<NIA's POV>
"nakakainis ka, alam mo naman na maaga ang pasok natin ngayon, nagpalate ka pa ng gising!" inis kong sabi kay Tyrone habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Heto kasi kami ngayon at ipit na ipit sa traffic,halos hindi na umuusad ang mga sasakyan. "why are you blaming me,kasalanan ko ba na traffic?" inis namang sagot niya sa'kin. "wala naman kasi sana tayo sa sitwasyon na 'to kung maaga ka lang nagising!" nakakrus pa ang brasong sagot ko sa kanya. "sino ba kasi nagsabi sa'yong sa'kin ka sumabay,di sana nagpahatid ka nalang sa driver kanina." inis ring sagot niya sa'kin. "di sana kung sinabi mo kagabi palang na malilate ka ng bangon nasabihan ko na yung driver diba!" sagot ko naman sa kanya. "bakit alam ko bang malilate ako ng bangon?" inis namang sagot niya sa'kin. "oh hindi mo nga alam na malilate ka ng bangon, ako pa kaya!" inis ding sabi ko sa kanya na sinabayan ko pa ng irap. "pakinig na nga lang ng music nang lumamig-lamig naman yung ulo ko." sabi ko sa sabay pindot ng switch ng stereo niya. "wow ah, ikaw pa talaga ang mainit ang ulo." inis namang sabi niya sa'kin. Ilang saglit pa ay tumugtog na ang stereo, nag umpisa na ang kantang Bakit Ba ikaw ni Michael Pangilinan
(scroll up to play the song⬆)
🎶Mula ng aking masilayan🎶
Tinataglay mong kagandahan
Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan
Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo🎵
Ay may mahal na ngang iba
🎵Ayaw nang paawat ng aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa
Masaya ka ba pag siya ang kasama
Di mo na ba ako naaalala?
Mukha mo ay bakit di ko malimot limot pa
Laman ka ng puso't isipan
Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo
Ay may mahal na ngang iba
🎵Ayaw ng paawat nang aking damdamin🎵
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa
Sa pag-ibig mo nama'y
Nagmamay-ari na
Nais ko lang malaman mo
Na minamahal kita...
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo
Ay may mahal na ngang iba
Ayaw ng paawat nang aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
🎵Maghihintay pa rin... at aasa🎵Habang pinapakinggan ko ang kanta ay hindi ko maiwasang ituon ang tingin ko kay Tyrone, na nung mga oras na iyon ay nasa daan lang ang tingin. Tahimik ko siyang pinagmasdan, hindi ko maiwasang isipin na ang puso ng napakaguwapong taong ito ay pag-aari na ng iba. Nakakalungkot isiping ang taong pinakasalan ko ay iba ang gusto, at alam ko na kung may choice lang siya, siguradong ako ang ileletgo niya, para makasama si Laura.
Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa University. Pag pasok na pagpasok palang namin sa gate ay dire-diretso na itong naglakad palayo. Para bang wala siyang kasama, mistula lang akong invisible para sa kanya. Ano nga ba naman kasing aasahan ko sa kanya, eh bigla lang naman akong sumulpot sa buhay niya nang wala man lang warning. Sinundan ko lang siya ng tingin pagkatapos ay dire-diretso na rin akong nag lakad papunta sa room namin. "Mrs. Dela torre would you please explain to me why you're late" naka krus pa ang mga brasong bungad sakin ng prof ko nang makita ako. "s-sorry po sir na stucked kasi kami sa traffic eh." sagot ko naman sa kanya. "so traffic pa ba ang mag-aadjust para sa'yo?" nakataas pa ang kilay na tanong niya sa'kin. "s-sorry po sir, late na kasi nagising yung driver ko eh," muling sagot ko. "I don't consider that as a valid reason, there are a lot of ways para makarating ka dito on time kahit wala pang tulong ng driver mo." aniya sa'kin. "sorry po, hindi na mauulit." sagot ko sa kanya pagkatapos ay naupo na ako sa gitna nina Melanie at Charles. "it's because of Tyrone isn't it?" bulong sa'kin ni Charles. Tumango lang ako bilang tugon sa tanong niya. Katulad ng dati ay kasabay ko nanaman sina Charles at Melanie palabas ng gate.
<NARRATOR>
Tahimik lang si Tyrone na naghihintay sa labas ng gate, tulad ng dati ay nauna na naman siyang lumabas kay Nia kaya medyo aburido nanaman siya. "how long do I need to do this, hindi pa kasi ipahatid nalang sa driver yung babaeng iyon eh,"inis niyang bulong sa sarili. Ilang saglit pa ay nakita niya na itong palabas kasama ang kaibigan niyang si Charles at ang isa pang kaklase nila. Masaya pang nagtatawanan ang tatlo. "how can she laugh like that when I feel miserable here waiting for her," sa isip-isip niya. Tapos ay nakita pa niya nang biglang kilitiin si Nia ni Charles sa batok, tawa naman ito ng tawa habang umiiwas kay Charles. Hindi niya maintindahan pero hindi niya talaga gusto ang eksenang nakikita niya. Ilang saglit pa ay nakarating na ito sa kinaroroonan niya. "kanina ka pa diyan?" nakangiti pang sabi nito sa kanya. Nasa likuran din nito si Charles. "obvious ba!" inis na sabi niya dito. "hi pre" nakangiting bati muli sa kanya ni Charles. "oh kamusta!" nakangiti namang tugon niya dito. "okay lang, late ka no ?" anito "oo ,napahaba kasi yung conversation namin ni Laura kagabi eh" nakangiti namang sagot niya dito.
