Paulit-ulit na rumehistro sa utak ko ang narinig ko sa recording ng cellphone ni Laura. Alam kong hindi niya ako gusto nung una, pero hindi ko alam na ganun siya kamuhi sa'kin para planuhin ang bagay na iyon. Nag pababa ako sa isang park kung saan kami dating nagkita ni Charles. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero ni Charles na nakarehistro dito. "hello Nia napatawag ka?" aniya "pwede ba tayong magkita? Nandito ako ngayon sa park kung saan tayo dati nagkita. Hihintayin kita." pagkasabi ko nun ay binaba ko na agad ang cellphone.
Iyak lang ako ng iyak, hindi maalis sa isip ko ang nalaman ko. Ilang saglit pa ay dumating na si Charles. "Nia bakit?" nag-aalala niyang tanong sa'kin. Tinitigan ko siya ng diretso saka nagsalita. "totoo ba?" tanong ko sa kanya "a-ang ano?" nagtatakang tanong niya sa'kin "na inutusan ka ni Tyrone na kunin ang loob ko, para may dahilan siyang idivorce ako pagkatapos ng graduation?" Hindi siya nakasagot. "ano! Tinatanong kita!" mataas na ang boses na sabi ko sa kanya. Nag-aalangan siyang tumango. Napahagulgol na ako ng iyak nang kumpirmahin niya iyon "pati ikaw, pinagkaisahan ninyo ako! Pa'no niyo nagawa sa'kin 'to?" umiiyak kong sabi sa kanya. "sorry Nia, nung una yun lang talaga ang pakay ko, ang kunin ang loob mo, pero believe me or not, matagal nang nahulog ang loob ko sayo, mula palang nang unang beses kitang makasama sa mall," pag-amin niya sa'kin. Napaupo na ako sa sahig kakaiyak. Lumapit naman si Charles sakin at inalalayan akong tumayo. Napayakap ako sa kanya dahil sa sobrang sama ng loob ko.
<NARRATOR>
Hinanap ni Tyrone si Nia sa buong eskwelahan pero hindi niya ito mahagilap kahit saan. Umuwe siya sa kanila pero wala din ito doon. Tinawagan niya ang tatay nito sa pagbabakasakaling baka nandun ito pero bigo siya. "where did she go?" sa isip-isip niya. "mom have you seen Nia?" tanong niya sa mommy niya ng mabungaran ito sa kwarto. "hindi pa umuuwe galing school" anito "what? I went there but she was not there already?" nag-aalalang sabi niya. "ha, eh san naman pumunta yun?" kababakasan na rin ng pag aalala ang kanyang ina. Sinubukan niya itong tawagan pero nagriring lang ang phone nito at hindi sinasagot.Nag-umpisa na siyang magpanic,"come on Nia where are you?" Saka niya lang naalala na nakaconnect pala ang gps ng phone nito sa phone niya. Sinubukan niya itong itrace. Hanggang sa makarating siya sa isang park. Nagulat siya ng makita ang sasakyan ni Charles. Ilang sandali pa ay namataan niya ang dalawa na nakaupo sa isang bench, dali-dali niyang nilapitan ang mga ito. "so you're here!" galit na sabi niya dito. Ilang saglit pa ay bigla niya nang hinila sa braso ang babae. "ano ba ayokong sumama sayo!" nagulat siya sa sinabi nito. "what, saan mo gustong sumama sa kanya?" aniya sabay duro kay Charles. " halos mabaliw ako kakahanap sa'yo tapos makikita lang kita dito kasama siya!" galit na sabi niya dito. "di ba yun naman ang gusto mo? Na mapalapit ang loob ko sa kanya?"nagtaka man sa sinabi nito ay patuloy niya parin itong hinila. "sinabi nang ayoko eh, ano ba bitawan mo nga ako!" mataas na ang boses na sabi ni Nia. Hindi na nakatiis si Charles. "pare just let her go!" anito. "'wag kang makisali dito ha!" aniya sabay duro kay Charles. "you're going with me" aniya sa nagpupumiglas parin na babae. Hindi na nakatiis si Charles kaya pumagitna na sa kanila. "sinabi nang 'wag kang makialam dito eh" pagkasabi nun ay bigla niya itong inundayan ng isang malakas na suntok sa mukha. "ANO BA!"sigaw ni Nia sa kanya. Pagkatapos ay ito naman ang pumagitna sa kanila ni Charles. "ano ba kasing nangyayari sa'yo!" galit na tanong niya kay Nia. "pagkatapos mong makiusap sa kanya na tulungan kang mawala ako sa landas mo, gaganyanin mo siya? Di ba nakiusap ka sa kanya na kunin ang loob ko para maging madali ang paghihiwalay natin? Kaya binibigay ko na sa'yo ang gusto mo," nagulat siya sa sinabi nito "gusto mo pa ba ng ebidensiya, fine! Bibigyan kita ng malupet na ebidensiya." anito sabay walang anu-ano ay biglang inagaw ang cellphone na hawak niya. At kumuha ng litrato habang hinahalikan si Charles. Pagkatapos ay ibinalik na nito ang cellphone sa kanya. "ayan! Pakita mo sa parents mo, siguro naman sapat na yan para makapag divorce tayo." pagsabi nito'y saka ito bumaling kay Charles. "tara na umalis na tayo dito!" Para siyang napako sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung ano ang iisipin nang mga oras na iyon.
<NIA's POV>
"saan mo balak pumunta?" tanong ni Charles sa'kin habang nag mamaneho. "sa bahay ng tatay ko," sagot ko naman sa kanya. "I'm sorry Nia, I'm sorry if I also caused you pain" malungkot niyang sabi sakin. "Charles, aaminin kong sumama nga yung loob ko sayo, pero masaya pa rin ako na sa kabila nun ay naging mabuting tao ka parin sakin, pero kaibigan lang kasi talaga ang turing ko sa'yo." malungkot kong sagot sa kanya. "I understand, hindi naman ako naghahangad ng kapalit mula sa'yo eh, pero alam ko kung bakit ganun nalang ang galit mo kay Tyrone kanina, dahil sobra mo siyang mahal." malungkot niyang sabi sa'kin. Hindi ako umimik sa sinabi niyang iyon. Sa halip ay lalo lang akong napaiyak.
<NARRATOR>
Kahit palalim na ang gabi ay hindi parin umaalis si Tyrone sa park, nakaupo lang siya dito, hindi niya maalis sa isip ang ginawa ni Nia kanina. Saka niya nalang napagtanto kung ga'no kasakit ang nararamdaman nito kapag nakikitang hinahalikan niya si Laura, dahil ganun kasakit ang naramdaman niya nang halikan nito si Charles sa harap niya. Hindi niya napigilan ang paggulong ng mga luha mula sa kanyang mga mata. "I'm sorry, if only I could go back in time, I would never do that to you." aniya sa pagitan ng pagluha.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomancePaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...