Part 5

6.3K 123 0
                                    

<NIA's POV>

Nang sumunod na araw ay naibalita sa TV ang nangyari sa bar kung saan nasangkot din ako. May isa palang kumuha ng video tungkol sa gulong nangyari doon at ipinadala ito sa media. Buti nalang hindi ako nakunan,hindi ko kasi sinabi kay tatay yung nangyari dahil sigurado ako na mayayari ako sa kanya. Pero kahit paano nama'y   nakaramdam din ako ng guilt habang pinapanood yung balita. Sa'kin kasi nag simula yung gulong yon. "bakit,kasalanan niya naman ah,papasok-pasok siya sa cr ng babae."sabi ko nalang sa sarili ko. 


<NARRATOR >

"sumusobra kana talaga Tyrone,sinasagad mo na talaga yung pasensiya ko!"galit na galit nanamang sermon kay Tyrone ng daddy niya nung ipatawag siya sa opisina nito. Mababakas pa sa mukha niya ang pasa dahil sa pagkakasuntok sa kanya ni Troy. "it was not my fault dad, masyado lang kasing o.a yung babae dun sa bar," katwiran niya pa sa ama. "natural,magagalit talaga yun,ikaw ba naman ang pumasok sa cr ng babae eh," sagot naman ng kanyang ama sa kanya. Humugot muna ng malalim na buntong hininga ang kanyang ama saka muling nagsalita. "sige na makakaalis kana.Dahil pag-iisipan ko pa kung anong gagawin ko sa'yo." nagtaka siya dito,kasi wala itong masyadong sinabe sa kanya. Paglabas niya ng pinto ay nakasalubong niya ang mommy niya. "tignan mo na yung ginawa mo!"parang nanunumbat pang sabi nito sa kanya. Paglabas niya ay ito naman ang  pumasok sa opisina ng daddy niya. "I don't know what to do with your son anymore Edgardo."nag-aalalang sabi nito sa kanya."Vivianne,sobra na ang ginagawa ng anak mo,kapag hinayaan natin siyang ganyan habang buhay siyang magiging iresponsable."sagot naman niya sa  asawa. "kailangan nating gumawa ng hakbang." dugtong pa niya. "so what do you suggest to do?" tanong  naman nito.Huminga muna siya ng malalim at tinitigan ito ng diretso sa mata saka nagsalita "we need to arrange a marriage for him" nagulat naman si Vivianne sa sinabi niyang iyon. "what?"nanlalaki ang mata at  hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "yun lang ang naiisip kong paraan para magtino yang anak mo,para matuto siyang maging responsable." paliwanag niya sa asawa. "wala na bang ibang paraan? bata pa ang anak mo at nag-aaral pa siya." tutol niya. "I know, pero sa ikinikilos niya,maaring masira ang buhay niya,lalo't napakarebelde niya na ngayon." sabi niya dito. "san naman tayo kukuha ng mapapangasawa niya?" tanong nito. "well,anak siya ng isang matalik kong kaibigan, kelan lang naghire ako ng isang private investigator para ipahanap siya,at iimbitahan ko siya dito bukas. kilala mo siya" nakangiting sagot niya dito. Hindi nalang umimik si Vivianne sa sinabe ng asawa at sinang-ayunan na lamang niya ito.

<NIA's POV> 

Abala ako sa gawaing bahay kinabukasan,wala nanaman kasi ang batugan kong kapatid. Hayun nambababae nanaman yata. Hay naku,ang hirap talaga pag ikaw lang ang babae sa bahay ninyo. Mayamaya ay nagulat ako ng humahangos na dumating si tatay. "Nia,Nia, kuha mo nga muna ako ng tubig."ako naman si panic ay dali-daling kumuha ng isang basong tubig at iniabot ito sa kanya. "bakit po tay anong nangyari?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nilagok muna niya ang ibinigay kong tubig saka nagsalita. "n-nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa Palasyo ng Malakanyang,gusto daw akong kausapin ng Presidente ng Pilipinas at pinapasama ka."humahangos paring sabi niya. Bigla tuloy akong kinabahan "hindi kaya nalaman ng presidente na ako ang dahilan kaya nasangkot sa gulo ang anak niya?" sa isip-isip ko.  "k-kelan naman daw po  yun?" tanong ko naman sa kanya. "mamayang hapon daw." sagot naman ni Tatay sa'kin. "naku patay!"sa isip-isip ko,pero hindi,sasabihin ko sa kanila ang totoong nangyari. Bakit kasalanan naman talaga ng Tyrone na yun ah!

At dumating nga kami ni tatay sa palasyo ng Malakanyang. Sinamahan kami papunta sa opisina ng presidente. Manghang mangha ako sa itsura nito,napakalaki .May mga portrait ng lahat ng naging pangulo ng bansa. Lumapit kami sa lalaking nakaupo sa isang desk. Walang iba kundi ang presidente mismo.Sa likod niya ay nakasabit ang simbulo na may nakaukit na pangulo ng pilipinas,sa desk niya naman ay may nakapatong na name plate at nakaukit ang pangalang EDGARDO DELA TORRE, PRESIDENT. Ngumiti siya nang makita kami at sinenyasan kaming maupo sa silyang katapat ng desk nito. Halata naman sa mukha ni tatay ang excitement,tuwang tuwa itong umupo at ngumiti pa sa presidente. "kamusta kana Gardo?" tanong niya dito. Medyo nahiya naman ako sa tinurang iyon ni tatay. Sanay na ako na nagyayabang siya sa mga kaibigan niya na kilala niya yung presidente,pero talagang feeling close pa siya sa presidente mismo. Nakita kong ngumiti lang ito sa tatay ko "ayos lang ako Carding,tagal din nating hindi nagkita ah,ito naba si Nia? aba'y dalaga na." napanganga ako,magkakilala nga sila ni tatay, pero teka,bakit pati ako kilala niya? Tila nabasa naman  nito ang iniisip ko. "bata ka pa lang kasi nung huli kitang makita,gumagapang ka palang."sabi naman nito sa'kin. "si Tyrone din anlaki na,ah,kailan lang ay napanood ko sa balita naku napaka guwapong bata,manang-mana sa'yo." mas nagulat ako sa sinabing yun ni tatay, kilala niya rin yung impaktong yun,grabe hindi ko kinakaya yung mga nangyayari ah,  "actually,yun din ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag dito ng anak mo." naku ito na,sasabihin niya na yata na sangkot ako sa gulo sa bar, napansin ko na bumuntong hininga muna ito bago dugtungan ang sinasabi niya. "naalala mo ba yung pinag usapan natin nung minsang magkasama nating ipinasyal si Nia at Tyrone sa park nung mga bata palang sila?"tanong niya kay tatay. "yun ba yung paglaki nila eh,ipagkakasundo natin silang dalawa?" what? ano bang pinag-uusapan ng dalawang 'to? naguguluhan na talaga ako. "oo,yun,tutal nasa edad narin sila,puwede na nating i arrange yung kasal nila."ano daw?kasal,wait lang may mali yata dito ah, "a-ano pong ibig ninyong sabihin?" hindi ko na natiis kaya nagsalita na ako. "hija,nasa tamang edad ka naman na para magpakasal kaya tutuparin na namin ng tatay mo ang napag-usapan namin noon."hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon, wala pa nga akong boyfriend eh,tapos biglang nagkaron ako ng fiance,pinaglololoko ba ako nang mga 'to? "kunsabagay,siguro nga panahon na para tuparin natin ang napag-usapan natin noon,masaya akong maging balae ka."hala siya,si tatay oh,talagang um-agree pa ha,ni hindi man lang hiningi yung opinyon ko.  Hindi na ako nakatiis kaya muli akong nagsalita. "p-pero bata pa po ako,saka nag-aaral pa ako."sabi ko. "well,okay lang 'yan,puwede ka namang mag-aral kahit kasal kana. Wala namang problema dun. " sabi parin sa'kin ng presidente. Tinignan ko si tatay,nagmamakaawa ang mukha ko sa kanya. Pero sa halip,ngumiti lang siya sa'kin. aaaahhhh,hindi ko na talaga alam,anong nangyayari....

My Arranged Marriage With The  President's Son  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon