<NARRATOR>
Kinausap ni Vivianne ang asawang si Gardo isang gabi habang nasa kuwarto nila. "bakit kaya hindi muna tayo mag bakasyon?" aniya dito. "masyado akong busy,alam mo naman na marami akong bagay na dapat unahin kesa sa pagpapakasaya." sagot naman nito sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago muling nagsalita. "I know, pero bigyan mo naman ang sarili mo ng chance para mag-enjoy, and also para kahit paano ay mabigyan mo ng panahon ang mga anak mo, lalo na si Tyrone. Kelan ka ba huling nagbakasyon kasama sila?" aniya dito. "Gardo mula nang maupo ka sa puwesto ay hindi ka pa nagkaron ng chance para makapagbakasyon kasama sila, kaya lumayo ang loob ni Tyrone sayo, kahit man lang sana doon ay makabawi ka sa kanya." malumanay niyang sabi. Bahagya muna siyang nag-isip. Naisip niyang may punto din naman ang asawa sa sinabi nito. Kung tutuusin naman ay matagal-tagal na din siyang hindi nakakapag bakasyon, kung mayroon man, iyon ay ang mga lakad niya sa labas ng bansa para makipag pulong sa mga pinuno nito. Bumuntong hininga muna siya saka muling nagsalita. "I guess you're right. Besides matagal-tagal na rin naman nung huli akong magbakasyon kasama ang buong pamilya." napangiti naman ang asawa niya sa sinabi niyang iyon.
<NIA's POV>
Magang-maga ang mga mata ko nang sumunod na araw dahil sa kakaiyak, na agad naman napansin ni Tamara habang kumakain kaming buong pamilya. "ate Nia what happened to your eyes, did you cry?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Biglang ang mata ng mga taong kasabay kong kumakain ay nasa akin lahat,maliban kay Tyrone na patuloy lang sa pag-subo. "oo nga hija did something happen?" nag-aalala namang tanong ng daddy niya sa akin. Maging ang mommy niya ay kababakasan din ng pag-aalala sa mga titig nito. "a-ah, wala po 'to, na miss ko lang po kasi sina tatay at kuya." dahilan ko sa kanila. "ahh ganun ba,"sagot naman ng presidente. "well, may napag-usapan kami ng mommy niyo kagabi," panimula niya, tapos bahagya niya munang tinapunan ng tingin ang asawa na nakangiting nakikinig sa kanya saka muling nagpatuloy sa pagsasalita. "we're planning to have a family vacation, we're leaving tomorrow and it will last for three days."bigla namang napatigil sa pagsubo si Tyrone nang marinig ito sabay dahan-dahang tumitig sa kanyang ama. Halatang na sorpresa siya sa sinabi nito. "p-pero may pasok po kami." sagot ko naman "well, we're going to notify your school, so you don't have to worry about it." nakangiti namang sagot ng mommy ni Tyrone. "and your father and kuya are joining us."dugtong pa niya. "talaga po,naku thank you, miss na miss ko na kasi talaga sila eh," tuwang-tuwa ko namang sabi. "aren't you busy for something like that?" biglang narinig kong tanong ni Tyrone sa kanyang ama. " well actually I am, but I miss spending time with you." nakangiti nitong sagot sa kanya. Napansin ko naman ang pag-aliwalas ng mukha ni Tyrone nang sabihin ito ng ama sa kanya.
"tay, kuya" tuwang-tuwa ako ng makita sila. Isa -isa ko silang niyakap ng mahigpit. "tol, mukha ka nang tao ah," nakangiti namang sagot sa akin ni kuya na bahagya pang ginulo ang buhok ko. "tse," sagot ko naman sa kanya sabay baling kay tatay. "anak kamusta kana?" aniya sa'kin. "tatay miss na miss ko po kayo." Sagot ko naman sa kanya na muli kong niyakap ng mahigpit.
Sa isang private resort sa Palawan kami pumunta. Kami lang ang tao sa lugar na iyon. Napakaraming body guards kaming kasama para siguraduhin ang seguridad ng pangulo. Nang makarating kami doon ay naisipan muna naming kumain sa isang restaurant na nasa loob mismo ng resort, napakaganda ng buong lugar. Halatang mga mayayamang tao lang makakaafford doon, pero sa pagkakataong ito, walang ibang tao kundi kami kami lang. Masayang nag-uusap ang mga magulang namin habang kumakain. "nga pala Carding ba't hindi ka nadalaw sa'min?" tanong naman ng mommy ni Tyrone kay tatay. "masyado kasing madaming trabaho eh." sagot niya naman. "alam mo bang magang-maga ang mata niyang anak mo kahapon kakaiyak dahil na mimiss ka daw," nagulat naman ako nang sabihin iyon ni President. Napatingin naman si tatay sa akin "naku pasensiya ka na anak masyado lang talagang maraming ginagawa ang tatay kaya ganun." ngumiti nalang ako, namiss ko rin naman si tatay, pero ang totoong dahilan talaga kung bakit ako umiyak ay dahil kay Tyrone. Bigla nanaman tuloy sumagi sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Melanie, baka nga talagang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pero parang wala naman siyang pakialam, ngayon nga lang ay ginugugol niya ang oras sa pag kalikot ng cellphone. "bakit hindi ka nalang kaya mag trabaho para sa'kin, bibigyan kita ng puwesto sa malacanang,para naman hindi ka nahihirapan." walang-anu ano'y alok naman ni President kay tatay. "ay naku, hindi na, masaya naman ako sa ginagawa ko eh, kung gusto mo patawag mo nalang ako pag may kailangang kumpunihin." nagkatawanan naman sila sa sinabing iyon ni tatay. "by the way ,ate Nia share tayo ng room ha?" bigla namang sambit ni Tamara habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. "no honey, you will be sharing a room with us." malumanay namang sagot ng mommy niya sa kanya. Pero nagulantang ako sa sumunod niyang sinabi. "ate Nia and kuya will be sharing the same room." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Maging si Tyrone ay gulat na gulat sa sinabi niyang iyon. Wala namang reaksiyon ang presidente, habang maging si tatay at si kuya ay nagulat din. "akala ko ba hindi muna sila magtatabi hangga't hindi pa sila nagtatapos?" nagtatakang tanong ni tatay sa kanya. "well, napag-usapan na namin yan ni Vivianne kagabi, doon din naman sila pupunta pagdating ng araw, saka isa pa nasa tamang edad na din naman sila eh." sagot naman ni President. Bigla nanamang dumagundong ng malakas ang dibdib ko, hindi ko maintindihan, pakiramdam ko ay tatalon ang puso ko palabas ng dibdib ko, pinipilit kong I sync in sa utak ko yung pinag uusapan nila. "but mom, dad we can't be in the same room, marami namang kwarto dito bakit kailangan pa naming magsama sa isang room?" halata rin ang pagkabigla ni Tyrone sa tanong niyang iyon sa mga magulang. "you're already married, you should prepare yourselves to stay in the same room." mariing sagot ng mommy niya sa aming dalawa. "kunsabagay may punto kayo." sang-ayon naman ni tatay. Hindi ko mapigilan na mailang, tulad ng dati ay wala nanaman kaming nagawa,mga magulang nanaman namin ang nasunod.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomancePaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...