<NIA's POV>
Matapos ang bakasyong iyon ay marami nang nagbago sa samahan namin ni Tyrone, hindi na kami nag-aaway tulad ng dati. Palagi rin siyang may mga surprises sa'kin, madalas kaming magdate, mamasyal, pumunta kahit saan, yun nga lang, hindi na rin ako nakakasabay kina Charles at Melanie para mamasyal dahil hatid sundo niya ako. "mukhang okay na yung relasyon ninyo ng asawa mo ah," nakangiting sabi sakin ni Melanie. "oo nga eh, ibang-iba na siya ngayon hindi katulad ng dati."nakangiting sagot ko naman sa kanya. "eh, pano si Laura wala na ba sila?" bigla akong natigilan sa tanong niyang iyon. "w-wala siyang sinabi sakin." sagot ko naman sa kanya. "pero siguro naman wala na sila nun,hindi ko na naman sila nakikitang magkasama eh." dagdag ko pa. "kunsabagay," sagot niya naman sa'kin.
Ang bilis ng panahon,hindi ko namalayan na mag iisang taon na pala ang lumipas mula ng ikasal kami. Ngayon ay abala nanaman ang lahat, dahil sa nalalapit na SONA. "malapit na ang SONA ng daddy mo punta tayo ha?" hindi nakaimik si Tyrone nang sabihin ko iyon sa kanya habang kumakain kami sa labas. "ano namang gagawin natin dun," aniya sa'kin. "ano kaba! Siyempre importante na suportahan mo ang daddy mo." sabi ko naman sa kanya. Hindi siya umiimik. Hanggang dumating nga ang araw ng SONA, bihis na bihis na ang mommy niya, "ano let's go na," sabi sakin nito pareho kaming nakabihis ng filipiniana na gown. "s-si Tyrone po wala pa eh," sabi ko naman sa kanya. "I don't think pupunta yun." malungkot namang tugon nito. Ilang sandali pa ay dumating ang sasakyan ni Tyrone. Na sorpresa kami lalo na ang mommy niya ng makita siyang bumaba sa sasakyan na nakasuot ng barong. "T-Tyrone, where are you going?" hindi parin makapaniwalang tanong ng mommy niya sa kanya. "sa SONA" nakangiting sagot niya dito. Napaiyak naman ang mommy niya sa tuwa dahil sa sinabi niyang iyon.
<NARRATOR>
"wow Vivianne, you look stunning" tuwang-tuwang bati sa kanya ng isa sa mga guess sa gaganaping SONA. "thank you," nakangiti namang sagot niya dito. "by the way this is my family, Tyrone my oldest and his wife Nia and this is my daughter Tamara." aniya. Hawak-hawak ni Tyrone ang kamay ni Nia "what a gorgeous family, at ang galing niyo ring pumili ng mapapangasawa ng anak niyo ha!" manghang mang hang sabi nito, lalo namang humigpit ang pagkakahawak ni Tyrone sa kamay ni Nia. "thank you" nakangiti namang tugon ni Vivianne dito. Napakaraming pulis at mga taong ngrarally, ilang saglit pa ay lumapag na ang helicopter kung saan nakasakay ang pangulo, sinalubong ito ng chief of staff, and sgt. at arms at pagkatapos ng end of honor guards formation ay sinalubong naman siya ng house speaker.Habang naglalakad siya patungo sa rostrum ay biglang napako ang mata niya sa kanyang pamilya, hindi siya makapaniwala nang mamataang naroon din ang anak niyang si Tyrone. Matapos awitin ang pambansang awit at magdasal ang lahat ay nag-umpisa na ang kanyang talumpati.
Hindi naman maitatago kay Tyrone ang pagkamangha sa ama,hindi niya inakalang tatlong taon ang pinalampas niya. Yun ang unang pagkakataon na humanga siya dito. Doon niya lang napagtanto kung bakit matagal na nitong hinihingi ang suporta niya, dahil hindi biro ang ginagawa nito.
Nang matapos ang SONA ay isa-isang kinamayan ng pangulo ang mga bisita. Hindi niya natiis at nilapitan niya ang ama. "dad," lumingon ito sa kinaroroonan niya. "son, I'm glad you came" nakangiting sabi nito sa kanya. "dad, I'm so proud of you," nakangiting sabi niya dito. Nayakap naman siya ng ama sa labis na galak. Tuwang -tuwa si Nia sa nasaksihan, masaya siyang makitang magkasundo na ang asawa at ang ama nito. Sa tingin niya ay napaka perfect na nang lahat, walang katumbas ang kaligayahang kanyang nararamdaan nang mga oras na iyon. Pero sabi nga, pag sobrang saya mo daw ay may darating na labis na kalungkutan. At parang hindi siya pinalampas nito...
<NIA's POV>
" hindi ako makakapasok bukas, so magpahatid ka nalang muna sa driver." sabi sa'kin ni Tyrone kinagabihan,habang nanonood kami ng tv sa sala"bakit? Anong meron?" tanong ko naman sa kanya. "may pinakisuyo kasi sa'kin si dad eh," aniya. "ano naman yun?" kunot noong tanong ko sa kanya. "basta" sagot niya naman sa'kin. "sige,na nga," sabi ko. "I'll try na sunduin ka bukas," nakangiti pang sabi niya sa'kin. "okay sige."muling sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi "ikaw ha magnanakaw ka" sabi ko naman na sinabayan ko pa ng mahinang hampas sa balikat niya.
Gaya nga ng sinabi niya sa'kin ay nagpahatid nalang ako sa driver papasok sa school, maaga pa kasi nung umalis si Tyrone, hindi niya parin talaga sinabi sa'kin kung saan siya pupunta.
Kinahapunan nang mag-uuwian na ay sinabayan ako ni Charles sa paglalakad. Kaklase ko parin siya at si Melanie ngayong taon dahil pareho lang naman ang course na tinitake namin, yun nga lang hindi na kami nag kakasabay kumain oh maglakad palabas dahil laging nakabantay si Tyrone. "oh Charles kamusta?" bati ko sa kanya. "hi, uuwe kana ba agad?" tanong niya sa'kin. "oo, wala naman akong gagawin dito eh," sagot ko "gusto mo bang sumabay sa'kin?" tanong niya "thank you, kaso lang dadating si Tyrone eh, susunduin niya daw ako." nakangiti kong sagot sa kanya. "ah ganun ba, sige mauna na ako." paalam niya sa'kin,batid ko namang malungkot siya sa pagtanggi ko, kaso lang ayoko kasing pag mulan nanaman ito ng away namin ni Tyrone.Pero bigla akong sinalubong ni Laura habang naglalakad. "can we talk?" aniya. "tungkol saan nanaman ba yan?" inis kong tanong sa kanya. "don't worry saglit lang to." aniya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit pinagbigyan ko nanaman siya. Dinala niya ako sa lugar na wala masyadong tao. "anong ginagawa natin dito?" kunot noong tanong ko sa kanya. "lumalapit pa rin ba sayo si Charles?" tanong niya sakin. "o bakit anong masama dun?" tanong ko sa kanya. "well, yun kasi ang pakiusap sa kanya ni Tyrone, na lapitan ka." nagtaka ako sa sinabi niyang iyon. "a-anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong ko sa kanya. Sarkastiko siyang ngumiti sa'kin pagkatapos ay muling nagsalita. "don't you get it? Kinausap ni Tyrone si Charles para kunin ang loob mo, nang magkaron siya ng dahilan para idivorce ka." aniya sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya saka muling nagsalita. "ganyan ka na ba talaga kadesperada para balikan ni Tyrone? Ano sa tingin mo maniniwala ako sayo." sabi ko pa. Tatalikod na sana ako nang bigla niyang ilabas ang cellphone niya at I play ang recording nito. "don't worry babe, everything will be okay soon, kumikilos na si Charles, in fact magkasama na nga sila kanina sa mall eh,kaunting tiis nalang at malapit na siyang mawala sa landas natin, and we can get married right after graduation" .Halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa nalaman kong iyon. Walang anu-ano ay dali-dali akong lumabas at iniwan si Laura. Hindi ko alam kung ano ang iisipin nang mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomansaPaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...