"tay,bakit ka naman pumayag na ipagkasundo ako ng kasal dun sa anak ni president?" naiinis na tanong ko kay tatay nang makauwi na kami sa bahay. Hindi na kasi ako nakapagsalita pa kanina dahil baka isipin bastos ako,kaya sila nalang ni tatay ang nag-usap, ito pa, balak nilang mamanhikan dito sa bahay namin nextweek agad. Grabe,nag poprotesta ang damdamin ko pero mistula akong pipi kanina.Inakbayan muna ako ni tatay saka siya nagsalita "anak,maganda naman yung offer sa'yo,saka para din 'to sa kinabukasan mo." paliwanag niya sa'kin. "Pero tay,nag-aaral naman po ako ah,scholar naman po ako,kaya sigurado akong pagnakapagtapos ako magiging maganda rin ang future ko.Wala na po ba kayong tiwala sa'kin?" paghihimutok ko. "hindi naman sa ganun anak,pero isipin mo,dito sigurado ka na magkakaro'n ka ng magandang buhay ." paliwanag parin niya sa'kin.Teka lang,parang hindi yata naiintindihan ng tatay ko na kalayaan ko ang nakasalalay dito.Pinagkrus ko ang mga braso ko saka nagsalita"ah basta,hindi ako magpapakasal,"nakasimangot pang sabi ko,tapos nun ay tumayo na ako at nagkulong sa kuwarto.
<NARRATOR>
Sabay na nag dinner ang buong pamilya ni Tyrone,nung oras na yun ay kasabay nila ang kanilang ama na napakadalang mangyari mula nang mahalal ito bilang pangulo ng bansa. Habang kumakain sila ay bigla itong nagsalita. "Tyrone, I want you to cancel all your appointment by friday nextweek."sabi niya. "why?"nagtatakang tanong niya sa ama. "may lakad tayo."sagot naman nito sa kanya. Tahimik lang ang kanyang ina,bagama't lihim itong kinakabahan. Alam niya na kasi na hindi magiging maganda ang pag-uusap na iyon nilang mag-ama pag sinabe na nito ang dahilan. "huh,really kasama ka?" hindi makapaniwalang tanong niya sa ama. "yes,buong pamilya."sagot nito. "why? whats the occassion?"nagtataka parin niyang tanong sa ama. Humugot muna ito ng malalim na buntong hininga saka nagsalita. "mamamanhikan ka." nagulat siya sa sinabe nito. "I don't remember proposing to Laura."kunot noong sabi niya dito. "no,hindi si Laura, you'll be marrying another woman in 2 weeks." anito. Gulantang siya sa sinabing iyon ng kanyang ama, "you've got to be kidding me!"naibulalas niya. "no I'm not,you're at the right age already, so it's about time for you to settle down."seryoso ang mukhang sabi nito sa kanya. "dad! aside from the fact that I am still studying I also have a girlfriend,you have no right para magdecide nalang na ipakasal ako kung kani-kanino!"galit na sabi niya sa ama. "it's okay,nag-aaral pa din naman yung mapapangasawa mo,"blangko lang ang expression ng mukha ng daddy niya, bumaling siya sa kanyang ina umaasang tututol din ito sa plano ng kanyang ama pero hindi ito umiimik. Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga at pinilit na pakalmahin ang kanyang sarili saka muling nagsalita. "alright,if you really want me to settle down it's okay,I'm gonna propose to Laura."aniya sa ama na pilit paring pinapakalma ang sarili. "I don't like that woman for you, hindi siya magandang impluwensiya sa'yo. Nakapili na ako ng babaeng pakakasalan mo."pagmamatigas nito "what! I can't believe this, so what do you want me to do with laura,dump her?"mataas na ang boses na sabi niya dito. "yes!" diretsong sagot naman nito sa kanya. "huh! I can't believe this,mom can you please say something?" baling niya sa kanyang ina,umaasa na ipagtanggol siya nito,pero wala siyang nakuhang sagot mula dito. "no! I won't do what you want!" mariin niyang sabi sa ama. "fine,you have the right na pumili ng taong pakakasalan mo"kalmadong sabi nito sa kanya. "but then, you'll need to surrender your car, I will cancel your cards, and you will need to leave this house." dagdag pa nito. "you don't mean it!" galit paring sagot niya sa ama "well,try me" nanghahamon naman nitong sagot sa kanya. Sa galit niya ay naitulak niya ang plato niya,dahilan para tumilapon ang laman nito,pagkatapos ay nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya, at pabalibag na isinara ang pinto nito,napasalampak siya sa kama niya "damn!" galit niyang sabi at naihilamos ang kamay sa kanyang mukha.
"do you think it's the right decision?"nag-aalalang tanong ni Vivianne sa asawa niya. "yes! that's the only way para tumino siya.He left me with no choice Vivianne,I already gave him all the favor that I could, but then look what he did,"sagot niya lang sa asawa. Nasa dining table parin sila nung mga oras na yun. Si Tamara naman ay tahimik lang na nakikinig sa mga magulang,hindi niya kasi ugaling makisawsaw sa usapan ng matatanda,sa edad niyang sampu. Pero nung nasa kuwarto na siya, binuksan niya nalang ang diary niya at doon isinulat ang kanyang saloobin.
dad and kuya was fighting while we were having our dinner,.Kuya got mad because dad told him that he needs to get married. I am so sad because of the way they were treating each other .they were not like that before,they used to be bestfriend.... but now ,they treat each other as if they're complete strangers.
Maya-maya ay nakarinig si Tamara ng mahinang katok mula sa kanyang kuwarto,pag -bukas niya ay bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang ina. Nakangiti ito sa kanya. "how are you darling" anito. "I'm okay mom," sagot niya naman dito. "we'll you don't look okay,has there something bothering you?" tanong pa nito sa kanya. Naupo muna siya sa kama niya, tinabihan naman siya ng kanyang ina habang naghihintay sa kung anong isasagot niya. Pagkatapos ay malungkot siyang nagsalita "I'm just worried about kuya and daddy, para kasing they don't know each other na." aniya.Napangiti naman ang mommy niya sa sinabi niya "come here,"anito sabay yakap sa kanya. "It may be a tough year for us,but I know that it will be okay soon,so don't worry na okay?"pang-aalo naman nito sa kanya. "okay mom" sagot niya naman dito.
Nang mahimasmasan na si Tyrone ay nagbihis siya at naisipan nang lumabas. Makikipagkita siya ngayon sa mga kaibigan niya. Pero hindi pa man siya nakakalabas sa pintuan ng bahay nila ay hinarang na siya ng mga body guards. "what's the meaning of this?" nagtatakang tanong niya sa mga ito. "sir,bawal daw po kayong lumabas ngayon,utos po ni president" sagot sa kanya ng isa sa mga ito. "what?"gulat na tanong niya dito. "I gave them an order na 'wag kang palalabasin hanggang sa araw ng kasal mo."narinig niyang sabi ng kanyang ama mula sa kanyang likuran. "are you insane?"inis na sabi niya dito. "no I'm not,alam ko rin kasi na hindi magiging magandang impluwensiya sa'yo ang mga barkada mo."Sarkastiko siyang tumawa sabay nag salita "so you're worried about me now,huh, eh di ba nga puro pamamalakad lang ng bansa inaatupag mo,tapos ngayon all of a sudden concern ka sa'kin,wow naman dad!" hindi na nakipag talo sa kanya ang ama. "basta,you're not going anywere until your wedding and that's final." Pagsabi nito'y tinalikuran na siya. "damn!" aniya na sa sobrang galit ay napa-suntok nalang sa pader.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomancePaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...