<NIA's POV >
Maaga kaming bumiyahe ni Tyrone sa University kung saan kami parehong nag-aaral. Dahil wala pang professor pag-dating ko, naisipan ko munang maglakad-lakad. Inilibot ko ang paningin ko sa ganda ng unibersidad. Mapaghahalatang sa ganda ng lugar na ito'y tanging mayayaman lang ang makakaafford na pumasok dito. Ang mga gusali ay napakaganda. Kung hindi ko nga lang alam na isa itong eskuwelahan, malamang napagkamalan ko na itong hotel. Agaw pansin ang napakalaking fountain sa gitna nito na napalilibutan ng naggagandahang mga bulaklak. Ultimo ang canteen nila ay mukhang restaurant sa ganda ng pagkakaayos. Bawat table ay may mga vase na may naggagandahang mga bulaklak, halatang araw-araw itong pinapalitan. Marami pang naggagandahang bagay akong nakikita. Hanggang sa paglilibot ko ay makita ko ang tatlong kalalakihang pamilyar ang mukha sa'kin na nakakumpol sa tapat ng isang classroom. Walang iba kundi si Tyrone at ang mga kaibigan niya. Mababakas na masayang nagkukuwentuhan ang tatlo bagamat hindi ko ito naririnig dahil may kalayuan ang direksyon ko sa kanila. Maya-maya pa'y may namataan akong isang babae na palapit sa kinaroroonan nila. Walang iba kundi si Laura. Nagulat ako nang makita kong hinalikan nito sa Tyrone. Alam ko sa sarili ko na kahit kasal na kami'y ito parin ang mahal niya. Pero bakit gano'n,bakit parang may kung anong kumukurot sa puso ko? Maya-maya pa'y napansin kong umalis na agad ang babae,habang si Charles naman ay nagmamadaling nag-lakad. Nakita ko siyang palapit sa direksiyon ko. Agad akong tumalikod para hindi niya mapansin. Nang makalayo na siya'y tila bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib,pero saglit lang dahil bigla kong naalala na pasok nga pala ako. Napatingin ako sa relo ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa room ko. Hindi ko na alintana kung may mabubunggo ako,oh kahit magkandadapa na ako, basta ang importante ay makarating ako sa classroom ko bago pa dumating ang prof ko. Hanggang sa sobrang pagmamadali ko'y hindi sinasadya na may mabangga ako. Pareho kaming natumba sa sahig,napadapa ako sa kanya. Laking gulat ko nang mamataan kung sino ang taong nakabangga ko,yun ay walang iba kundi si Charles. Nasa ganoon parin kaming posisyon nang magkasalubong ang mga mata namin. Dahil sa hiya ko'y dali-dali akong napatayo sabay pagpag ng palda ko. "s-sorry,hindi ko sinasadya." nakayuko kong sabi sa kanya. "o-okay ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kanya nang mapansin kong hindi parin siya nakakatayo. "akin na tulungan na kita" sabi ko sa kanya habang inilalahad ang palad ko para makatayo siya. Ilang sandali pa'y hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang tumayo. "naku pasensiya kana ha? nagmamadali kasi ako." paliwanag ko sa kanya. Sa totoo lang ay natatakot ako nang mga oras na yun, baka kasi sigawan niya ako o di kaya ay murahin dahil sa pagiging lampa ko. Pero nagulat ako nang ngumiti siya sa'kin saka nagsalita. "I'm okay,thank you for helping me." aniya. "walang anuman,kasalanan ko naman eh. Pero sure ka na okay ka lang?" nag-aalala ko paring tanong sa kanya. "yes I'm fine, hindi rin naman ako madidisgrasya kung nag-ingat ako ." nakangiti paring sabi niya sa'kin. "sure ka ha?baka mamaya kasuhan mo ako ng physical injury,sabihin mo na ng maaga para makipag-areglo na ako agad" muling sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi kong iyon. "I'm not injured,so don't worry." nakatawa namang sagot niya sa'kin. Noon ko lang napansin na napakaguwapo din pala nito. Ang cute ng maliit na dimple nito at may pagkababy face nitong mukha. "nga pala,diba magkaklase tayo?" tanong ko naman sa kanya. "oo,you're going inside na? tara sabay na tayo." aya niya sa'kin. Habang naglalakad kami papunta sa classroom namin ay hindi maiwasang maging topic sa Tyrone. "so,how are you and Tyrone doing?" tanong niya sa'kin. "ito,parehong nag-aadjust. Pareho kasi kaming shock sa nangyari."sagot ko naman sa kanya. Dahil nga naopen narin siya,hindi na ako nangimi pang itanong sa kanya ang tungkol kay Laura. "matagal na ba sila ng girlfriend niya?" tanong ko .Bahagya muna siyang nag-isip saka nag salita. "uhm,matagal na rin, if I'm not mistaken mag ti-three years na sila." anito. "nagkakilala sila sa bar kung saan kami madalas tumambay.Doon sa bar nina Rig."aniya pa. "ahh ganun ba" sabi ko naman sa kanya habang tumatango. "but is it okay for you?"kunot ang noong tanong niya naman sa akin. "ang alin?" balik tanong ko naman sa kanya. "that Tyrone and Laura are still together,kahit na kasal na kayo ni Tyrone?" aniya. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "siguro kung talagang nagmamahalan kami,at desisiyon talaga namin ang magpakasal, nag eskandalo na ako. Kaso lang kasi, arranged marriage lang naman yung nangyari sa'min. At aware naman ako na may girlfriend siya bago pa kami ikasal,kaya hindi ko sila tinututulan. Besides wala naman talaga kaming feelings para sa isa't-isa." sagot ko sa kanya. Pero sa totoo lang,nakaramdam ako ng lungkot habang sinasabi ko sa kanya ang mga katagang iyon.
Buti nalang at wala pa ang prof namin nang makarating kami sa room. Naupo ako sa tabi ni Melanie nang makapasok na ako at si Charles naman ay pumuwesto sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage With The President's Son ✔
RomantikPaano kung isang araw ay ipatawag ka ng Presidente ng Pilipinas,para bigyan ng offer na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay? Tatanggapin mo kaya? Nagulat nalang isang araw si Nia, short for Epifania Rodriguez,nang makatanggap siya at ang kanyan...