Fraize on the media...
James' POV
Habang nakapikit ang aking anak sa loob ng magic circle na iyon ay may may isang sandata na nasa loob ng kristal na cabinet ang biglang lumiwanag.
Hindi ko maaninag ang itsura ng sandatang yon ngunit ng humupa na ang liwanag ay nagulat ako sa aking nakita.Ang Legendary Weapon na kung tawagin nila ay ARGON'S LEGENDARY HELLBLADE ay lumulutang papunta sa direksyon ng aking anak.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ang maalamat na sandata na ilang daang taon na ang nakakaraan ng muling may humawak dito ay huminto sa paglulutang sa harap ng aking anak.
"Sa wakas may hahawak sa sandatang yan"sabi ng assistant ni Mr.Guibler sa tabi ko.
Nakita kong hinawakan ng aking anak ang handle ng espada at biglang lumiwanag ang kikatatayuan niya kaya tinakpan ko ang aking mata.Pagkuha ko ng nakatakip kong kamay sa aking mata ay wala na ang liwanag at nang tingnan ko ang aking anak,umiba ang kulay ng kanyang buhok naging kulay abo ito na may highlight na mintgreen.
Parang hindi ko na makilala ang aking anak sa ganitong itsura niya,mukha siyang ibang tao.
"Siya na nga ang itinadhana para sa maalamat na sandata."sabi ni Fraize.
Someone's POV
"Riah,umiilaw na naman po ang libro ng propesiya."sabi ng nakaluhod kong heneral.Kumakailan lang nagsaad ng propesiya ang libro at ngayon meron na naman?kailangan ko na talagang dalian ang paghahanap sa bata na nakasaad sa propesiya.
Agad kaming pumunta sa silid kung saan ko tinatago ang libro.
"Gamit ang sandata ng hari ng nakaraan
Gawa ng masama para kadiliman ay labanan
Ang digmaan ay kanyang wawakasan
Sa tulong ng anghel ng kalangitan
At demonyo sa iba't ibang sulok ng kalupaan.Ang nakaraan ay kanyang pabalikin
Ang kasalukuyan ay palalakbayin
Mga kaganapan ay pagbabaliktarin
Ang makapangyarihan ay pababagsakin
Ang buong mundo ay kanyang lilinisin."pagbasa ko sa bagong propesiya.Hindi ito pwede!"Frello!magpadala ka pa ng maraming mga Levo sa Haran at sabihang dalian nila ang pagtugis sa bawat nilalang na may kapangyarihan doon."sigaw ko kay Frello.
"Opo mahal na Riah."dali daling siyang lumabas ng silid.
Hindi ko hahayaang may maghadlang sa aking paghihiganti.Hinding hindi!
"Mahal na Riah!"pagtawag sa akin ng isang Levo.
"Ano iyon Levo?"tanong ko sa kanya.
"Noong nakaraan ay may naramdaman kaming isang napakalakas na uri ng kapangyarihan na nagmumula sa isang batang lalake sa mundo ng Haran..."anong sabi niya?may malakas na kapangyarihan?kung ganon dapat mamatay ang batang iyon.
"Kung ganon manmanan niyo siya at unti unting gumawa ng plano kung paano niyo sa papatayin!"hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita ng sigawan ko ito.
"O-po"kinakabahan niyang pagsagot saka lumabas na rin ng silid.
Third Person POV
*Sa Kaharian ng Fantalia*
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasyA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...