Damon's POV
Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang masukal na kagubatan.Ang mga puno ay matatatayog at malalawak ang sakop ng kaniyang sanga.May mga baging na nakapulupot sa katawan nito at may iilan ring nakasabit sa mga sanga na nag-uugnay sa katabing puno.
Madilim ang paligid na pawang walang ilaw na tumatagos sa mayayabong na dahon ng punong umaaligid sa buong lugar.
Tumayo ako at pinagpag ang aking suot.Nagsimula akong lumakad at nagpalinga-linga sa paligid.
Napakatahimik naman yata nitong kagubatan.Bakit wala manlang akong naririnig na kahit konting huni ng mga ibon?Nasaan ang mga alagad ng kalikasan?
Naramdaman ko ang pangangalay ng aking paa dahil sa patuloy kong paglalakad kaya naman napagdesisyunan ko munang magpahinga sa ilalim ng isang puno.
Pinikit ko ang aking mata at pinakiramdaman ang buong paligid.Umihip ang hangin at niyapos ako nito ng taglay na kalamigan na kay sarap sa pakiramdam.Naririnig ko ang pagkahulog ng ilang mga dahon na nagmumula sa puno dahil sa pag-ihip ng hangin.Pagkatapos nito ay biglang tumahimik ang kapaligiran.Walang ni isang tunog na umaalingawngaw at sumisira sa katahimikan na taglay nito.
Huminto na ako sa pagmumuni at iminulat ko ang aking mata.Tumayo ako at ipinagpatuloy muli ang aking paglalakad.
Habang ako'y sumusulong ay pinapalibot ko ang aking pananaw subalit tila paulit-ulit lamang ang aking dinadaanan.Hindi kaya ay may maligno sa kagubatang ito at pinaglalaruan lamang ako nito?
Lumapit ako sa isang puno at pinulot ang isang matulis na bato.Ginuhitan ko ng isang bilog ang kahoy tanda na ito'y akin nang naraanan.
Muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakbay sa ikatlong pagkakataon.Pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin mula sa malayo.Lumingon ako sa aking likuran at wala naman akong nakikitang kahit sino.
Sa bawat puno na aking nadadaanan ay nilalagyan ko ito ng bilog upang di ako mawala.Malay mo totoo ang hinala ko na pinaglalaruan lang ako ng maligno.
"Waakk!Waakk!"napalingon ako sa aking likuran ako mula sa madilim na parte ng gubat ay may lumilitaw na mapupulang mata.
Kumabog ang aking dibdib at gumapang ang kaba sa aking sistema.Biglang gumalaw ang mga mata dahilan upang kumaripas akon ng pagtakbo.
Hingal na hingal.Kinakapos ng hininga.Hinahabol ko ang aking paghinga sa bawat mabilis kong pag-abante.Lumilingon ako ng ilang segundo sa aking likuran para alamin kung may sumusunod pa at pagkatapos ay titingin na naman sa harap.
Nadaanan ng aking pananaw ang bilog na aking ginuhit sa puno.Totoo nga na ako'y pinaglalaruan lamang ng mga nilalang sa kagubatang ito.
Boogsh*
Napasalampak ako sa lupa dahil sa matigas na bagay na aking nabanggaan.
Tumingala ako at isang tao na nakasuot ng itim na kapa na may suot na itim na maskara na kalahati ay ginto ang tumambad sa akin.
Nakatingin ito ng diretso akin at mukhang walang balak na ako'y tulungan.Pinagpag ko ang aking pwet at tumayo.
Magkasing taas lang kami ng taong kaharap ko.Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa subalit hindi ko talaga kilala tong taong ito eh.
"Sino ka?"nagtatakang tanong ko sa kaniya.Makalipas ang ilang minuto ay parang tanga ako na kumakausap sa hangin dahil wala man lang akong nakuhang ni isang sagot.
Kumaway ako sa harap niya para kunin ang kaniyang atensiyon pero hindi parin siya kumikibo.
"Sino ka?At bakit ka nandito?"naiinis na tanong ko sa kaniya.Peste!ang snobber kasi ng lola niyo.
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasyA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...