<NIA's POV>
Lakad takbo ang ginawa ko nang makarating ako sa University kung saan ako nag-aaral,late kasi akong nagising dahil nawilli ako sa pinanood ko. Nang makarating ako sa room namin ay naabutan kong nag lelecture na yung prof ko. Payuko at dahan-dahan akong naglakad papunta sa silya ko,nag-iingat na hindi niya ako mapansin.Akma na sana akong uupo nang... "Ms. Rodriguez!would you please explain to me why you're late?" naku lagot,nakita niya ako, "sorry po prof. late na kasi akong nakatulog kagabi eh,"kinakabahang sabi ko sa kanya. "so eskwelahan pa ba ang ma-aadjust para sa'yo?" muling tanong niya saakin na pinagkrus pa ang kanyang mga braso. "sorry po prof,hindi na po mauulit."sagot ko naman sa kanya. Ayokong sabihin ang eksaktong dahilan kung bakit ako nalate ng gising, dahil lalo lang itong magagalit. "dapat lang,alalahanin mong may scholarship kang pinapangalagaan,at dahil dun kailangang maging consistent ang passing scores mo or else mawawala ang scholarship grant mo," paalala niya pa saakin. "yes prof." sagot ko nalang sa kanya. Hindi talaga puwedeng mawala ang scholarship grant ko,kasi pag nangyari yun, mapipilitan akong tumigil sa pag-aaral dahil hindi kakayanin ng kakarampot na suweldo ng tatay ko ang sustentuhan ang pag-aaral ko. Kasabay ko ang kaibigan kong si Amy na naglalakad pauwi. "ikaw naman kasi,alam mo naman na maaga yung klase natin nagpakapuyat ka sa panonood." sermon niya sa'kin. "eh hindi ko kasi natiis ang ganda kasi ng palabas."sabi ko naman sa kanya. "eh ano ba kasi ang pinanood mo" hindi ko na nasagot ang tanong niyang iyon saakin nang may tumawag sa kanya. "hey babe," yung boyfriend niyang si Troy. Lumapit dito si Amy at hinalikan ito. Halatang may kaya ang lalaki,de kotse pa nga eh, pero hindi ko siya feel, mukha kasing manyak. "ba't nandito ka? tanong sa kanya ni Amy. " well gusto sana kitang yayain mamaya tutal wala naman kayong pasok bukas diba?" sabi pa nito habang nakaakbay sa kanya. "saan naman tayo pupunta?" tanong niya naman dito. "sa bar,mag paparty-party tayo mamaya." ako naman,tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. "ganun ba,puwede ko bang isama si Nia?" sabi niya naman sa boyfriend niya sabay baling sa'kin. "ako?hindi puwede ayoko,"tanggi ko sa kanya. "sige na sumama kana, wala namang pasok bukas eh!" pilit niya pa sa'kin. "mag-aaral ako,alam mo naman na kailangan kong ipasa yung grades ko ngayong sem dahil kung hindi ay mawawala yung scholarship ko. " paliwanag ko naman sa kanya. Hinila niya ako palayo sa boyfriend niya at masinsinan akong kinausap. "please naman,minsan lang naman to eh, pumayag kana." pakiusap niya sa'kin. Wala na nga akong nagawa kundi pagbigyan nalang siya.
<NARRATOR>
"saan ka nanaman pupunta Tyrone?" tanong ng mommy niya sa kanya nang makita siyang bihis na bihis at bitbit pa ang susi ng kotse niya. "magkikita lang kami ng mga friends ko ma." sagot niya naman dito. "gabing-gabi na,baka mamaya mapahamak ka. Pag nalaman nanaman 'to ng daddy mo magagalit nanaman sa'yo yun " sabi pa nito sa kanya. "as if naman may pakialam yun."aniya sabay dire-diretsong lumabas. "tyrone! come back here." galit na tawag ng mommy niya sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Sumakay na siya ng kotse at pinaharurot ito ng takbo. "I don't know what to do with this child anymore. " nag-aalalang sabi nalang ng mommy niya.
<NIA's POV>
"hi babe," bati ni Troy kay Amy nang makita kami. Naiilang ako kasi puro lalaki ang mga makakasama namin. Isa-isang ipinakilala ni Troy ang mga kasama niya sa'min.Pagkatapos ay umupo na si Amy sa tabi ng boyfriend niya. Ako naman ay sa tabi niya pumuwesto. Tatlo ang kasama ni Troy sa bar. Masaya silang nagkukuwentuhan habang ako ay tahimik lang. Maya-maya ay nagulat ako nang dumating ang waiter at ilapag sa table namin ang finger food at isang bucket ng beer. Nagpalakpakan ang mga kasama namin nang makita ito. Habang ako naman ay kinakabahan. Nagulat ako nang abutan ako ng isa sa mga kasamahan ni Troy ng alak. "sorry hindi ako umiinom eh,"tanggi ko. "isang shot lang!" sabi nito. "sorry hindi kasi talaga ako umiinom eh,"mariin kong tanggi. Hindi na ito nagpumilit pa,maya-maya pa ay nagsitayuan sila kasama si Amy at saka umindak sa dance floor. Habang ako ay nanatili lang sa puwesto ko. Biglang nakaramdam ako ng pangangailangan na pumunta sa cr. Tumayo ako at lumapit kay Amy. "friend samahan mo muna ako sa cr,ihing-ihi na kasi ako eh," sabi ko sa kanya. "sige," sagot niya naman sa'kin "babe wait lang ha,samahan ko lang sa cr si Nia." paalam niya sa boyfriend niya. Bago pa kami makarating sa cr ay may nadaanan kaming naghahalikan. "Ano ba naman 'tong mga to,dito pa nag tukaan"sa isip-isip ko. halata ring parang lasing ang dalawa.
Nasa loob na ako ng girls rest room ng biglang pumasok ang babaeng may kahalikan kanina,okay lang naman sana,kaso lang kasunod nito ang lalaking kahalikan niya. Inaalalayan siya nito. Kaso lang kasi,bilang isang conservative na babae ay hindi ko natiis na manahimik nalang. "excuse me sir! " nakapameywang na sabi ko sa kanya. " why?" parang galit pang tanong niya sa'kin. Nasa cubicle nung mga oras na yun ang babaeng kasama niya, dinig na dinig ko pa nga ang pagduwal nito. "diba girls rest room 'to? dapat hindi ka pumapasok dito." inis na sabi ko sa kanya. Pero habang nakatitig ako sa lalaki,napansin kong napakaguwapo pala nito. "don't worry,hindi kita bobosohan, sinamahan ko lang yung girlfriend ko." parang nang-aasar pa na sagot niya sa'kin. Maya-maya pa'y biglang lumabas din mula sa cubicle si Amy "bakit anong meron?" bigla siyang nagulat ng makita ang lalaki sa loob ng restroom. "i-ikaw" sabi niya pa . "oo,nagulat nga din ako bigla 'yang pumasok dito eh, hindi nalang hintayin ang girlfriend niya sa labas talagang dito pa pumuwesto."inis kong sabi.Pero nagtaka ako sa reaksyon ni Amy.Para kasing gulat na gulat ito "huy,wala ka man lang bang sasabihin?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong hindi niya inaalis yung tingin niya sa lalaki. "diba ikaw si Tyrone dela Torre?" tanong ni Amy sa kanya. "kilala mo siya?" nagtataka namang tanong ko kay Amy. Gulat ang ekspresyon niya na humarap sa'kin, "hindi mo ba siya kilala? siya ang anak ng presidente ." sabi niya sa'kin. "presidente ng?"hindi ko parin talaga get's yung pinagsasabe niya. "ano kaba,presidente ng Pilipinas."Saglit na rumehistro sa'kin ang pagkagulat.Maya-maya pa'y lumabas na ang girlfriend nito. "you okay babe?" tanong pa nito na inalalayan pang lumabas ang babae,pero hindi parin ako papayag, wala akong pakialam kahit kanino pasiyang anak. Sinundan ko sila palabas. "hoy,hindi pa ako tapos sa'yo!" inis na sabi ko sa kanya.Bigla siyang huminto at humarap sa'kin,hindi umiimik ang babaeng kasama nito dahil sa sobrang kalasingan. "what do you want now?" tila naiinis nang tanong niya sa'kin. "hindi ko kasi gusto yung ginawa mo. Ganyan ba yung tinuro ng magulang mo sa'yo?"nakapameywang pang sabi ko sa kanya. Sarkastiko siyang ngumiti sa'kin sabay nagsalita. "baka naman type mo lang ako kaya ka nagkakaganyan? sorry miss hindi kita bet mukha ka kasing cheap."nang-aasar pang sabi niya sa'kin. "aba antipatiko ka ah."inis na sabi ko, pagkatapos ay isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. nakita kong nagulat siya sa ginawa ko at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "WHAT WAS THAT FOR!" gulat na gulat niyang sigaw sa'kin. "itanong mo sa sarili mo yan! akala mo naman type kita eh mukha ka namang impakto!"nanggagalaiti kong sagot sa kanya."b**ch" galit na galit na sabi niya sa'kin. Pumagitna sa'min si Amy nang makita ang tensyon sa pagitan naming dalawa. "oh sige lumapit ka! akala mo uurungan kita!"hamon ko naman sa kanya.habang ang girlfriend niya naman ay napaupo na sa sulok,lasing na lasing kasi talaga ito. Galit na galit sa'kin si Tyrone,pilit niya akong inaabot ng kamay niya pero pinipigilan siya ni Amy. Maya-maya pa ay dumating si Troy kasama ang mga barkada niya at lumapit kay Tyrone. "pare anong ginagawa mo sa girlfriend ko?" sabi ni Troy sa kanya ng akala nito ay sinasaktan niya si Amy,pero ang totoo'y pinipigilan lang nito si Tyrone na makalapit sa'kin. Nang hindi pinansin ni Tyrone si Troy ay nilapitan siya nito at binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha. Maya-maya pa'y nagkagulo na ng magpang-abot ang dalawang lalaki. Tapos ay dumating din ang mga barkada ni Tyrone para tulungan ito. Hanggang sa tuluyan na ngang magkagulo sa bar.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomancePaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...