<NIA's POV>
Kaya pala ako nalate dahil sa pakikipag-usap niya lang sa phone sa girlfriend niya, hindi niya man lang ba naisip na importante sa akin ang pag aaral ko? Hindi ko maitanggi sa sarili ko na nasasaktan ako sa rebelasyon niyang iyon. Sa inis ko, dire-diretso na akong sumakay sa kotse niya.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagmamaneho niya nang bigla siyang magsalita. "mukhang lumilevel up na kayo ni Charles ah," aniya. "mabait kasi siya, kahit sa impakto nakikipag kaibigan" sagot ko naman sa kanya. Halata namang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko na iyon. "what did you say?" inis niyang tanong sa'kin. "sinabi ko na uulitin ko pa? Ang tanga naman ng tainga mo." sarkastiko kong sagot sa kanya. "suwerte mo nga may ganyan kang kaibigan eh,"anas ko pa sa kanya. "alam mo ikaw, pag hindi ako nakapag timpi sa'yo papatulan na talaga kita." halatang galit niya pang sabi sa'kin habang patuloy sa pagmamaneho "bilang ng may paki." sarkastiko paring sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya nang biglang magring ang phone niya. Ikinabit niya ang earphone sa tainga " Hello babe, napatawag ka?" aniya. Hindi ko naman ineexpect ang bagay na yun. Para siyang maamong tupa sa pagsasalita. " I'm already on my way home na eh." Narinig ko pang sabi niya. Hindi ko naman marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya dahil nga naka earphone siya. " I'll make it up to you nalang next time." nakangiti pang sabi niya. Hindi ko mapigilan na pasimple mag make face habang mini mimic yung mga sinasabi niya. Hindi niya naman ako nakikita dahil naka diretso lang sa daan ang mga mata niya. " oh sige bye na, I love you too." parang sampal sa'kin nang marinig ang sinabi niyang iyon. Pag dating namin sa bahay ay nagpatuloy nanaman ang pagtatalo namin. "alam mo bang napagalitan ako ng prof ko dahil sa'yo, " inis kong sabi sa kanya. "ba't sino ba kasing nagsabi sa'yo na hintayin mo ako?" medyo mataas na din ang boses na sagot niya sa'kin. "huh! Nag iisip ka ba, nakita mo na ngang sa'yo ako sumasabay eh," inis namang sagot ko sa kanya. "di dapat kung wala kang lakas ng loob na magpahatid sa driver, nag commute ka nalang, ginagawa mo naman dati yun diba?" nainis ako sa sinabi niyang iyon kaya hindi na ako sumagot pa. Dire-diretso lang akong naglakad papasok sa kuwarto ko at pagkatapos ay pabalibag na isinara ang pinto. Dumapa sa kama ko at doon ko na pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Luhang kanina pa gustung lumabas mula nang marinig kong nalate siya ng gising dahil sa pagpupuyat sa pakikipag-usap kay Laura sa phone. Luhang nagpupumilit umagos nang kausapin niya ito sa cellphone, dahil kung ga'no siya kasweet kausapin ito,ay kabaliktaran naman ang sa'kin. Ilang saglit pa ay biglang nagring ang cellphone ko. Nakita kong ang tumatawag ay walang iba kundi si Melanie. "hello" sinisinuk-sinok pa ako habang nagsasalita. "umiiyak ka ba?" tanong niya sa'kin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinabi ko na sa kanya ang totoong nangyari. Sinabi ko sa kanya na nalate ako dahil napuyat si Tyrone sa pakikipag usap kay Laura sa phone. Na tahasan siyang nagsabi ng I love you dito kahit pa nakikinig ako. "alam mo ba kung anong nangyayari sa'yo Nia?" biglang sabi niya sa'kin "h-hindi,ano ba?" sabi ko naman sa kanya habang nasa pagitan parin ng pag-iyak " ano pa, eh di inlove ka na, in-love ka sa asawa mo" saglit akong natigilan sa sinabi niyang iyon " a-ako? Hindi ah, ayoko sa impakto" tanggi ko naman kahit pa sinisinuk-sinok parin ako sa kakaiyak. "ano ka ba, hindi ka magkakaganyan kung wala kang nararamdaman para sa kanya." sagot niya naman saakin. "hindi ako puwedeng magkagusto sa kanya, kasi may mahal na siyang iba." sa puntong iyon ay lalong napalakas ang hikbi ko. "hindi maiiwasan yan,kusa lang yang nararamdaman, at saka karapatan mong mahalin siya dahil kayo ang kasal." sabi niya naman sa'kin. Nang matapos ang usapan namin ni Melanie ay hindi parin ako matahimik, pa'no nga kung nahulog na pala ang loob ko kay Tyrone? Pa'no ko iiwasang huwag masaktan? Ngayon nga lang mahirap na, pa'no pa kaya pag nagtagal. Naitakip ko nalang ang unan sa mukha ko at nagpatuloy sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomansaPaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...