Chapter 5:History

3.6K 193 1
                                    

Orthox on the media.Yung mga nilalang po na nasa paligid niya sa pic ay ang mga nilalang na galing sa Gehenna,sila po ay mga immortal.

Hope you like the UD....
                                    -Otor DD

Damon's POV

"Labis ang tuwa ni Orthox ng ihinirang siyang bagong hari ng Sommera sapagkat naisasagawa na niya ang kanyang plano.Sa kabila ng mabuting pagtrato ng hari kay Orthox hindi niya alam na isang huwad ang kanyang kanang kamay.Gustong maghari ni Orthox sa buong Sommera kaya niya nilason ng paunti unti ang hari na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.Sa paghari ni Orthox sa buong Sommera iniba niya ang pamamalakad nito ginawa niyang isang dictatoryal ang demokrasyang pamamahala ng mga nakalipas na hari.Naging sakim siya sa kapangyarihan,kung sino man ang siyang sumuway sa kanyang ipinag uutos ay mapuputulan ng ulo.Nag aral siya ng mabuti tungkol sa kung paano niya mabibihasa ang kakayahan sa pagtawag ng iba't ibang mga nilalang sa buong mundo ng Celestial.Di naglaon ay naabot niya ang Excellent rank ng kanyang kapangyarihan na kung saan pwede na niyang matawag ang lahat ng mga anghel ng Elysium at lahat ng demonyo ng Gehenna"patuloy kong binasa ang nakaraan ng Sommera at parang naiinis ako dito kay Orthox nato masyadong ambisyoso kasi eh at walang utang na loob sa hari kaya ayon kawawa ang hari hay buhay nga ba naman hindi mo maikakala na minsan kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ng lubusan ay siya pang magpapahamak sayo.

"Wow girl anlalim ha?saan ka kumuha ng inspirasyon sa hugot mo nayon?"pamamaktol sakin ng isip ko pero pinabayaan ko nalang siya at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Ay ikaw na!snobber ang ate!famous!"pagpapapansin niya kaya inirapan ko nalang siya,nakakatamad makipagdebatihan sa isip kong walang magawa kundi mambara.

"Sa kabila ng kangang matinding kapangyarihan hindi parin siya makontento sa kanyang nasasakupan kaya nagplano siya na sasakupin niya ang kaharian ng Necromancia dahil ang mga necromancers ang siyang daan niya para makakuha ng mga hukbong sandatahan na mula sa Gehenna.Mga hukbong sandatahan na imortal.Natapos ang kanyang pagpaplano at palihim niyang sinugod ang Necromancia gamit ang kanyang mga alagad na anghel at demonyo.Pinapatay niya si Necrono na siyang hari ng Necromancia kay Michael na isang anghel.Kahit labag sa kalooban ng anghel na pumatay ng inosenteng tao ay nagawa parin niya dahil siya lang naman ang anghel ng katapatan na kung saan kung anong ipinag uutos sa kanya ng kanyang pinuno ay kanya itong susundin ng walang pag aalinlangan.Matapos mamatay ni Haring Necrono sumunod ang mga Necromacians kay Orthox dahil sa takot na mamatay.Ginamit niya ang mga malalakas na Necromacians para magpalabas ng mga imortal na mga nilalang mula sa Gehenna at unti unti niya itong ginawang hukbong sandatahan tulad ng sa kanyang plano."pagpapatuloy ko sa aking binabasa at nilipat ko ang pahina.

"Kumuha siya ng walong malalakas na tauhan bilang magiging walong kanang kamay niya apat na malakas na Sommerian at apat rin na malalakas na Necromacian.Nakarating ang balitang pagsalakay ni Orthox sa Necromancia sa iba pang kaharian ng Celestial World kaya mas lalo nilang nilalakasan ang depensa ng bawat kaharian,nageensayo rin ng mabuti ang kanilang hukbong sandatahan.Walang kaalam alam ang ibang kaharian tungkol sa pagkuha ni Orthox ng kanyang mga alagad sa Gehenna.Pumunta si Orthox sa Gehenna at nanghingi ng tulong mula sa kanyang kaibigan noon na si Haring Argon at tumanggi ito sa alok na makipag alyansa sa kanya ngunit hindi alam ni Haring Argon na ang mga presong nilalang ng Gehenna ay unti unting inuubos na kunin ni Orthox ng walang paalam sa kanya.Sumapit ang araw ng pagsugod ni Orthox sa ibang kaharian.Hinati niya ang kanyang hukbo sa walo may tig iisang heneral kasama ang isa sa kanyang mga demonyo ang gagabay sa bawat hukbo na binubuo ng hindi mabilang bilang na mga imortal na nilalang.Sabay sabay niyang sinalakay ang walong kaharian,siya ang nakatuon sa kaharian ng Fantalia na siyang sentro ng Celestial World.Hindi inaasahan ng Fantalia ang paglusob ng Sommerian at Necromacians kaya kahit malakas ang depensa at hukbong sandatahan nila wala parin itong binatbat sa mga alagad ni Orthox.Maraming dugo ang dumanak,maraming pamilya ang namatayan,maraming mahal sa buhay ang iniwanan at maraming buhay ang nasayang.Sa bandang huli nakamit ni Orthox ang inaasam;ang pagbagsak ng lahat ng kaharian at siya ang maghahari dito.Tuluyang nanlumo ang mga hari at reyna .Nakatakas ang ilan sa mga hari at reyna ng bawat kaharian  kabilang na ang hari at reyna ng kahariang Fantalia,Controvia,Shai,Wizandy,Destroya at Elementia pero sa kasamaang palad ay hindi nakatakas ang mga pinuno ng Animacia at Cretia,nakatakas rin ang ilan sa mga mamamayan .Ginawang alipin ni Orthox ang mga naiwang Celesters at pinahirapan niya ito ng husto gusto niyang ipakita sa lahat na walang makakatalo sa kanya sapagkat kontrolado na niya ang lahat ng kaharian."

"Nagsama sama ang mga nakatakas na pinuno at namuhay sila malayo sa karumaldumal na paghahari ni Orthox.Namuno ng halos limang taon si Orthox sa buong Celestial world.Sa muli pumunta si Orthox sa Gehenna para kay Argon at hinikayat itong samahan siya sa pamumuno sa buong Celestial world pero tumanggi ang hari na siyang ikinagalit ni Orthox.Pinapatay niya ang asawa ni Argon sa kanyang mga alagad na kung tawagin ay Lunas na siyang ibat ibang uri ng Celesters na naglilingkod sa kanya.Nagalit si Argon sa ginawa ni Orthox,matinding paghinagpis ang naranasan ng hari hanggang sa napagpasyahan niyang umanib sa mga nakatakas na mga pinuno ng kahariang sinalakay at inagaw ni Orthox.Matapos ang limang taon nilang pagtatago at pagpaplano kasama si Haring Argon na siyang nag abot ng tulong mula pa sa Gehenna ay nakabuo sila ng malakas na alyansa,handa na silang makalaban muli si Orthox sa ikalawang pagkakataon at sisiguraduhin nilang makukuha nila pabalik ang naagaw na kaharian.Nang makarating sila sa lupain ng Fantalia kung saan namamalagi si Orthox ay nagulat sila sa kanilang nakita ang dating maaliwalas na aura ng kapaligiran ay napalitan kakilakilabut na aura.Ang mga istablisemento ay binago ang dating mga munumento ng mga diyos at diyosa ay pinalitan ng mga munumento ni Orthox at mga demonyo.Hindi sila nagpatinag sa kakilakilabot na aura sapagkat pinagtuonan nila ng pansin kung ano ang pinunta nila dito;at yon ay para bawiin ang mga inagaw na kaharian."

"Sinimulan nila ang palihim na pagsubol hanggang sa naganap muli ang isang sagupaan.Pero sa pagkakataong ito sinisigurado ng mga nakatakas na hari at reyna ang kanilang pagkapanalo.Nagkatapat si Orthox at Argon sa isang labanan.Hustisya para kay Argon at kapanyarihan para kay Orthox.Matindi ang naging sagupaan ng magkaibing pwersa.Sa malayong lugar nakatanaw ang isang Celestial Mage,nakikita niya ang pagsasagupaan ng mga kapwa Celester.Napaluha ito sa kanyang nakita di niya akalaing magaganap ito sa napakagandang mundong ito kaya nakapagdesisyon siya na siya na mismo ang kikilos para mapahinto ang digmaang iyon."

"Nasa gitna ng paglalaban ang lahat ng biglang dumating ang isang Celestial Mage at kanyang unti unting binubura ang lahat ng mga nilalang mula sa Gehenna sa isang kumpas lang ng kaniyang kamay.Gamit ang kapangyarihan ng kalawakan ibinigay ng Celestial Mage ang lahat lahat ng makakaya niya para tigilan ang digmaan.Nang maubos na niya ang lahat ng mga imortal na nilalang ay natumba nalang siya sa lupa at tuluyang namaalam sa mundo.Ipinaubaya na niya ang paglaban kay Orthox kay Haring Argon.Masayang nilisan ng Celestial Mage ang mundo ng mahika ng may ngiti sa mukha sa kadahilanan na may nagawa siya para sa ikabubuti ng buong Celestial World.Patuloy ang paglalaban nina Orthox at Argon sa gitna ng digmaan di nila alintana ang mga nangyayari sa kanilang paligid nakatuon ang kanilang pansin sa kanilang laban na magbabadya ng kapalaran ng buong mundo ng mahika.Nagpakitaan silang dalawa ng kani kanilang mga alas;pinalabas ni Orthox ang kanyang alagad na si Lucifer ang pinakamakapangyarihan na demonyo sa lahat.Sa gitna ng kanilang labanan ay may bumulong kay Argon na siya na ang bahala kay Orthox dahil wala na mga alagad nito.Agad na pinalibot ni Argon ang kanyang paningin sa buong lugar at napahanga siya sa kanyang nakita na ubos na nga ang mga alagad ni Orthox at ito nalang ang natitira."

"Ibinuhos na ni Argon ang lahat ng kanyang lakas sa paglaban sa alagad ni Orthox,at di nagtagal ay nangyari na ang dapat mangyari nasaksak ni Argon si Orthox sa tiyan at unti unti itong nanghina pero di niya alam na nakapagpalabas pa pala si Orthox ng isa pang alagad at nasaksak rin siya kaya pareho na silang nasa bingit ng kamatayan.Bago namatay si Orthox ay nagbigay pa ito ng babala na babalik siya sa tamang panahhon at ipagpapatuloy nito ang kanyang nasimulan na paghahasik ng lagim sa buong Celestial World.Namaalam rin si Argon sa labanang iyon."

"Matapos ang digmaang iyon ay labis ang pasasalamat ng bawat kaharian sa kagitingan ni Haring Argon at ng Celestial Mage.Kung hindi dahil sa kanila hindi maibabalik sa dati ang lahat.Makalipas ang mga buwan at taon unti unting bumabangon ang bawat kaharian sa naranasang undas mas naging matatag ang kanilang pamumuno at pakikipagsapalaran sa ibang mga kaharian.Mula noon bilang nalang ang natitirang mga Sommerian at Necromacian na namuhay sa buong Celestial World.Mula rin noon ay kinatatakutan na ang lahat ng mga Sommerian at Necromacian dahil sa masalimuot na nakaraan ng kaharian nila."wow!my gosh! grabe!astig!cool!lahat na yata na words na nagdedescribe sa pagkamangha ay masasabi ko na.

Ikaw ba naman hindi ka mabibilib sa matinding karanasan ng Celestial World sa pangyayaring iyon.Pagkatapos makalipas lang ang ilang taon nakarecover na agad sila sa mga nangyari.It's so woooww!!!Di ko akalaing ganito pala ka interesting ang lugar na pinanggalingan namin.Nakakamangha ,ang gigiting ng mga tao don.

Okay na relax! tama na ang excitement kailangan ko pang bumasa ng iba pang libro para may madagdag pa sa mga kaalaman ko.

To be contiued....

Magia Academy:The Next Celestial MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon