Part 29

5.2K 115 0
                                    


<NIA's POV>

Nang sumunod na araw, ay nagulat ako sa ikinilos ni Tyrone, taliwas sa laging nangyayari tuwing makakarating kami ng gate kung saan ay naghihiwalay kami ng landas, sa pagkakataong ito'y sumusunod siya sakin sa paglalakad . "diba dun yung room mo? Naliligaw ka yata?" sabi ko sa kanya. "I know where my room is." sagot niya sa'kin. "oh yun naman pala eh, ba't ka nakasunod sakin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "ihahatid ka,bakit masama ba?" sagot niya naman sakin. Hindi nalang ako umimik. Kilig na kilig ang mga kaklase kong babae nang makita siya. Sikat kasi siya sa buong university kaya ganun. "wow Nia, inihatid ka ng mister mo ngayon ah!" kinikilig pang sabi sa'kin ni Melanie ng makaupo na ako sa tabi niya. "huh! Nangtitrip lang yun." sagot ko naman sa kanya. "so,kamusta na si Tyrone?" nakangiting bati sa'kin ni Charles. "hayun, nasisiraan na yata ng ulo!" sagot ko naman sa kanya. "why what happened" nag-aalala namang tanong niya sa'kin. "bigla nalang akong inaway kagabi, tapos ngayon hinatid pa ako hanggang dito, nakita mo naman nang hatakin ako diba?" tanong ko pa sa kanya. Makahulugang ngiti lang ang tinugon niya sakin, ilang saglit pa ay may kinuha siya mula sa bag pagkatapos ay iniabot ito sa'kin. "by the way here's the book." aniya sabay abot sa libro. "wow, thank you Charles" tuwang-tuwa namang sagot ko sa kanya. Nang magbreaktime na ay sabay-sabay kaming tatlo nina Charles at Melanie na lumabas sa room. Pero paglabas ko mismo sa may pinto ay nakita ko agad si Tyrone na nakasandal sa tabi nito, nakakrus ang mga braso. "uy may sundo ka oh" bulong sa'kin ni Melanie. "pare ikaw pala" bati naman ni Charles sa kanya, pero tinanguan niya lang ito. "hayaan niyo 'yan," sabi ko lang sa kanila saka dire-diretsong naglakad. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay muli niya nanamang hinila ang kamay ko. "ano ba! Ano nanaman bang trip mo" inis na inis kong sabi sa kanya habang hila-hila parin ako. "sabay tayong kakain." aniya sa'kin. "hindi mo ba nakikita, may kasabay ako." inis kong sagot sa kanya. "I'm your husband, kaya mas may karapatan ako kesa sa kanila."sagot niya sa'kin. Dinala niya ako sa isang restaurant na malapit lang din sa university na pinapasukan namin. Nang iabot na sa'min ang menu ay hindi ko ito pinansin. "choose your order na!" utos niya sa'kin habang nakaupo kami sa pandalawahang table. "wala akong ganang kumain" sagot ko sa kanya habang nakakrus ang mga braso ko. "don't try my patience!" mahina ngunit mariin niyang sabi sa akin. "eh wala nga 'kong gana eh, pakialam mo?" pagmamatigas ko naman. "oorder ka sa ayaw at sa gusto mo or else magwawala ako dito!" Magmamatigas pa sana ako, pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya, halatang tototohanin niya ang bantang iyon, kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya. Hindi lang dito nagtatapos iyon, maging hanggang uwian ay hindi na siya nakuntento lang sa paghihintay sakin sa parking lot, sa halip ay hinintay niya ako mismo sa tapat ng room namin.

Kinabukasan ay sobrang sama ng pakiramdam ko, parang hindi ko kakayanin ang pumasok dahil sa sakit ng ulo ko. "hey, what are you waiting for we're getting late." ani Tyrone sakin nang makapasok sa kuwarto ko. "h-hindi ko kayang pumasok ngayon, masama pakiramdam ko." sagot ko sa kanya. "okay, I'll notify your prof. Nalang." sagot niya naman sa'kin.

<NARRATOR>

Nang makarating si Tyrone sa room nila ay nadatnan niya si Laura na nag-aabang sa labas nito. Maaga siyang nakarating kaya wala pa ang prof. Niya. "what brings you here?" tanong niya dito. "we need to talk." anito sa kanya. Hindi naman siya tumanggi dito. "what happened last night? Bakit  bigla ka na lang umalis nang hindi nagsasabi sa'kin?" anito na ang tinutukoy ay ang ginawa niya sa bar. Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga saka nagsalita. "Laura, there's something I would like to tell you" malumanay niyang sabi dito. "what?" kunot noo namang tanong nito sa kanya. Tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata pagkatapos ay nagsalita. "I-I think we need to end things between us."aniya "what ?what are you talking about? " hindi makapaniwala na tanong nito sa kanya. "see, I already married now, kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, mali na ituloy pa natin ang relasyon natin." aniya dito. "so you're breaking up with me?" anito sa kanya "yes!" walang patumpik-tumpik na sagot niya dito. "Tyrone, what's going on with you? I thought we had plans? I thought you're going to divorce her for me? Kaya nga natin pinakilos si Charles diba" hindi parin makapaniwalang tanong nito sa kanya. "I'm gonna talk to Charles soon, sasabihin ko sa kanya na I cancel na yung deal namin." sagot niya dito "huh! I can't believe this," hindi parin makapaniwalang sabi sa kanya ni Laura. "don't tell me you  are falling in love with her" tanong nito sa kanya. "I-I think so" sagot niya dito. "oh my god, I really can't accept this Tyrone, I really can't!" pagkasabi nito'y tumalikod na ang babae. "Laura wait!" aniya pero dire-diretso lang ito. Bagsak ang balikat na pumasok na lang siya sa loob ng room nila.

Nang makauwi siya ay nakita niya ang katulong nila na lumabas mula sa kwarto ni Nia, may bitbit itong tray na pinaglalagyan ng pagkain. "yaya hows Nia?" tanong niya dito. "naku sir hindi pa po bumabangon mula pa kanina, halos hindi nga ginalaw yung pagkain niya." sagot naman nito sa kanya. Pumasok siya sa loob ng kwarto nito. Nakita niya itong tila nanginginig sa lamig habang natutulog. Pinakiramdaman niya ng likod ng palad ang leeg at noo nito. "your temperature is so high." nag-aalalang sabi niya. Nag mamadali siyang pumunta sa kusina. Kumuha siya ng maliit na planggana pagkatapos ay nilagyan ito ng maligamgam na tubig, tapos ay kumuha din siya ng malinis na bimpo. Pinigaan niya ito at marahang ipinunas sa braso nito at pagkatapos ay nagpatong din siya ng basang bimpo sa noo nito. Ilang saglit pa ay bahagya itong umubo. Pinatagilid niya ito ng higa pagkatapos ay marahang hinimas-himas ang likod nito. Nang mapansin niyang okay na ulit ito ay pinatihaya niya nanaman ito. Kumuha siya ng bangko at inilagay ito sa gilid ng kama ng babae, pagkatapos ay umupo dito. Marahan niyang hinagud-hagod ang buhok nito. Habang mataman itong pinagmamasdan, alalang-alala siya sa kalagayan nito. Kinuha niya ang kamay nito at mahigpit iyong hinawakan. Ilang sandali pa ay bigla itong bumangon. "are you okay," nag-aalalang tanong niya dito. "ang ulo ko ang sakit!" dumadaing na sabi nito. Kinuha niya ang gamot na nakapatong sa desk nito at pinainom iyon dito. Nang makainom ay muli itong humiga. Muli niyang hinagud-hagod ang buhok nito,habang pinagmamasdan ito. Tapos ay ikinulong sa mga palad niya ang  kamay nito at dahan-dahan iyong inilapit sa labi niya. Mataman niyang pinagmasdan ang nahihimbing na asawa. Lingid sa kaalaman niya ay palihim siyang pinanonood ng kanyang ina. Nakangiti ito nang makita ang kanyang ginagawa. Pagkatapos nun ay marahan nitong isinara ang pinto ng kwarto ni Nia. 

My Arranged Marriage With The  President's Son  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon