Lasing na lasing si Tyrone nang maka-uwe siya sa kanila. Inaalalayan siya ng mga body guards dahil halos hindi na siya makahakbang sa sobrang kalasingan. "my god tyrone! ano bang pinag gagawa mo?" sermon sa kanya ng kanyang ina nang makita nito ang sitwasyon niya. "hi mom"nakangiti lang na bati niya dito. "take him to his room,"utos nito sa mga bodyguards.Nang maihatid na siya sa kanyang kuwarto ay sinenyasan na ng mommy niya ang mga body guards na lumabas, nagpaiwan naman ito sa loob . "what's going on with you! sumusobra kana talaga, alam mong SONA ngayon ng daddy mo,pero sa halip na dumalo ka at suportahan siya, nandun ka ,nag-eenjoy kasama ng mga kaibigan mo!" sermon nito sa kanya. "well ma, hindi na ako kailangan ni daddy, kasi marami naman siyang supporters,"aniya sa lasing na boses. nakaupo siya nun sa kanyang kama at nakayuko ang ulo,bagsak ang balikat dahil sa labis na kalasingan. "you're too much! sumusobra na talaga yang pagiging rebelde mo, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo,"nanggagalaiting sabi ng mommy niya sa kanya, na dahil sa sobrang inis ay iniwan na lang siya sa loob ng kanyang kuwarto. Kahit pangulo na ng bansa ang kanyang ama,tumanggi itong manirahan sa Palasyo ng malakanyang, mas pinili nilang manirahan lang sa kalapit na gusali nito. Dahil din sa position ng daddy niya sa bansa ay nag-assign din ito ng body guard para sa kanya at sa nakababata niyang kapatid na si Tamara.
Kinabukasan ay pinatawag si Tyrone ng daddy niya sa opisina nito. "I heard what you did last night!" panimula nito . Halatang galit ang ekspresyon ng mukha nito. "why,what did I do?"pag-mamaang maangan niya,habang pinaglalaruan ang name plate nito. "do not play dumb with me!" anito sabay agaw ng name plate mula sa kanya at ipinatong itong muli sa desk. "I'm not playing dumb with you, I just don't have any idea what you're talking about" sarkastiko niyang sabi dito. Bumuntong hininga nalang ito saka muling nagsalita. "you know how important that day for me, yet inuna mo parin yung mga barkada mo! " sermon nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang katatapos lang na SONA nito. "I was just having fun with them,wala naman sigurong masama dun,besides marami ka namang supporters, and you are also having fun, so...we're even, right?"sarkastiko niya paring sagot dito. "huwag mong sagarin ang pasensiya ko Tyrone," may halong pagbabantang sabi nito sa kanya. "You have to understand that I am not playing a game here, I am running a country." dagdag pa nito. "huh! how about running a family ,did you even think about that ?" naihampas na lang ng ama niya ang kamao sa desk nito sa galit sa kanya. "I warn you, isang beses pa na gumawa ka ng kabal-balan bibigyan kita ng parusang hindi mo magugustuhan," muling pagbabanta nito sa kanya. "huh!what's the worse that could happen,"muling sagot niya dito na sinabayan niya pa ng sarkastikong tawa. Pagkatapos huminga lang siya ng malalim sabay tumayo."okay I'm done here, I have to go see my friends." aniya sabay dire-diretsong lumakad palabas. "Tyrone I'm not done with you yet!"sigaw pa ng kanyang ama sa kanya. pero binalewala niya lang ito. Hindi naman talaga ganun ang relasyon nilang mag-ama dati,sobrang idol niya nga yung daddy niya,nagkaroon lang ng lamat ang relasyon nila mula nang mahalal ito bilang presidente ng Pilipinas . Wala na rin kasi itong oras para sa kanila,dahil puro pagpapatakbo nalang ng bansa ang iniisip nito.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomancePaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...