Chapter 64:Hari ng Lunaria

2.2K 171 111
                                    

This chapter is dedicated kina...Jas_007,pjellal_95,GenmarDomanillo,iamlenoj,Urichiiwa,zachy1705,KimAndrewRosales,akiieShia,Marvin262003,BoysLoveStories18,ravengomez815,ArronOlino,CancerEve,JeromeSalamat0,Jrmdlcz,DarcyAnChing,IanJc_19,jadealoy,KARL771,jempaul02,Allicannn,moxieKen,CjJamesManalaysay0,suichirolee,DannisDayPDemagajes maraming maraming salamat sa support guys.Lab lottttsss!!Sending virtual hearts!!

Happy 35k reads pala😍😍😍hindi ko akalain na aabot tayo sa bilang na ito yiiiieee.

DAMON'S POV

Maaga akong nagising dahil sa tumama na sikat ng araw mula sa nakaawang kurtina sa bintana ng aking silid.Umupo ako at gumuhit ang isang ngisi sa aking labi nang maalala ko ang pagbabanta ko kay Beviline kagabi.Nakapag-isip isip na rin ako kung paano ako makakapaghiganti sa kaniya.Malalang malala,makikita niya kung sino ang binabangga niya.

Gumanyak ako at nag-ayos ng aking sarili pagkatapos ay agad na nagtungo sa harap ng pinto.Kasabay ng pagbukas ko nito ay pagbukas rin ng pinto ng katabi kong silid.Napatingin sa akin ang lalaki at maya-maya ay naging matalim ang pagtitig niya.Akmang hahakbang na ako ng may tumawag sa kaniya.

"Duke hintayin mo ak--"napatingin sa akin ang babaeng lumabas sa silid nito.Sa silid pala niya natulog ang higad na ito.Nakaramdam ako ng parang mabigat sa aking dibdib,parang may hollowblocks akong nalunok.Agad akong tumalikod sa kanila dahil baka hindi pa oras ay lumabas ang lahat ng galit na kinikimkim ko dito sa puso ko.

"Sandali."rinig kong sambit sa akin ng walanghiyang lalaki kaya napalingon ako sa kanila subalit mali pala ang aking ginawa dahil bigla ako nitong sinakal at isinandal sa pader.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking leeg at umaapoy sa galit ang kaniyang gintong mata.

"Bi-ta-wan...acckkkk...mo a-ko"nahihirapan ako sa paghinga dahil sa ginagawa niya.Balak pa ata ako nitong patayin.Puta ka Duke!

"Huwag na huwag kang magkakamaling saktan si Beviline,baklang mahina."matigas nitong wika sa akin.Kinakampihan niya na ngayon ang higad na laspag.Napatingin ako sa kinatatayuan ng kutong lupa at nakita ko itong ngumingisi na tila nag sasabi na 'panalo ako'. Pulang pula parin ang magkabilang pisngi nito dahil sa malakas na pagsampal ko sa kaniya kagabi.

"Alam kong ikaw ang may gawa ng pamumula ng pisngi niya.Gago ka!"Mas humigpit ang pagsakal nito sa akin.Magbabayad kayong dalawa!

Wala na akong choice!Ginalaw ko ang aking paa at hindi na akong nag-atubiling tuhurin ang kaniyang gitna.Magdusa ka.

"Aarrgggghhhh!"napahawak siya sa kaniyang gitna at napaluhod sa sahig.Hinabol ko naman ang aking hininga at nang makita kong gumalaw si Beviline sa kinatatayuan niya ay agad kong pinalabas ang sandata ko sa anyong punyal.Hinagis ko ito sa kaniyang kinaroroona at bumaon ito sa parte ng pinto na malapit sa kaniyang kaliwang pisngi.

Magia Academy:The Next Celestial MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon