Thic chapter is dedicated kina AZZEreal at ArthurUrmeneta thanks sa comments sa last chapter guys😍😍ingat kayo palagi😁😁
DAMON'S POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Duke na mahal niya ako.Pakiramdam ko talaga ay nasa isang panaginip ako pero ilang beses ko nang kinurot at sinampal ang mukha ko at nararamdaman ko ang sakit.Diz iz real na talaga!
"Gooooo Jeycob!"sigaw ng katabi kong babae.
Nandito kami ngayon sa loob ng Galaxy Arena kung saan kasalukuyang ginaganap ang paligsahan.Ang naglalaban ngayon ay si Fiera at ang isang lalake na taga-Violet Knights na tinatawag nilang Jeycob.
Ang lalake ay may kapangyarihan na Illusion kaya nahihirapan si Fiera na patalabin ang mga asido niya.As for everyone to know,Fiera was an Acid Manipulator at ang kalaban niya ay Illusionist,well talagang dis advantage iyon sa kaibigan ko.The guy named Jeycob kept on making humungous spiders which happen to be one of Fiera's greatest fear.Todo takbo ang bitch kong kaibigan para magtago sa likod ng apat na pillar na nasa gitna ng arena.Kung makasagot itong gagitang Fiera sa professor namin ay to the highest level ang pagiging palaban pero sa isang ilusyon na gagamba ay nababahag ang buntot.
Malakas ang pagtawa ng lalaking kalaban ni Fiera dahil sa takot na takot na mukha nito.Parang natatae na ewan.Lumuhod ang lalake at itinapat ang dalawa niyang kamay sa direksiyon ng tinataguan ni Fiera.In an instant,the pillar turned into a huge snake.Pumulupot ang ahas kay Fiera pero agad itong nalusaw nang magpalabas siya ng napakaraming asido mula sa iba't-ibang parte ng katawan niya.
Maya-maya ay nakita namin ang paggalaw ng bibig ni Fiera,sa tingin ko ay nagsasambit siya ng isang chant.Umilaw ang katawan ni Fiera sa berdeng liwanag,nang mawala ang ilaw ay bumungad sa amin si Fiera na nakasuot ng isang kalasag.
(Parang ganiyan po ang outfit ni Fiera.CTTO)
Dumadaloy ang berdeng tubig sa kaniyang pang-ibaba na nagsisilbing kaniyang mahabang palda.May parang baging rin na gawa sa berdeng tubig ang nakapulupot sa kaniyang braso.Ang tubig ay pumapatak at sa sandaling lumalapat ito sa lupa ay natutunaw ang parteng napatakan nito.Asido.
Sa kabilang sulok ng arena ay itinapat ni Jeycob ang kaniyang kamay sa lupa at nagsambit ng isang chant.Umilaw ang kaniyang palad at sa isang iglap ay naging isang masukal na kagubatan ang gitna ng arena.May lumitaw na malaking hologram sa harap ng lahat ng manood at mula dito ay makikita ang bawat galaw ng ni Jeycob at Fiera.Gumawa ng ilusyon ang kalaban ni Fiera,habang si Fiera naman ay panay ang pag hagis ng mga bulang asido sa mga punong kaniyang nakikita.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan kaming manonood nang makita naming may inilabas si Jeycob sa kaniyang bulsa.Isang piraso ng modeling clay,hinuhulma niya ang nasabing bagay sa kaniyang kamay hanggang sa naging isa itong hugis dinosaur.Inilagay niya sa lupa ang hinulmang clay at may sinambit siyang salita.Hindi ko ito marinig dahil nasa bandang itaas kami ni Duke ng arena pero itong katabi ko ay mukhang may alam sa sinabi ni Jeycob.
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasíaA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...