Chapter 46:Capital Disturbance

2.5K 128 2
                                    

Madilim ang kalangitan at naghahandang bumagsak ang ulan sa buong Capitolyo ng Fantalia.

"Oras na para sa isang maliit na laro."nakangising sambit ng isang nilalang mula sa madilim na sulok ng bayan.

"May mga sumasalakay!Takbo!"nagsitakbuhan ang mga nagtitinda sa mga maliliit na stall habang ang mga nasa loob ng nga imprastraktura ay nagsi sira at nagsitago.

Walong taong na nakasuot ng balalabal na may simbolo ng Magia ang nasasabing tagasalakay.

"Anong ginagawa ng mga estudyante ng akademya?Magsitigil kayo!"sigaw ng isang mamamayan na takang taka sa kinikilos ng mga mag-aaral ng kataas taasang akademya.

Parang walang narinig lamang ang walo at patuloy sila sa pagbato ng kani kanilang mga mahika sa buong paligid.Walang magawa ang mga mamamyan sapagkat mahina lamang ang kanilang mga kapangyarihan at walang laban sa mga kapangyarihan ng mga nag-aaral sa akademya.

May ilan ring nagtangka na labanan ang mga umaatake subalit nabigo sila.Nabalot ng pangamb ang buong kapitolyo,nanginig sa takot ang mga kabataan at hindi naman mapakali ang mga matatanda para sa kaligtasan ng buong kapitolyo.

Isang paraan na lamang ang kanilang nalalaman para malabanan ang mga umaatake sa kanilang pamumuhay,at iyon ang mismong pinanggalingan ng mga umaatake,ang Akademya ng Magia.

........

Nakatanggap ng tawag ang headmistress mula sa tagapamuno ng kapitolyo at sinabi sa kaniya na kailangan ng kapitolyo ang tulong ng akademya sapagkat ito ay sinasalakay.

"Flace,kailangan mo agad na kumilos sapagkat ang mga sumasalakay dito ay hindi mga pangkaraniwang mamamayan kundi mga malalakas na estudyante mula sa iyong paaralan."

Mula sa iyong paaralan.Mula sa iyong paaralan.Patuloy na umuulit sa isip ng punong guro ang sinabi ng kaniyang dating kaibigan,na ngayon ay tagapamuno ng kapitolyo.Hindi siya makapaniwala na sasalakay sa bayan ang kaniyang mga estudyante.Hindi niya akalaing ang mga tinuturuan niyang magpanatili ng kapayapaan at katahimikan ang sisira nito ngunit sa kabila ng kaniyang ay alam niyang hindi ito gagawin ng mga mag-aaral sa kaniyang paaralan kung walang sapat na kadahilanan.

DAMON'S POV

"Golden Royals,ipinapatawag kayo ng Headmistress sa kaniyang opisina.Nasa kayo ay magmadali sapagkat ito ay isang emergency.Inuulit,Golden Royals pinapatawag kayo ng headmistress kaniyang opisina."pagsasalita ng assistant ng auntie ko sa speaker na nakalagay sa buong school.

"Anong nangyayari?Bakit bigla-biglang pinapatawag ang mga royalties?"rinig kong bulong-bulongan ng mga kaklase ko.

"Ano na naman ang kaguluhan?"

"Bakit sila ipinatawag"yan ang iilan lamang sa mga chismis na naririnig ko sa chismosa kong kaklase na puro lang watak ng watak.

"Anyare don?"pagbulong ko kay Blood na katabi ko.Wow nahiya ang hindi watak ng watak!Peace po tayo makikiusyuso rin si chismosang me.Hehehez

"Baka may ibinigay na misyon sa kanila.Importante talaga siguro iyon dahil sinabing emergency.Iyan palagi kapag may sinasabing emergency,sila ang pinapatawag dahil daw malalakas sila."wow parang may galit ata itong si Dugo sa mga royalties auh.Parang hindi pa paniwala na malalakas ang grupo nina Duke.

Bumaling naman ako sa kabila kong katabi na si Fierra at tinanong siya kung alam niya rin ang nangyayari subalit waley rin akong nakuhang impormasyon.

"Okay class tama na ang inyong chismis----"Hindi nakatapos si Maam Adeline sa pagsasalita nang may nagsalita muli sa speaker.

"Damon Kace Somerville ng Bloody Maroons.Ipinapatawag ka nga Headmistress sa kaniyang opisina."Napatingin ang lahat sa akin dahil sa anunsiyong narinig.May mga titig na parang nakakamatay at may mga titig na parang nagulat lang.Iyang mga nakakamatay na mga titig na iyan ay mga inggit lang iyan sa akin.Duhhh.Parang gusto ko tuloy mag hair flip at sabihin sa kanila na "inggit kayo no?Pwes manigas kayo!" Pero wag na mga beh magmukha akong kontrabida.

Magia Academy:The Next Celestial MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon