Part 13

4.8K 96 1
                                    




<NIA's POV>

Gabi na,hindi ako makapaniwala,ito na ang huling gabi ng pagiging dalaga ko. Pakiramdam ko ay judgement day na bukas. hindi ako makatulog,ni ayaw kong ipikit ang mga mata ko,naisipan ko nalang na lumabas ng kuwarto. Nagulat ako ng mabungaran ko si tatay sa sala,tinitignan niya ang mga album namin nung bata pa ako. Malungkot akong lumapit sa kanya. "tay, "sabi ko sabay upo sa tabi niya. Nagulat naman si tatay nang makita ako saka nagsalita. "oh, anak ba't gising kapa?" tanong niya sa'kin. "hindi po kasi ako makatulog,"sagot ko sa kanya. Maya-maya ay nakita kong nag-uunahan sa paggulong ang luha sa mga mata niya. "b-bakit po kayo umiiyak?" naiiyak na ring tanong ko sa kanya. "hindi kasi ako makapaniwala, parang kailan lang gumagapang ka pa. Ngayon ikakasal kana" malungkot niyang sagot sa'kin. Tuluyan na akong umiyak nang sabihin niya iyon "may oras pa naman po eh,puwede pa naman po nating iurong." sabi ko sa kanya sa pagitan ng pagluha. "ano ka ba naman anak,napag-usapan na natin yan," aniya sa'kin na hindi parin tumitigil sa pag-iyak. "joke lang po!" sagot ko sa kanya. "oh basta ang bilin ko sa'yo ha? 'wag mong susuwayin ang mga magiging biyenan mo,at respetuhin mo ang mapapangasawa mo."umiiyak paring sabi niya sa'kin. Lalo akong napahagulgol ng iyak,saka ko siya mahigpit na niyakap. Alam ko sa sarili kong isa lang sa dalawang bilin niyang iyon ang masusunod ko.

Kinabukasan ay dumating na ang mga mag-aayos sa'kin,nauna na ang tatay sa simbahan. Gustung-gusto ko na talagang umatras sa kasal,pero hindi ko magawa. Pagkatapos akong ayusan ay sumakay na ako sa bridal car, laman ng balita ang pangyayaring ito. At bumalik na nga tayo kung saan tayo nagsimula, heto na ako ngayon palapit ng palapit sa altar. Saglit akong binitawan ni tatay nang makalapit kami kina Tyrone. Yumakap sa'kin ang presidente at ang asawa nito. Si tatay nama'y nakipag kama'y kay Tyrone at nakangiti itong tinapik sa balikat. Pagkatapos ay hinawakan ni tatay ang kamay ko at iniabot ito kay Tyrone. Magkahawak kaming lumapit sa altar. "Tyrone dela Torre,would you accept Epifania Rodriguez to be your lawfully wedded wife, in sickness and in health,till death do you part?" tanong ng pari sa kanya. "I do" sagot naman niya dito. Sa totoo lang,alam kong kung sa dalawang taong nagmamahalan, napakasarap pakinggan ng katagang iyon. Pero kabaliktaran ang sitwasyon naming dalawa. Pagkatapos ay sa'kin naman bumaling ang pari at tinanong din ako ng parehong tanong niya kay Tyrone, "I do" sagot ko rin. Pagkatapos naming magpalitan ng wedding vows at maisuot na ang singsing ay  biglang nagsalita ang pari. "you may now kiss the bride." kinabahan ako sa sinabi niyang iyon.  Maya-maya pa'y itinaas na ni Tyrone ang parti ng  belo na nakatakip sa mukha ko. Ito ang unang pagkakataon na mahahalikan ako ng isang lalaki. At ang masaklap pa,impakto pa ang magiging first kiss ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa'kin. Parang may tambol sa loob ng dibdib ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Pero nang halos isang dipa nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko,bigla akong natigilan. Saka ko lang napansin na ang impaktong kaharap ko ay nakatago sa mukha ng isang maamong anghel. Napakaguwapo niya, ang amo ng kanyang mga mata at napakapula ng mga labi niya. Animo inukit ang hugis ng ilong niya. Hindi ko maintindihan pero bigla akong napapikit. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Maya-maya ay naramdaman kong lumihis ang labi niya at dumampi ito sa pisngi ko. Bigla akong napadilat at pagkatapos ay isang nakakalokong ngiti ang bumulaga sa'kin. "dismayado ka no?" animo'y nang-aasar pang bulong niya sa'kin. "eh di wow!" bulong ko naman sa kanya. Pero sa totoo lang ay medyo tama siya. Hindi ko maintindihan pero  totoong nadismaya nga ako.  


My Arranged Marriage With The  President's Son  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon