Chapter 18:Levo's on the move

3K 200 4
                                    

Duke's POV

Tapos ko makipagkilala sa lalaking Damon ang pangalan ay pumunta ako sa likuran ng building Jade para makapag -isip.

"Tao siya?"tanong ko sa sarili ng nakaupo ako sa damuhan.

"Tanga ka ba Duke?siyempre tao siya ano bang tingin mo sa kanya hayop?"sagot ng isip ko.

"Tsk!Can't you get what I mean?"minsan ang bobo rin ng isip ko eh.

"Tsk."aba!gaya gaya to ah.

Bakit ganon?nandito siya sa mortal world eh alam kong may magie rin siyang taglay?Bakit rin ganon parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya na parang komportable ako pag nandiyan siya?

At kanina lang ako nagpakilala ng maayos sa kanya pero hindi talaga siya mawala sa isip ko.Napasabunot nalang ako sa sarili ko sa sobrang frustrations.Kailangang madala namin siya sa Celestial World bago pa kami ma unahan ng mga kalaban na kunin ang mga tulad niya.

Someone's Pov

"Nakuha niyo na ba ang batang sinasabi niyo na nararamdaman niyo ng malakas na kapangyarihan?"tanong ko sa aking alagad.

"Hindi pa po mahal na Riah"hindi?.mga walang kwenta!

"At bakit hindi?!"mukhang kinabahan siya sa aking pagsigaw.

"Para po siyang nababalutan ng pananggalang kaya hindi namin siya malapitan ng basta basta kaya nag hahanap pa po kami ng tyempo"sabi ng heneral ng mga Levo.

"Pwes hindi nako makapaghintay!mamayang gabi susugod tayo sa batang yan at papatayin natin siya"

"Natin po mahal na hari"tanong nito sa akin.

"Oo natin dahil sasamahan ko kayo para tagumpay ang inyong misyon at isa pa para madama ko rin ang kabilugan ng buwan mamayang gabi."nakangisi kong turan sa kaniya , tinanguan nito.

"Maghanda kayo mga kalaban ko malapit na akong lumakas bwaaahahahaha!!!"

Damon's Pov

Ang saya pala nilang kasama ang lakas ni Blade mang-asar kay Ridge at ang bata naman ay todo sungit sa kanya,si Steally naman eh puro jokes ang kinukwento kaya tawa ako ng tawa pero this day has to end kasi uwian na.

Uwian na nga pero di ko parin nakita mula kanina tapos ng break si Duke san na kaya yung supladong yon?bakit kaya nag absent siya sa apat na subjects namin?matanong ko nga sa kasamahan niya.

"Joyce san nga pala si Duke parang kanina ko pa siya hindi nakita ah uwian na pero di ko parin siya nakita na kasama niyo?"bulong ko sa kanya pero ang bruha nginisihan lang ako.

"Huwag mo nang hanapin yun sigurado akong umuwi na siya sa bahay."bulong niya pa balik sa akin.

"Anong binubulong-bulong niyo diyan"

"Ay pichay ng kabayo!"putakte bwisit sino yun?ginala ko ang paningin ko at ang mga bwisit kong kasama eh walang humpay ang tawa mga demonyo!

"Sino yun?!"pasigaw na tanong ko sa kanila at humagalpak sa pagtawa si Payton bwisit na lalaki to nakakainis.

Nilapitan ko siya saka kinurot sa singit ay este sa tenga kaya napaaray ang ogag.

"Yan ang nakukuha ng taong nanggugulat"sambit ko sa kanya saka bumaling kay Jessie.

"So guys uwian na kaya magkahiwahiwalay na tayo."sabi ni Farina na tinanguan ng lahat.

"So goodbye!"pagpaalam ni Joyce at isa-isa silang kumaway sa akin.

"Bes uwi na rin tayo"sabi ng katabi kong bruhilda.

"Tara.."sumakay na kami ng sasakyan ko at dumiretso umuwi.

Magia Academy:The Next Celestial MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon