parin siya sa tatay  ko "salamat po," sabi pa niya. "Aba,kahit pala impakto marunong ring gumalang." Sa isip-isip ko. "napakaganda din naman nitong anak mong babae,sigurado akong maganda o guwapo ang magiging anak ng dalawang 'to pagdating ng araw."nakangiti namang sabi ng mommy ni Tyrone na ang tinutukoy ay siya at ako. As if naman magpapalahi ko sa impakto. Ipinakilala rin sa'min ang bunso nilang anak na si Tamara. At ipinakilala din naman ni tatay si kuya. "oo nga pala Tyrone,gusto ko nga palang humingi ng pasensiya sa'yo sa ginawa ng anak ko dun sa bar." nagulat ako nang biglang sinabi yun ni tatay sa kanya. Parang pinapalabas niya pa na ako ang may kasalanan dun sa nangyari. "bakit anong nangyari?" nagtatakang tanong  naman ng daddy ni Tyrone.Kaya sinabi ni tatay ang buong pangyayari. "ano ka ba,okay lang yun,kasalanan din naman nito ng anak ko."nakangiti paring sagot ng presidente."eh kung ganun naman pala eh,tara kumain muna tayo,hayaan muna nating mag-usap iyang dalawa nang makilala naman nila ang isa't-isa.may kaunti akong hinanda dun sa kusina."yaya ni tatay sa kanila. Naiwan nga kaming dalawa dun sa sala,biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Tyrone nang kaming dalawa nalang ang magkaharap. Yung titig niya sa'kin na animo'y gusto akong kainin ng buhay. "anong tinitingin-tingin mo diyan?" taas kilay kong tanong sa kanya. "wow,pagkatapos mo akong sampalin sa bar,ngayon naman gusto mo akong pakasalan,lakas din ng loob mo eh no,"nanunuya paring sabi niya sa'kin "excuse me!hindi kita gustong pakasalan, pinipilit lang akong ipakasal sa'yo noh!" inis namang sagot ko sa kanya. "saka isa pa,bakit ko gugustuhing magpakasal sa isang impakto?" pairap pang sabi ko sa kanya. "what did you call me?" halatang napikon   namang tanong niya sa'kin "impakto means demonyo ,lamanglupa, evilspirit, Tyrone."   sarkastiko ang  ngiting sagot ko sa kanya. "you son of a b**ch,I'll make sure I'll make your life a living hell once we get married."galit na pagbabanta niya sa'kin. Pinagkrus ko ang dalawang braso saka nagsalita. "bakit?kailangan mo ng kasama?"nang -aasar paring sabi ko sa kanya. Halata ko sa mukha niya ang matinding pagkapikon   sa'kin. At nag-eenjoy akong makita yun.  "well! hindi narin ako magugulat kung bakit ka pumayag na magpakasal sa'kin,"sabi niya habang iginagala  ang paningin sa kabuuan ng bahay namin. "anong-ibig mong sabihin?"hindi ko nagustuhan ang sinabe niyang yun. "this place reminds me of our trash can," nang-aasar pa siyang nakangiti habang sinasabi iyon sa'kin. "trash can ba kamo!" nakataas nanaman ang kilay na tanong  ko sa kanya. "yes!" diretsong sagot niya sa'kin. Hindi na ako nakapag timpi pa lalo na nang makita ko ang nakakaloko niyang ngiti. "ahh,ganun ahh"sabi ko sa kanya dahil sa sobrang pagkainis. Pagkatapos ay dinampot ko ang basong may lamang juice  na nakapatong sa maliit na lamesa at walang anu-ano'y ibinuhos iyon sa ulo niya.

My Arranged Marriage With The  President's Son  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon